"Youngji-yah ! Andiyan ka lang pala !" Tumingin ako kay Jackson habang naglalakad palapit sakin. Pano ako nakita netu ?
Nakatambay na naman kase ako dito sa lilim ng punong mangga sa may field. Vacant namin at gusto kong mag isa.
Naramdaman kong umupo siya sa bench sa tabi ko saka inabot sakin ang isang sandwich.
Tiningnan ko lang yun saka binalik ko ang tingin sa kanya.
"Di ka na naman kase nag-breakfast." Sabi niya saka inabot ang kamay ko at nilagay dun yung sandwich.
Ayan na naman siya. Sobrang concern na naman niya sakin.
Ako na nga yung lumalayo, lapit naman siya ng lapit. Problema netu ?
"Salamat." Sabi ko saka binuksan yung sandwich at kinain.
"Alam mo, pansin ko lang ha ? Nagpapaka-loner ka ngayon." Sabi niya saka may kinalkal sa bag niya.
Nag-shrug lang ako saka pinagpatuloy ang paglantak sa chicken sandwich na bigay niya.
"Bakit nga ba, ha ? HEO YOUNGJI ?"
Napairap ako bigla.
"Ayoko lang ng may kasamang ASUNGOT. Tsaka hoy, WANG JACKS-"
"-HAHAHAHA !"
Tingnan mo tong hinayupak na 'to makatawa. Mabatukan nga.
PAAAAAK !
"Makabatok ka ah." Sabi niya sabay irap sakin habang hawak ang balikat na nasaktan.
Inirapan ko lang din siya saka kinuha sa bag ang librong binabasa ko kanina.
"The Maze Runner ?" Tanong niya saka hinablot ang precious book ko.
"Actually, it's "The Scorch Trials" na. Book 2 na po yan." Sagot ko saka kinuha yun sa kanya.
Tiningnan nya ko ng masama.
"Bumili ka pala ? Ba't di mo ko sinama ha ?" Nagtatampong tanong niya.
"Pano kita masasama ? Eh nanliligaw ka ?" Bulong ko saka binuksan ang libro.
"HA ?" Nakakunot niyang tanong.
Umiling ako saka ngumiti. Bwiset kang bingi ka. Dun ka na sa jowa mong hilaw.
"Jackson OPPA !"
Sabay kaming napalingon ni Jackson sa tumawag. Ayan na nga. Huta, kung di ka nga naman minamalas.
"Lyn..." Sambit ni Jackson sabay ngiti. Yung ngiting inlove. Lesh, masakit ho masakit.
Pilit akong ngumiti pagkaupo ni Lyn sa gitna namin ni Mandu. Sige dyan ka, ikaw heart namin. De joke lang. Ang bitter bitter ko ngayon buset.
"Hi Oppa. Youngji. Andito lang pala kayo. Kanina pa kita hinahanap Oppa." Bati niya samin sabay yakap sa bestfriend ko.
Tae, kung maglalandian lang naman sila ba't dito pa ? Nagpakalayu-layo na nga ako ee.
Tumingin ako sa cellphone. Ano ? Magpapakamasokista na naman ako dito ? Pipilitin ko na naman yung sarili kong ngumiti sa harap nila ? Kunwaring kinikilig sa kanila pero sa totoo lang bwisit na bwisit na ? Magpapakamanhid pero sa huli, ako na naman masasaktan ?
Hindi ngayon.
Pagod na ko.
Inayos ko na yung mga gamit ko saka tumayo.
"Mandu, Lyn. Mauna na ko. May gagawin pa pala ako sa library. Annyeong !" Paalam ko saka nag-fake smile.
"E ?" Si Mandu saka tumingin sakin. E-e ka dyan. Sapukin kita dyan buset ka.
