Chapter 69: As Long As It Matters




Just ignore the chapter number. Hahaha shrek ang nakakaintindi XD



As promised.. PROM CHAPTER TO!! Inspired by Gin Blossoms' song, hence the chapter title. Comment and vote if you liked the chapter!! Magcomment kayo esp. silent readers! 6 chaps na lang oh XD




**




Isa sa mga nakakairita pero tagos sa buto na kasabihan ay "Wag mag-assume."



Nasa nature na natin ang mag-assume sa mga bagay-bagay, deny it or not. Of course, may bias tayo sa happiness natin. Gusto nating makuha ang mga bagay na gusto natin. At dahil dun, nag-aassume tayo na deserve natin yon.



Take for instance.. Barbs.



Inassume nya na si Cyrus si Kuya The Cure. Inassume nya na ito ang nambibwisit sa kanya, nagpapadala ng kung anu-ano at ang magyayaya sa kanya sa Prom.




Kaso ang problema?



Hanggang assume na lang sya.




"I'm sorry, what?"




Narinig nya ang sinabi ni Cyrus. Walang mintis. Gusto lang nyang marinig ulit para masiguradong hindi sya ginagago ng lalaking 'to.




"I'm going to Cebu next week," mas malakas na sabi ngayon ni Cyrus. Ni hindi sya makatingin kay Barbs.




Nalungkot sya, kasi kahit paano gusto nyang sya ang pumunta sa Cebu. Malaking opportunity para sa kanyang future journalism career. Pero yun nga ba ang dahilan kung bakit sya malungkot? Parang hindi ata?




"Tch. Ang drama mo ha. Buti nga ikaw yung nakuha. Makikipagpatayan ako para sa pwesto mo. Sige, uwi nako," dire-diresto nyang sabi yun. Kunwari hindi nangyari yung confrontation nilang dalawa kanina.




"Gusto mo ikaw na lang pumunta? I could back out," offer sa kanya ni Cyrus. "Mas magaga-"



"I don't need your sympathy. Ikaw yung kinuha and I'm fine with that. Maging masaya ka na lang pwede?"



"I.. can't."




Natigilan si Barbs sandali pero nakarecover agad ito, at umali na sa HQ. Habang pauwi, iniisip nya kung anong explanation ang ibibigay nya sa nanay nya. Pihadong mangungulit ito kaya pagkadating nya sa bahay, agad nyang tinapon ang kahon na may gown.



And that's the last of 



it.




**




MONDAY

If I FallRead this story for FREE!