Chapter 6

31 3 2
                                                  

ccto📸😂

Unedited

Isay POV

Ngayon araw ang punta ko sa Montero' s Residence para sa bago kong trabaho,

nakilala ko na rin si Mrs. Agatha Montero kahapon, pinatawag niya ako kahapon para magkita kami sa isang restaurant para sa interview.
kinabahan man ay nagawa ko ding sumagot ng maayos sa kanya, katunayan nga ay sobrang bait nito, napakaganda ng ginang na aakalain mong bata pa kesa sa totoong edad niya.

Nakaimpake na rin ang mga gamit ko dahil doon raw ako titira sa kanila, nagiyakan pa kami ni Clarisse kagabi habang nag-aayos na ko ng mga gamit ko.

"Bes, wala na akong kasama rito, mamiss kita huhu" iyak pa nito habang nakayakap pa sakin,

hindi tuloy ako makakilos ng maayos.
imbes na maiyak ay natatawa pa ako sa kanya, paano ba naman para siyang batang nakakapit sa nanay na nagmamakaawa wag iwan.
simula kasi pagkabata ay magkaibigan na kami at tinuturing ko na din siyang kapatid.

"Para namang di na tayo nagkikita niyan, eh may day off naman ako kaya magkikita tayo lagi"
natatawa kong saad sa kanya,
lumabi lang ito at bumitaw na saakin.

"sige na nga basta lagi mo ako pupuntahan pag day off mo huh?" sabi niya sakin habang nagpapacute, magkasaklop pa ang mga kamay nito habang nakatingin sa akin,
Hahaha. ang cute talaga ng bestfriend ko! swerte ng magiging asawa nito dahil sa bukod sa maganda na e sobrang sipag at bait din, syempre parang ako kaya nga kami mag bestfriend eh, you know where birds with same flocks together the feathers hihi, lamang lang ako sa kanya kasi syempre sobrang matalino talaga ako, with honors kaya ako nung elememantary, favorite subject ko pa nga ang English e kasi dun ako magaling.

"Hoy Bes! anu na? tara na, samahan na kita sa labas, andyan na sundo mo, taray naman may pa sundo si mayora hahaha" untag nito sa akin at binitbit na nito ang di kalakihan kong bag at iginiya na ko palabas.

bitbit ko rin ang isa ko pang bag na naglalaman ng mga personal kong gamit.

nadatnan namin sa labas ang isang may edad na lalaki at kotse. nang makita kami kay kinuha agad neto ang dala naming bag.

"Ako nga pala si Ruben, Driver ako ni Maam Andria, sino ba si Isay sa inyo?"

sabi nito sa amin na nagtatanong, dalawa kasi kami may dalang bag at parehong naka bihis kasi may pasok din si Clarisse.

"Ako ho Mang Ruben, siya po si Clarisse kaibigan ko" saad ko dito.
tumango labg ito at iginiya na ako sa sasakyan.

"Wow, ang ganda naman!" diko mapigilang sabi habang pinagmamasdan ko ang isang napakalaking Mansion.
mabilis na binuksan ng mga gwardiya sng napakalaking gate at ipinasok na ni Mang Ruben ang sasakyan.
pag kalabas ko ay nag-aantay na si Ma'am Agatha sakin.

"Hija, mabuti naman at nandito ka na, halika magpahinga ka muna tutal wala pa naman si Andria, bukas pa ang balik nun mula Palawan." mahabang sabi nito at iginiya na ko papasok ng ginang, may nakasalubong kaming isang katulong at kinuha nito ang mga dala ko. ngumiti lang ako at nagpasalamat.
ihinatid ako ng ginang sa isang malinis na kwarto.

"Dito ang magiging kwarto mo Hija, iiwanan na muna kita para magpahinga" nakangiti nito sabi sa akin.
Napakabait talaga!

"Sige po Ma'am Agatha, maraming pong salamat ang bait niyo po talaga at syaka ang ganda-ganda niyo po hihi" diko na mapigilang sabi sa kanya.

Tumawa lang ito saking sinabi at nagpaalam na dahil may pupuntahan pa.

hays, mukhang magiging masaya ang trabaho ko rito hihi.

Nagising ako sa pagkakatulog ng makaramdam ako ng uhaw,
Mabilis akong tumayo para pumunta sa kusina,
Nadatnan ko dun ang isang matandang ginang nagluluto kasama ang isang babaeng kaedaran ko lamang, ito din yung tumulong sakin sa paghatid ng mga gamit ko sa kwarto.
"Magandang Hapon po" sabi ko sa kanila,

sabay na lumingon sa akin ang dalawa.
"Magandang Hapon Hija, ikaw ba si Isay? ako nga pala si Belen, ang Mayordoma dito at siya naman si angelina, ang taga linis dito."

"Ako naman po si Isay, may maitutulong po ba ako sainyo, wala po kasi akong ginagawa e". muling kong saad sa kanila.

"Nako Hija Salamat pero tapos na kami magluto, kung gusto mo tulungan mo na lang itong si Angelina sa paghahain"

"sige po, kami na po bahala" nakangiti ko sabi dito, nagpasalamat lang ito at mabilis nang umalis sa kusina, binalingan ko naman si Angelina na ngumiti sa akin.
"Hi Isay, ang ganda mo naman" nakangiti nitong sabi saakin,

"Hi Anj, Salamat ikaw din maganda ka hihi" maganda naman talaga siya, morena ang balat nito at matangkad din katulad ko.
"Anj? ay gusto ko yan, Ilang taon ka na ba Isay?Ako, 26 na ako" tanong nito sakin.

"Ay Mas matanda ka pala sakin, 22 pa lang po ako hehe, ate na pala kita" akala ko kasi kaedaran ko lang siya, di naman halata na 26 na diya.

"Anj lang itawag mo sakin, wag nang Ate, kaedaran mo lang si Ma'am Andria, si Sir Drew naman ang kaedaran ko, kapatid ni Maam Andria"
daldal nito sakin,
Drew? kapangalan pa ni bibi loves ko.

Skyler Drew Montero.

Ang galing naman, Montero din apelyido ni Sir Drew.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
lame ada? 😂😂

Chasing Skyler Drew MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon