Panglabing-lima

124K 4.8K 1.5K

PANGLABING-LIMA

Sabi nila kapag daw nasa binggit ka ng kapahamakan, bigla-bigla mo raw makikita sa isipan mo ‘yun mga taong mahal mo at importante sa buhay mo. Para ka kasing manghihinayang na hindi ka nakapag-paalam sa kanila bago ka mamatay at mawala sa mundong ibabaw. Makikita mo rin daw ang isang lugar na gusto mong puntahan bago ka pumanaw. Manghihinayang na hindi ka nakapunta sa lugar na ‘yun noong nabubuhay ka pa. Unti-unti kang kakainin ng mga panghihinayang mo bago ka malagutan ng hininga at mawala sa mundo. Kaloka. May gano’n?

Kaya pala ganito ang mga naiisip ko at nakikita ko habang nakapikit ako. Mukhang matatapos na ang buhay ko kapag tumama sa akin ‘yun mga espadang gawa sa tubig o tinatawag na sea sword ng punyemas na Trisha o Caspian o whatever na ‘to. Hindi ko inaakalang sa school pa ako mamamatay at dahil lang sa buwisit na ‘to.

“Anak, sana makauwi ka sa bakasyon.”

Nakita ko si inay sa isipan ko na nakaupo sa may kubo naming bahay habang nakangiti.

Sorry, inay. Mukhang hindi na ako makakauwi. Mukhang dito na matatapos ang buhay ko. Lagi niyo tatandaan na mahal na mahal ko kayo kahit pasaway ako. Sorry rin kung hindi mo na naranasan ang masarap na buhay. Mukhang miss na miss na ako ni itay kaya pinapauna na niya ako sa langit. Text-text na lang, Inay. Text kita kapag nasa heaven na ako para sunod ka agad. D2 na me, Inay. Sunod na u.

“Kung hindi lang sa ate ko na mama mo hindi kita kukunin sa probinsya. Aba, mahiya ka naman sa akin, Jennifer. Huwag ka na naman dumagdag sa problema ko.”

Bigla rin sumulpot sa isipan ko ang tiyahin kong dragona at muli kong narinig ang famous niyang linya. Mamamatay na nga lang ako may pahabol pa siyang sermon. Walang sawa, Antie? May pabaon talaga? Hindi ako aware na importante din pala sa buhay ko ‘tong Antie ko. Sabagay, siya ang dahilan kaya nakatuntong at nakapag-aral ako dito sa Manila, e.

Salamat, Antie. Kahit lagi mo sinasabing pabigat lang ako sa ‘yo kahit ang gaan-gaan ko naman napagtitiisan mo pa din ako. Malaki ang utang na loob ko sa ‘yo at nakakalungkot lang dahil hindi kita mababayaran ng ilang sakong may tag pipiso. Gusto ko pa naman na maloka ka sa pagbibilang. May iko-confess din pala ako sa inyo, Antie. Noong una niyo akong senermonan ng bonggang bongga sumama talaga loob ko. Kaya ang ginawa ko ‘yun toothbrush mo nilublob ko sa inidoro. Sarap ba mag toothbrush, Antie? Keep it up.

“Wifeymuchnkinkyootiepotato ko. Mahal na mahal kita. Kapag naghiwalay tayo paniguradong mauuna akong mamamatay dahil hindi ko kakayanin. Mas mabuti pang mauna akong mamatay kaysa maghiwalay tayo.”

Nakakaloka naman ‘tong ikatlong taong nakita ko sa isipan ko. May gana pa talaga ‘tong punyeta na ‘to na dumalaw sa isipan ko bago ako mamatay? At nakangiti pa nga ang hinayupak. Pakyu pala ‘to, e. Ang lakas ng apog na sabihin na mas mauuna daw siyang mamamatay kapag naghiwalay kami. E, bakit ngayon ang buhay ko ang nasa panganib? Marami talagang mayroong matatamis na dila sa mundo. Living example na riyan ang ex ko. Hindi pa naagnas punyeta talaga.

Hoy Rolando Berto Judas, sa oras na makarating ako sa heaven sasabihin ko kay San Pedro na isunod ka na. Para hanggang heaven bitter ako sa ‘yo. Pero, I doubt it. Imposible na sa heaven ka mapunta. Syempre kapag namatay ka iwe-welcome ka ng mga kamag-anakan mo sa underworld. May get together kayong mga demonyo. Pakyu.

“You’re ugly stupid girl.”

Ramdam na ramdam kong nag-blush ang malandi kong konsensya sa sunod na taong nakita ko. Ay, wait. Hindi pala tao ‘to kundi isang guwapo at machong genie. Hanggang isipan ko hindi man lang nakangiti ang walang’ya. Salubong ang kilay at mukhang iritado sa mukha ko. Mamamatay na nga lang ako susungitan pa ako ng buwisit na ‘to. Ang sarap niya talaga. Yun abs niya at V-line niya nakakapaglaway. Ang sarap buhusan ng ketchup. Ulam na, My Gosh. Hindi na naman nagpahuli ang malandi kong konsensiya. Konsensiya, sige lumandi ka lang. Tutal last mo na ‘yan. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ko man lang nahaplos ang katawan niya. Amp.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now