CHAPTER 23

873 50 25
                                                  

Dedicated to @laldewings

If you want a chapter to be dedicated to you, give some feedback to this story and I might noticed you <3

CHAPTER 23

Promise ring

Hindi pa rin nahahanap ng mga tauhan nila Auntie si Nathalie kaya kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay narito pa rin ako at nagpapanggap na siya.

I am just glad na kahit papaano ay wala namang nakakahuli sa akin.

Eliot and Xanthe didn't say anything. Hindi nila ako sinumbong o kung ano man. But Eliot tried many times to approach me. Buti na lang at maraming estudyante sa paligid kaya hindi siya nakakalapit ng tuluyan.

"Hindi ka sasama mamaya?" tanong ni Calie.

Magkakaroon kasi kami ng group project sa subject ni Xanthe, short film daw. Bahala na raw kami sa theme, as long as makakapag-acting kaming lahat. Nasa mga poems, novels, short stories at kung ano-ano pa kasi ang topic namin sa klase niya ngayon.

"Sasama, pero baka susunod na lang ako. Tatapusin ko pa 'tong plate ko." Sabi ko at pinakita ang ginagawa ko.

"Uhm, sige. Pero pwede rin namang sabay na tayo." She kindly offered.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

"H'wag na... 'tsaka kaya ko naman na."

Tumango na lamang siya bilang pag sangayon. Her offer is tempting, lalo na at gusto ko rin sanang may kasabay ako. Kaso, ayoko namang mahirapan ang mga kagrupo namin dahil dalawa kaming kulang.

Nakausap ko na rin kasi ang leader namin. Pumayag siya dahil ako naman daw ang gumawa ng script. Mabuti na lang talaga.

"It-text na lang kita kung sakaling lumipat kami ng location."

Nagpaalam na sa akin si Calie matapos non.

Tahimik na lang akong naupo dito sa mga benches sa ilalim ng mga puno. Malawak ang ground area ng school at dahil mainit ay wala masiyadong pakalat-kalat na estudyante.

Malamig at masarap ang simoy ng hanging amihan. It's already november at sa december ay end of sem na. Ang bilis ng panahon. Parang august lang nang magpanggap akong si Nathalie.

Kaunti na nga lang ay nanasanay na akong maging estudyante ulit.

I enjoyed studying so much. Bata pa lang ay alam kong ito na ang hilig ko. Gusto ko iyong natututo ako, lumalawak ang kaalaman.

At itong pakiramdam na ito ang nawala sa akin nang mag-college ako noon.

I lost the opportunity to enjoy college just like how I lost myself too.

My college life before was the hardest part of life. Going to the university with the thought na wala na ang nanay ko.

Na sa edad na labingwalo ay marami ng nawala sa akin.

I lost the chance to graduate with latin honour just because I fell in love with someone.

Delikado pala talaga ang magmahal. Sa sobrang pagmamahal ay napapabayaan na pala natin ang sarili natin. Na marami na palang nawawala sa atin.

Nakakabulag.

Nakakabaliw.

Kaya matapos non ay hindi ko na rin sinubukang magmahal ulit. Ayoko na.

Binalik ko na lang ang atensiyon ko sa plate na ginagawa.

Nakaka-stress pala ang buhay archicture.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon