Chapter 20: Unexpected Guest

61.9K 1.7K 46
                                    

Chapter 20: Unexpected Guest

Nakatingin lang ako kay Viex habang nakakunot ang noo. I don’t get it. What does he mean by main portal? Bakit Finelry High pa? I really don’t get it. Is it just a coincidence that I am studying there? I don’t know anymore. Mas lalong nagiging magulo sa isip ko yung mga nalalaman ko ngayon. But this is what I want, right?

I want answers. I have to digest all of this.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. “Hindi ko ma-gets, Viex. Why Finelry? What does being the main portal have to do with Finelry? And me?” Sabi ko sa kanya na problemadong problemado. Nafu-frustrate na ako kakaisip pero hindi ko talaga mapagdugtong-dugtong yung mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung alin ang alin. At kung bakit ganoon.

Hindi ko na rin alam kung ano pa bang totoo sa hindi. Pati ba naman ang Finelry, may kakaibang bumabalot?

Ang dami ko pa nga sigurong hindi alam.

“Hindi ka ba nagtataka na kasing edad mo ang Finelry? Kung bakit ibang iba si Master A at ang buong school sa ibang schools dito?” asked he.

Napag-isip-isip ko ang mga sinabi niya. I’m always wondering why. Pero ang akala ko normal lang ‘yon. Na coincidence lang ang lahat. Pero---

“Right. Pero, bakit nga ba?” I know, my question sounds stupid.

“That’s because Finelry High was built the same day na dinala ka ng mommy mo sa mundong ‘to, Zeira.,” Someone said. Napalingon ako sa likod namin at nakita ko si Cyrus. Why is he here? Bakit alam niyang nandito ako? At bakit alam niya ang tungkol sa bagay na ‘yan? Tatanungin ko sana siya nang bigla niyang ituloy ang sinasabi niya. “That day, inatake ng Arunafeltz Kingdom ang buong Lairhart. At nandoon sila para patayin ka. Walang ibang choice ang mga magulang mo kung hindi ang dalhin ka sa mundong ito. They did that to protect you. For you to live peacefully, at nang wala nang makahanap sa’yo. Ginawa nila ‘yon kahit ayaw nilang mawalay ka sa kanila.”

Shocked. Hurt. Glad. Hindi ko na alam kung alin sa mga emosyon ko ngayon ang nangingibabaw. Ni hindi ko alam kung ano’ng dapat kong maramdaman. My biological parents sacrificed seeing me, just to protect me against those villains. Hindi ko alam kung ano yung mas masakit. Kung ang malaman ko bang adopted ako o ang malamang itinapon ako sa mundong ‘to dahil wala silang ibang choice.

Itinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha ko dahil alam kong anytime, tutulo na ang luha ko. At hindi nga ako nagkamali. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

Nakaramdam ako ng kamay sa likod ko. Kahit hindi ko na tignan, alam kong si Viex ‘yon. Tina-tap niya ng mahina ang likod ko, like he’s saying that everything will be alright.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon