Dalawa

0 2 0
                                          

Dalawa
Amara

15 years ago

"Anak, halika rito at makipaglaro ka kay Zachary." Nanonood ako ng telebisyon 'non nang marinig ko ang mahinahong tawag sa akin ni Mama.

Napakunot ang noo ko sa pag-iisip kung sino ba si Zachary. Wala naman akong kalaro o kakilalang ganun ah?

Lumuhod ako sa sofa na aking kinauupuan upang tanawin sila sa likod nito. Sa pintuan ay kausap ni Mama ang isang napakagandang babae na parang kasing-edad niya. Sa likod naman nito ay may isang batang lalaki na nakakapit sa laylayan ng kanyang damit na tila ba nahihiya.

Ang cute niya!

Agad-agad akong bumaba upang lapitan sila. "Hello po." Ani ko sa babae na kausap ni Mama bago ako nagmano sa kanya.

Hinaplos niya nang marahan ang aking ulo at ngumiti. "Napakagandang bata naman nitong anak mo." Ani niya sa mama ko na siya namang ikinangiti ko.

Hindi ko na napakinggan kung ano pa ang napag-usapan nila ng mama ko dahil sinimulan ko nang kausapin ang bata na parang kasing-edad ko lang din.

"Hello Zachary!" Sambit ko sa kanya. "Gusto mo maglaro?"

Ilang segundo akong naghintay sa sagot niya pero wala akong napala. Tiningnan niya pa nga ko ng masama na para bang inagawan ko siya ng kendi.

Pag-alis ng babae na napagtanto kong mama niya ay naiwan siya sa amin. Hindi ko nga alam kung dapat ko ba siyang kausapin gayong halata naman na ayaw niya sakin. Nang senyasan ako ni mama na kausapin si Zachary ay sumimangot ako bago sinubukang gumawa ng paraan.

Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin pero wala uli akong napala. Inalok ko rin siya ng mga kendi, laruan, at kung ano-ano pa pero hindi niya talaga ko pinapansin.

Naiinis na ko sa kaka-balewala niya sa akin kaya hindi ko na rin siya pinansin. Nang makita ni Mama ang hindi ko pagpansin sa kanya, lumapit siya sa akin at may binulong sa tainga ko na nagbigay sa akin ng isa pang ideya.

Pag hindi 'to gumana, bahala na talaga siya sa buhay niya.

Tumakbo ako sa tindahan sa tapat namin para bumili ng flat tops na sabi ni Mama ay paboritong paborito raw ni Zachary, kaya naman pagbalik sa loob ng bahay ay agad ko siyang inalok nito.

"Gusto mo ng flat tops?" Tanong ko sabay lahad ng tatlong piraso ng naturang tsokolate sa aking kamay.

Sinulyapan niya ito ngunit 'di rin naman kumuha. Umismid ako at nagkibit-balikat. "Bahala ka kung ayaw mo, ang dami ko pa namang binili." Sabi ko sabay kuha ng isang bag ng flat tops na pinakyaw ko sa tindahan ni Aling Nena.

Lumipas ang ilang minuto nang kumakain lang ako nang kumakain ng tsokolate habang ramdam ko na pinagmamasdan niya ko at ang bag ng flat tops sa aking hita. Napangiti na lang ako nang mamayang konti ay bigla siyang tumabi sa akin na para bang nahihiya na hindi mo maintindihan. Natawa ko sa kinilos niya at saka ko binigay sa kanya yung isang bag. Nagulat siya pero nabawi niya rin ito agad at kumuha na ng flat tops at kumain.

"Sarap 'no?" Sabi ko habang natatawa ng kaunti.

"Yup!" Sagot niya naman at sa pinaka-unang pagkakataon simula nang tumungtong siya sa pamamahay namin ay nginitian niya ko.

Right then I knew, that he was going to be my favorite friend.

9 years ago

"Hoy panget! Tara na, uwi na tayo!" Tawag ni Zachary sa akin pagkatapos ng klase.

"Wait lang naman!" Sigaw ko sa kanya sa pinto habang inaayos ko yung mga gamit na nakakalat sa desk ko. Isa isa ko 'yong pinagsiksikan sa loob ng bag ko.

Puzzle PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon