Birthday Nine

21 1 0
                                        

Birthday Nine

Javier's POV

Hep hep minsan lang ako magka-point of view kaya pag-bigyan niyo
na ako.

Nan dito kami sa bahay ni Hendrick kasama si Sean , papunta na
raw yun dalawa samantalang si Isha wala pa rin balita , dahil
may number naman ako ni Isha , tawagan ko nalang siya.

Salamat nag-riring! Buti nalang sinagot niya.

"Hello?"

"Isha!"

"Oh , Javier bakit ka napatawag?"

Bat parang matamplay boses niya? No way.

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Wag ka mag-aalala sa akin. Kayo kamusta?"

"Ayos lang naman kami. Kaya kita natawagan kasi nami———"

"Harold , sino kausap mo?"

Nagulat ako nang bigla akong tinanong ni Hendrick

"Ah , si Isha lang"

"ISHA?!" sabay nilang sabi.


Niloudspeaker ko para marining nila.

"Isha! Namiss na ka namin!!!" sabi ko

"Isha! Kailan ka ba papasok? Miss na miss ka namin!" sabi naman
ni Hendrick.

"Pag ayos na ako , miss ko na rin kayo , paki-sabi kay Allyson
na miss ko na siya. Sige na bye na" inend na niya nang biglang
dumating yun dalawa.

"Hello , sorry we're late. By the way , sino pala kausap niyo
kanina?" sabi ni Allyson.

"Ah wala" sabay namin sabi at nagulat ako doon tsaka napatingin
ako sa dalawa.

Umiling lang si Hendrick at si Sean focus parin sa paglalaro.
Biglang pumalakpak si Hendrick , may sasabihin to siguro.
Tumigil na rin si Sean sa paglalaro.

"Ano na plano na natin?" sabi ni Hendrick.

"May naisip na ako eh" sabi naman ni Allyson.

"Ano?" sabay namin sinabi.

Buti nalang wala dito si Isha.

"Siguro mas maganda mag-out of town tayo" masaya niyang sabi.

Bigla napa-upo ng maayos si Sean. Magrereklamo to , ganito naman
to parati eh. Pag may lakad kami dati noong nasa ibang bansa ,
bigla siyang aayos tas mag-rereklamo. Paano kami nagkakilala?
Klaklase ko si Allyson noon nasa US kami pagkatapos , siguro
coincidence nga , magkakapitbahay kaming tatlo halos tapat tapat
lang yun unit namin. Hindi rin naman ineexpect ni Allyson yun
eh.

"Out of town? Tss"

"Oo , bakit may reklamo ka?"

"Saan tayo maka-heram ng kotse? Sino dito may license na? Saan
tayo mag-out of town?"

Daming tanong neto. Masyadong KJ.

Surprise Birthday PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon