Bagong Nakalipas - Past Revisited

208 6 0

   Sa isang pook sa Lungsod ng Maynila, naramdaman ng tanging buhay na henerasyon ng Namayan Relic bago si Felipe na nailipat na ang relikya ng Namayan sa ibang tao. Siya ang ikapitong henerasyon ng Namayan Relic - si Rajah Sulayman.

"Hmm. Makakabuti kaya na mapabilis ang siklo ng Namayan generation?", tanong ni Sulayman sa sarili habang naglalakad pauwi. Nangiti siya nang naalala niya ang pagkikita kay Juan Felipe.

   Marso ng 2011. Nagtuturo si Sulayman kay Felipe noon tungkol sa Namayan Relic.

"Noong naman ko ito kay Rajah Laya, na mas kilala ngayon bilang Matanda, 5.6% lang ang naidagdag sa angking lakas ko. Pero sa ngayon, lalakas ka ng 112,845,187,829%."

"Ano?! Ibig sabihin, mas mabilis pa ako sa speed of light??"

"Maaari..."

"Bakit nga ba nasa iyo pa rin 'yan?"

"Sampung henerasyon bago ka... lahat sila... nais mamuhay ng normal... kaya ayun, binalik nila sa akin abg relikya."

"Pwede pala 'yun? Hmm..."

"Hoy, hoy. Tingin mo? So, tinatanggap mo ba ang hamon?"

"Kung 'yun 'yung kinakain, pwedeng pwede."

"Pepe..."

"Oo naman...?"

"Wahoo! Mamamatay na rin ako!"

"Bakit nais mong mamatay?"

"Kaibigan, take it from me. Hindi mo gugustuhing maging imortal."

***

   Kinabukasan, umalis na si Felipe kina Jose. Bago umalis, kinuha muna ni Felipe ang rating ng maximum strength ni Jose gamit ang modified na salaming katulad ng ginamit dati ni Rajah Sulayman. Mukha itong salamin ni Enrile. Ang lumitaw ay 15.8 gigawatts, mas mataas kaysa sa dating rating ni Sulayman kay Felipe na humigit-kumulang 11 gigawatts. Mas malaki rin ito kaysa sa available capacity ng buong electric grid ng bansa noong 2011.

Maliban sa limpak limpak na salapi (which is actually 5 million pesos lang naman, hindi pa sapat na jackpot ng 6/55 lotto draw) at ang walang kamatayan na Namayan Relic, may iniwan pang isang bagay si Felipe.

"Tinyente Tagalog Official Hero Log??"

Nakita ni Jose ang manipis na pulyetong nakalagak sa kanyang mesita, nakapatong sa bagsak na larawan ng kanyang pamilya. Nang kanyang busisiin ang mga nagawa ng Superherong Pinoy, siya ay namangha.

Nakapagtanim ng 165,000 na puno't halaman. Tumulong sa pag-aayos ng imprastraktura tula ng pagkongkreto ng 200 kilometro ng daan at pagpapabilis sa pagpapatayo ng LRT Line 1 (Cavite) and 2 (Antipolo, Rizal) extensions. Pagtulong maiwasan ang 6,400 na aksidente sa lagpas 43,000 na karaniwang nararanasan sa Metro Manila kada taon. Naglinis ng 60 sa 349 waterways sa NCR (Nationa Capital Region) na barado na. Nakalipad nang 1,149 na beses mas mabilis sa liwanag. Pagsasaayos ng Ifugao Rice Terraces, na tinaningan na ng 30 taon bago mawasak. Tumulong rin sa pagsasaayos ng mga pampublikong sementeryo at NAIA Terminal 1 at 3. Natalo ang tatlong J-7 at dalawang F-35 fighter planes ng ibang bansa.

"Hmm. Teka, Villains of the Philippines 2011..." Binabasa pa rin ni Jose ang manipis na pulyetong iniwan ni Juan Felipe. Kaya lang, biglang may narinig si Jose na mahinang mga katok sa pinto. Patuloy lang ang mga katok kaya nagpasya si Jose na iwan muna ang pulyetong nakabukas sa pahina ng villains upang buksan ang pinto. Si Esla ang kumakatok.

"Oh, bakit ka narito? At bakit marumi ka?", tanong ng nagtatakang si Jose. Nakahilig ang isang braso nito sa pintuan.

"Pinalayas kasi ako sa amin dahil ampon lang po ako. Hinahanap ko po ang tunay kong mga magulang ngunit kailangan ko ng tutulong sa'kin...," sagot naman ng nanghihinang si Esla. Dalawang araw na mula nang umalis siya sa kanila.

Tinyente Tagalog - Superherong Pinoy (Lieutenant Tagalog - Filipino Superhero)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!