Kung gustong ma-publish [Filipino/English]

2.3K 113 65

Publishers are in business to make money from printing and distributing books.

They might end up fulfilling your dreams, but that is not why they're in business.

When you ask a publisher to publish your book, know that you are asking them to spend P50,000 to P100,000 on your book. On your story. On your idea.

So, mga tanong: (Pero baka mas applicable lang muna sa taga-Wattpad)

1. Tapos na ba yung story mo? 

Kung sakaling maganda nga ito, paano kung biglang magustuhan ng publisher at kailangang i-publish na? Tapos hindi mo pa pala natatapos? Hindi makakagawa ng tamang decision ang publisher kung hindi nila alam ang ending ng kwento mo. And don't expect them to want to listen to you "explain" how you want to end it, na hindi mo pa nasusulat. Submit a FINISHED STORY.

2. Maraming readers ba ito?

Sensitive topic ito kasi napansin kong maraming inggitan na nagaganap over reads and followers. However a publisher looks into this kasi nakikita nila na pag maraming reader ang story, mas madaling ibenta ang libro. 

3. Is it well-written?

Publishers will ignore (THEY WILL NOT EVEN READ) stories with bad grammar. It may sound unfair (kasi feeling mo maganda naman ang kwento mo), pero alam naman nating mahirap basahin ang kwentong hindi maayos ang pagkakasulat. Marami namang kwentong maayos ang pagkakasulat. Yung tama ang spelling, ang grammar, yung binigyan ng panahon ng writer na i-edit muna bago i-share sa mundo. Siyempre kung maghahanap tayo ng writer na ipa-publish, mas madaling katrabaho yung professional na mag-isip at lumalabas ito sa gawa niya.  

The truth is, you are competing with writers everywhere, if you want to be noticed.

The way to be noticed, by publishers, and also readers, is to be a GOOD WRITER. Finish your stories, write well, learn how to write well.

I'm a bit saddened by the questions I get from writers who want a shortcut to success. It takes years of writing usually, to even get to a point where we are worth printing on paper. Kung inggit tayo sa ibang "swerte" at parang first time pa lang na-publish na, well, we can't do anything about their success. What we can do is improve OUR work and write the best stories we can.

Publishing and Self-publishing: Advice for WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon