The song has been sung as she started to walk on the aisle with her parents beside her.
"Kaya pa?" Bigla akong napalinhon sa taong tumabi sa akin sa upuan. It was Jeff. He looked so worried about me.
"Yes, kayang kaya ko pa. " Malalim na hininga kong sagot. Tumingin ako sa aking katabi and he answered no more. Nagpatuloy ako sa pagsulyap sa babaeng naglalakad sa gitna hanggang sa maabot niya ang mga bisig ng lalaking makaka-isang dibdib.
Tears suddenly ran down my face ng makitang nakangiti ang dalawa sa isa't isa. I rapidly wiped my tears away para hindi mahalata ng kasama ko. The priest started the mass as the couple both reached the altar.
Meanwhile.....
"We are gathered here today, to celebrate and witness Mr. Grimson and Ms. Lewis as they vow and unite themselves as one in the name of our Lord God Almighty." the priest firmly said.
Naramdaman ko na naman ang mga maiinit na likidong patuloy na pumapatak mula sa aking mga mata.
'I should've been the woman he's with, on the altar...'
'I should've been the woman he'll promise to vow and swear an I do... Ako sana yun eh... ako sana yung babaeng mahal na mahal niya ngayon. Ako sana ang nakahawak sa kanyang mga kamay. Ang babaeng mangangako at makakasama niya sa habang buhay...'
Tears keep on flooding. Hindi ko mawari kung aalis ba ako o ipagpapatuloy ko pa ang panonood sa seremonyang ito lalo pa't tagos na tagos sa puso ko yung sakit. Yung sakit na nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba.
"Bianca Lewis, will you spend the rest of your life with Adrian Grimson in whatever circumstance life might bring you?" pagtatanong ng pari.
"I do father." Masaya at maluha luhang sagot ng babae. Ngumiti ang pari na ngayon ay nakatingin sa gawi ni Adrian.
"Adrian Grimson, will you spend the rest of your life with Bianca Lewis in whatever circumstance and challenges life might hinder you?" I saw Adrian glanced at Bianca with a wide smile painted on his face.
'Ang sakit.. Sobrang sakit...' Patuloy na pag-agos ng mga luha sa aking mga pisngi.
"I do father." He finally answered. Napahilamos ako ng aking mga palad. My body kept on shaking badly. My chest hurts a lot..
"Before we'll proceed to the statement of the couples vows and wearing of each others ring, may tumututol ba sa kasalang ito?"
Gusto kong pumagitna. Gusto kong isigaw na itigil ang kasal dahil mahal ko ang lalaking nasa harapan ng altar. But I can't. I just can't kasi ako lang din naman ang masasaktan. Kasi ako lang naman ang nagmamahal.
Gusto kong angkinin na pag-aari ko siya, pero hindi ko magawa dahil kagabi lang, tapos na ang lahat ng kung ano man ang tungkol sa pagitan naming dalawa. Even if this ceremony stabs and torns me apart, wala parin akong karapatang tumutol dahil hindi naman ako ang pinili. At hindi ako ang mahal.
"Ngayon na walang tumututol sa kasalang ito, maaari na ninyong sabihin ang inyong mga pangako habang isinusuot sa isa't isa ang singsing na sumisimbolo ng pag-iisang dibdib ninyong dalawang pinagtagpo at ngayo'y lubos na nagmamahalan."
Bianca started to state her vow. Alam kong nahuli ako ng dating. Kung sana noon ko pa naalala at nalaman ang lahat, sana hindi pa huli ang lahat sa amin ni Adrian.
Pagkatapos maisuot ni Bianca ang singsing kay Adrian, si Adrian naman ang nagsalita habang paunti unting isinusuot sa daliri ni Bianca ang singsing.
"Bianca, take this ring as a symbol of my love for you. You are my sun who shines my every day, you are my moon who lightens me from the dark. You are the star that I always wanted to see. You are my world, my woman, and my love. You made my world whole again, you inspired me, you've been my shoulder to lean on and you made my heart heal from all the pain that ruined me. I would never ask for a thing except being with you to spend with every day of my life, and I vow to be the man that you ever wished and wanted to be with, forever."
Malapad na ngiti at mangiyak ngiyak na mga mata ang isinalubong ni Adrian kay Bianca. Ang saya nilang dalawa. Sobrang saya nila habang ako, nasasaktan.
"Adrian Grimson, Bianca Lewis, I now pronounce you, husband and wife."
The crowd applauded.
"You may now kiss the bride."
The couple both faced each other and started leaning for a kiss.
Tahimik na napahagulhol ako sa iyak habang pigil pigil parin ang paglabas ng kahit anong tunog mula sa'king nga bibig.
I rapidly grabbed the man beside me and hugged him tight.
"You shouldn't have been here Sxhan..." dinig kong sambit ng lalaki habang yakap yakap ako. I didn't bother looking at this man's face instead I kept on crying and crying and I felt secured while tightening my embrace with the man's arms.
Ayon nga sa kanta, I finally found the love of a lifetime... Pero ang masakit dun kasi, hindi naman ako ang kanyang lifetime.
'I shouldn't have arrived here kasi mas masakit pa pala na nakikitang ikinakasal at nangangako sa iba ang taong mahal na mahal mo.'
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Missing You Ms. Lopez
Kısa HikayeMaibabalik pa ba ang nakaraang naudlot kung may kasalukuyan ng taong sa mundo mo'y nagpapaikot?
Part 39
En başından başla
