Lakad lang kami ng lakad, minsan maririnig ko ang pagkanta ni Camille ng isang kpop song na hindi ko maintindihan at minsan ay sinasabayan n'ya ng sayaw, may pabaril baril pa s'yang ginagawa, saway naman ng saway si Jordan kesyo nakakarindi na, si Ian naman ay nakikitawa sa pagtatalo ng dalawa.

Isang oras at kalahati ata kaming naglalakad nang matanaw namin sa di kalayuan ang mga nagniningning na ilaw ng siyudad.

Nasilayan ko ang mga ngiti nila, para bang hindi sila nagsisisi sa mahaba at nakakapagod na lakaran.

Palapit kami ng palapit sa siyudad na 'yon, parami rin ng parami ang tao, may iilang napapasulyap dahil siguro sa mga itsura namin at may ilang wala namang pakialam sa'min, buhay na buhay ang paligid, napakaraming sasakyan sa kalsada, nakita ko na lang na nasa sidewalk na kami, may maliliit na halaman na palamuti sa sidewalk at iilang puno, lalong napupuno ang tao sa kalye.

May ilang estudyanteng kumakain sa food park, lalo kong nakaramdam ng gutom sa mga amoy sa paligid, ang ganda nilang pagmasdan. Palibot-libot ang tingin ko sa mga establisyeminto na may mga nakasulat na Maple, ibig sabihin ito 'yong pinakasiyudad ng Maple.

Lumagpas kami sa food park na nadismaya ako, kala ko kasi ro'n kami kakain pero hindi pa pala, ang choosy naman ng mga kasama ko.

Nagulat na lang ako nang huminto si Jordan sa isang Chinese resto at pumasok s'ya ro'n, magtatanong pa sana ako kong sigurado s'ya pero maligalig na sumunod sila Ian at Camille, may pang bayad ba sila rito? Pwede naman kami sa labas ah.

Kaya wala akong nagawa kong di ang sumunod sa kanila, sumalubong sa'kin ang Chinese vibe ng lugar mula sa mga waitress at waiter, sa mga display nila at iilang Chinese character sa pader, pati ang masarap na amoy ng nakahain sa mga lamesang na una sa'min, may iilang kumakain do'n, isang pamilya at isang nag-date na mag-jowa, hindi ako sigurado pero nakikita naman sa mga kilos nila.

Natanaw ko sila Ian na nakaupo sa apatan kaya sumunod ako at tumabi sa kanya, agad kaming inasikaso ng isang waitress na nakasuot ng Chinese uniform na parang daster na pula at naka-poka style ang hair n'ya with bangs.

Binigyan n'ya kami ng tig-isang menu, nalula ako sa mahal ng mga presyo lalo na 'yong pang family size na pagkain, agad ko silang sinulyapan pero parang desidido silang mag-order.

"Miss isang type b na lang sa'min and iced tea," ngiting order ni Jordan.

"Sige po within 10 minutes," sabi ng waitress bago umalis.

"Hey may pang bayad ba kayo?" Tanong ko sa kanila, ako kinakabahan sa ginagawa nila.

Ang sama ng tingin sa'kin ni Jordan, "dating gawi," sagot n'yang hindi ko naintindihan.

Napabuga ng hangin si Camille, "grabe ah, ilang beses na natin 'tong ginagawa."

"Gusto mo naman," balik ni Jordan.

Humarap sa'kin si Ian. "Hayaan muna ngayon lang uli, gutom na talaga kami."

"Anong ibig ninyong sabihin?"

Biglang bumulong si Camille, "on two three."

"Ano?" Napasulyap uli ako kay Jordan.

"Bakit may iba ka bang plano?" Balik n'ya sa'kin.

Hindi naman ako nakasagot, wala rin naman akong plano.

Wala pa nga sampung minuto nang makabalik ang waitress dala na ang order ni Jordan mas lalo kong natakam sa apat na bowl ng mainit na wanton mami, dumpling, soimai, Chinese fried rice, isang pitcher ng malamig na iced tea, isang buong roasted chicken at butchi.

"Kain na!"

Kahit din naman ako'y nakikain at sumabay sa kanila, ramdam ko ang gutom nang sunod-sunod akong sumubo ng fried rice, pinag sabay-sabay ko ang soup at manok sa bibig ko, kamuntik na kong mabulunan kong di lang ako inabutan ni Jordan ng baso ng iced tea hindi na ako nagreklamo at kinuha 'yon.

Kanya-kanya kaming kain at walang nag-iingay sa'min.

Sa loob ng kalahating oras na ubos at nasimot namin ang pagkaing binigay sa'min, sandal kaming nagpahinga, nabigla ako nang pumitik ng daliri si Jordan sa eri, tumayo na sila Ian at Camille, sumunod ako, namangha ako nang mapansin kong lahat ng nasa loob ng resto ay nakatigil maliban sa'min, pati ang malaking orasan sa pader nakahinto.

Nagmadali silang lumabas kaya sumunod din ako, ga'nun din ang itsura ng mga tao sa labas lahat ay nakahinto, so ito pala ang sinasabi nilang plano? Ilang beses na kaya sila nakakakain sa masasarap na kainan at hindi nagbayad?

Ilang building at tindahan ang nilagpasan namin nang muling pumitik nang daliri si Jordan sa eri, muling bumalik sa dati ang lahat, muling naging maingay ang siyudad, habang naglalakad kami napansin kong nakatingin sa'kin si Camille na parang nagtataka nang mapansin ko s'ya agad s'yang ngumiti, hinayaan ko na lang, weird talaga sila.

"At muli na naman tayong magiging NPA," biro ni Ian

Napasulpay ako kay Jordan na unahan ko, napansin kong parang basa ang tagiliran coat n'ya at parang may butas, paminsan-minsan ay hinahawakan n'ya 'yon, pero hindi ko na lang uli pinansin.

Project NullWhere stories live. Discover now