CHAPTER 22

663 58 46
                                                  

CHAPTER 22

With a smile

Everything feels like magic, it feels surreal and I don't know what to do. All the noises around us and I still can hear how loud my heart beat right now.

He said he likes me.

Eliot likes me!

Parang hindi ko magawang maniwala. O siguro pinipili ko lang iwasan ang mga senyales na ipinapakita niya.

Natapos ang concert na hindi ko nagawang makasagot sa sinabi ni Eliot. Tahimik lang ako buong oras kahit na maiingay ang mga kaibigan namin dahil sa saya sa concert.

"Tangina!" mura ni Diane bago tinakpan ang kaniyang mukha. "Kinikilig pa rin ako kada naalala ko iyong pag grind ni Chanyeol kila Sehun!" kinikilig niyang sabi.

Caroline shared her thoughts, too. Kahit nga si Cupid na tahimik ay nakikisali sa usapan. Kami lang ni Eliot ang tahimik, si Selene kasi ay may kausap sa telepono, wari ko'y iyong bago niyang boyfriend.

Eliot is throwing me some gazes na pilit ko namang iniiwasan, I don't know if it's awkwardness that I am feeling right now or masiyado lang akong nahihiya at overwhelmed sa naging confession niya.

Sure, sometimes it crossed my mind that one day he will like me. But I never imagined that this day will come.

Nang sinubukan ko siyang tignan ay sa akin pa rin nakatuon ang kaniyang mga mata. I saw him clench my jaw as he stare at me, umawang ang bibig para sana magsalita pero itinikom niya rin agad iyon.

Bumalik na kami sa hotel room namin nang hindi ko manlang nagawang kausapin si Eliot. I honestly don't really know what to do.

Nakahiga na kami sa kama ni Diane at busy na siyang makipagtelebabad kila Anchoret through video call. Ako naman ay pa-scroll-scroll na lang sa newsfeed ko sa facebook. They uploaded their pictures already, iti-nag pa nga nila ako.

Gusto ko sanang kausapin si Diane tungkol sa confession ni Eliot pero hindi ko rin alam kung paano ba sisimulan.

Then I remembered Brandon.

Buti at online siya!

Avery Francisco:

Bran!

Brandon Thomas:

Hey! Done with the concert? Did you enjoy?

Avery Francisco:

Yeah, kanina pa. I just want to tell you something.

Brandon Thomas:

That "I want to tell you something" is giving me anxiety. So just tell me.

I let out a soft chuckle.

Avery Francisco:

Eliot said he likes me.

Brandon Thomas:

Isn't that obvious already? We all know that.

Avery Francisco:

Ano?

Brandon Thomas:

I noticed it already the first time he step in in front of us.

Mas lalo lang akong hindi nakatulog sa pinag usapan namin ni Brandon kaya pinili kong lumabas muna ng hotel room. Nakita kong payapa ang lobby room kaya doon ko napiling maupo.

Patay ng ilaw kaya madilim na sa parteng napili ko.

Bitbit ko lang ang phone ko at wala ng iba. Humikab pa ako bago niyakap ang sarili.

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon