Chapter 39: Revelations

3.7K 76 0
                                    

Elle's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. May pasok na ulit at ngayon ko balak tanungin si Haven sa narinig ko noong nakaraan. Nag-ayos na ako at pumasok na sa university. Kakaunti pa lamang ang tao pero alam kong andito na sila Haven. Naglakad ako papunta sa tambayan nila at nakita kong seryoso silang nag-uusap.

Teka bakit kasama nila si Clovee at Clover. Anong nangyayari? Nagtago muna ako at nakinig

"Hindi pa ba natin sasabihin sa kanya, Haven? Matagal na nating alam kung sino ang totoong magulang niya." sambit ni Cloud

Magulang? nino?

"Tsaka isa pa hindi rin ba natin sasabihin ang totoo kung bakit siya nagkasugat-sugat noon at nawala ang ala-alang iyon?" sambit ni Starrvy

Ala-ala?

"Hindi habang buhay maitatago natin sa kanya ang totoo. " sambit naman ni Clovee

"Your job is to know anything that she remembers. Don't mix feelings in your job." sambit ni Haven kay Clover at Clovee

"Alam mo naman na hindi makwento si Elle." pag-irap ni Clovee. Mga naaalala ko?

"Haven, Elle is a good girl and a friend she doesn't deserve this." Seryosong sambit ni Clover

"I told you she's just our project." malamig at may diin na sambit ni Haven. Project? Yun din yung sinabi niya noong kausap niya si Cloud. Hindi ko na kaya. Bakit ganito?

Magsasalita na sana si Haven ng lumabas ako sa pinagtataguan ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Nakayuko lang ako. Iniangat ko ang ulo ko at nakita ang gulat sa mga mata nila.

"E-elle, kanina ka pa ba diyan?" kinakabahang tanong ni Clovee

"Totoo ba?" nanginginig na tanong ko. Mukhang naguluhan sila sa sinabi ko.

"Totoo bang alam niyo kung sino ang tunay kong mga magulang? At totoo rin ba na project niyo lang ako?" nahihirapang sambit ko

"E-elle, magpapaliwanag kami." sambit ni Clovee at lumapit sa akin pero agad akong lumayo.

"Kaya ba ninyo ako nilapitan noon Clovee, Clover dahil sa project na yan?" tumungo lang sila

So totoo nga?

"Pati kayo, Rox, Starrvy, Cloud?" nakita ko naman ang pagtango nila. Napaluhod ako dahil sa nalaman. Sobrang sikip ng dibdib ko.

"Ibig sabihin kaya lang kayo lumapit sakin dahil project niyo lang ako. Bakit?" tanong ko pa.

"Kasinungalingan ba na sinabi mo na mahal mo ako?" Tumingin ako kay Haven at umaasang hindi ang isasagot niya.

"Yes." malamig na sambit ni Haven habang nakatingin sa mga mata ko. Napatingin lahat sa kanya ng sagutin niya ng mabilis ang tanong ko.

"Bakit? Anong nagawa kong kasalanan. Pinagkatiwalaan ko kayo, lalo ka na Haven. Pero bakit ito ang natanggap ko?" umiiyak na sambit ko.

Tatagan mo ang loob mo Elle. Marami ka pang hindi nalalaman. Tumayo ako at pinunasan ang luha sa mga mata.

"Ano pa? Ano pa ang hindi ko alam? Ano pang kasinungalingan ang ipinakita niyo sa akin. Sabihin niyo na lahat kasi basag na basag na ako." pumipiyok na sambit ko.

"Hindi talaga kami umaalis noon para sa business namin. Kung hindi para magreport sa Chief namin. " sambit ni Clovee.

"Sinadya namin na makilala mo sila Haven. Naaalala mo pa ba nung birthday mo noon? Matagal na naming kilala si Haven dahil nga sa pareho kaming nakatanggap na project na ikaw ang tinutukoy. Natagalan lang sila na makilala ka dahil may iba silang project noon." mahabang paliwanag ni Clover.

"Kami rin ang nagplano na paalisin ang may ari ng pinauupahan mo noon. Hindi totoong namatay ang nanay niya. Binayaran namin siya na sabihin iyon para mapaalis ka at mapalipat sa bahay na inuupahan mo ngayon." Sambit ni Rox

So alam nila noong una pa lamang at kita nila kung paano ako nahirapan noon? Bakit anong ginawa kong masama sa kanila?

"Lahat ay plano Elle." sambit naman ni Cloud

"Panong project niyo ako?" mahinang tanong ko

"Ikaw ang gagamitin namin para makita ang mga magulang mo." malungkot na sambit ni Clovee

"A-ano?" naguguluhang sambit ko

"You're the only key to know where your parents are." sambit ni Haven

Naguguluhan akong tumingin sa kanya

"13 years na ang nakakalipas ng makita namin ang mga magulang mo. Sila ang nakakaalaam ng lahat ng illegal organization na meron dito sa ating bansa. Pero nawala sila nung nagkaroon ng kidnapping. Simula noon hindi na namin sila nakita. Except sayo." paliwanag ni Starrvy

"Alam naming buhay pa sila ngunit hindi namin sila mahanap kahit anong gawin naming imbestigasyon. Hindi nga siguro sila binansagang "DT Mix" ng walang dahilan." Sambit naman ni Cloud

Hindi ma-digest lahat ng sinasabi nila. Sumasakit ang ulo ko dahil sa nangyayari. Lalakad na sana ako ng biglang sumakiat ng sobra ang ulo ko.

"Run princess, It's dangerous here."

"Run, princess"

"I love you mom, dad"

"love you too, princess

"love you too baby."

"Always remember that we love you and protect you at all cost"

"We won't let them hurt you"

"ARGHHHHH!" sigaw ko habang hawak ang aking ulo

Clovee's POV

Sigaw lang ng sigaw si Elle habang hawak ang ulo niya. Lahat kami ay nataranta at agad naman namin siyang nilapitan. Namamawis na siya at halatang sobrang nahihirapan siya. Nawalan siya ng malay, makalipas ang ilang minuto. Binuhat siya ni Haven at inihiga sa sofa.

"Nabigla natin siya. Makakasama ito sa kanya. Konti na lang na panahon ay maaalala na niya ang lahat." Malungkot na sambit ko

"We can't do anything about it." seryosong sambit ng kambal ko

"At darating ang panahon na iyon at alam kong hinding-hindi niya tayo mapapatawad dahil sa nangyari." sambit naman ni Rox

"That's just a half of the things she knew and half of that can kill her, not physically but emotionally." malamig na sambit ni Zaveri.

Ngayon lang siya nagsalita. Simula kanina ay tahimik lang siya.

Sana mapatawad mo kami Elle, I'm really sorry for everything.

Ms. Chubby Nerd meet Mr. Mysterious Possessive (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon