(Eeian's POV)
I was really dazed nang makita si Adrian dito. And with how he act a while ago? Talagang nagpapahalata lang siya na may nararamdaman pa siya for Queen. He would never come here in Batangas just to personally take Queen back to Manila.
"Why did you do this Eeian?!" Queen stormed ng binigay ko sa kanya ang kanyang bagong schedule. She looked at the paper that I gave her and it seems like she wanted to crumple it.
"I know what Adrian's up to bhe. Alam ko na hindi lang ganung rason ang gusto niyang sabihin sayo. I sensed that he wanted you back. That he want to stay with you and Princess hangga't hindi pa siya kasal."
"I can't believe you Eeian! You know how desperate I am believing that I really needed this opportunity not only to work but to avoid him and his presence. P-pero ngayon, eto ka at todo suporta ka pa talaga para bumalik ako ng Manila. I can't just change my schedule dahil lang doon." Nagpupuyos niyang sambit.
"That's why I changed your sched. dahil baka eto na yung sign na hinihintay mo bhe. When you get there, baka dun pa mangyari yung sign kung tutuloy ka pa ba o susuko nalang. You know how much I love you at alam mo rin siguro na nasasaktan ako t'wing nakikita kitang nasasaktan because of him. Pero this time bhe, give yourself a chance para totoong makapag-isip sa kung ano ang pwede mo pang gawin.. I understand that you are mad kasi naki-ayon ako sa gusto ni Adrian. But this is the best opportunity din para maging buo kayo. Para mabuo yung pangarap mo na magkaroon ng masayang pamilya. This might be the end of your relationship with him or this might be the beginning. "
"I don't wanna risk my heart again Eeian. Nasaktan na ako eh, ngayon mas sasaktan ko pa ba ang sarili ko?"
"Risk your feelings for the last time bhe. Jan natin malalaman kung kailangan mo na talagang sumuko. You know, many things will soon to happen hangga't hindi pa natatali si Adrian. Invest hope in yourself na baka eto lang yung paraan para ikaw ang piliin niya.. Para kayo naman ni Princess ang piliin niya." saad ko kahit sa kaloob looban ko, nasasaktan ako sa mga pinagsasasabi ko. I feel like an artist pretending and hiding all the pain that I am feeling right now.
"Bakit ikaw Eeian, mahal mo ako pero bakit hindi mo ako ipaglaban?" I was dumbfounded with her question. Napangiti ako ng mapakla.
"Gusto kitang ipaglaban pero hindi narin naman kailangan bhe. I love you but I am not the one you love the most. At ayokong ipagsiksikan nalang ang nararamdaman ko sayo. I already made a big mistake mula nung araw na I pretended to be your husband.
Kaya mo lang naman ako minahal dahil sa pag-aakalang asawa talaga kita. At ayokong angkinin ulit ang mga panahong dapat sa kanya mo ilaan. Masaktan ka man o hindi, parte yun nang katotohanang siya ang mahal mo. Na siya yung nagpapatibok at nagmamay-ari niyang puso mo bhe." Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito at pagkaawa.
"Pareho lang naman tayo ng sitwasyon Eeian eh.. I love him but I'm not the woman he loves the most. At kung ikaw sumusuko na, ako din Eeian. Ako din naman, kasi nasasaktan at napapagod din ako.. " she said with frustration on her face.
"You saw how he furiously grabbed you away from me kanina bhe. You saw his expressions. He wouldn't come here kung talagang wala na siyang nararamdaman sayo bhe. He won't act that way, and he won't make excuses just to let you stay with him again. As long as he still has remaining time to spend with you and Princess, gagawa at gagawa siya ng paraan para makasama kayo. And so he did. Masyadong obvious sa kanya na gusto ka niyang makasama. So, why don't you give it a try bhe?"
"It's not that easy Eeian..."
"Ano ang mahirap doon bhe? Mas gugustuhin mo nalang bang magsisi sa susunod dahil inaksaya mo ang pagkakataon? o magiging masaya ka, na kahit matali man siya sa iba, at least nagkaroon naman kayo ng panahon para muling magkasama bilang pamilya? "
YOU ARE READING
Missing You Ms. Lopez
Short StoryMaibabalik pa ba ang nakaraang naudlot kung may kasalukuyan ng taong sa mundo mo'y nagpapaikot?
