Part 15

5 0 0
                                        


(Queen's POV)

Kakatapos ko lang magbihis when I went to Princess's room to check on her. What bothers me now is the thought of what Eeian told me a while ago.. I don't get it... I don't think of liking the idea of what he just told me..

"Hey baby, are you ready?" I asked Princess as I glanced at her.

"Not yet Mom, I'll make myself ready and beautiful so that I'll look like you.."

"You're already beautiful Princess... very beautiful..."  I wonder kung sino ang totoong ama ng anak ko.. Hanggang ngayon ay wala parin akong maalala tungkol sa nakaraan ko except for the image of a man that I always dream of.. Kung naging masaya ba ako noon, o naging masalimuot ba ang buhay ko noon.

"I'll wait for you downstairs baby, is it okay for you?" I asked.

"Okay mom.. malapit narin po ako matapos mommy.." 

I went out of the room.. Kalalabas ko palang sa kwarto ng anak ko ng may marinig akong mga tinig mula sa ibabang bahagi ng bahay. . Habang papalapit ako ay mas lumalakas ang mga hindi pamilyar na mga boses sa ibaba.. the voices kept on defeaning me.. I just decided to walk going to the stairs and gently listened to the voices and its whereabouts.

"How could you do this?!!!
We've lost them for years yet you haven't even told us about them!?!!! You're a disgrace to your family Mr. Villaluz!! How could you keep them away from us!! "  Pagkarinig ko ng galit na tinig na iyon ay agad akong tumakbo patungong hagdanan.. Napatakip ako ng bibig when I saw Eeian kneeling on the floor habang may mga bahid ng dugo ang kanyang mga labi..

'Who are they? Why does my husband is kneeling?' Pag-aalalang tanong ng aking utak..
I was about to move my feet and stop the middle aged man from punching my husband so hard ng marinig kong yumuko at umiyak si Eeian.

"I'm sorry sir..
Patawarin niyo po ako.. Patawarin niyo ako kung naging isa akong hangal para ilihim sa inyo ang tungkol sa anak at apo niyo...
I know, sorry will never be enough for you to forgive me..." I feel pity for him... Eeian never kneeled for someone maliban sa akin.. He is the boss, he is righteous, he is a down-to-earth type of man.. At kahit na ganun man ang nagawa niya ay tila sinasaksak parin ang puso kong nakikita siyang nakaluhod at humihingi ng tawad sa iba..

"Makakarating ito sa mga magulang mo Mr. Villaluz.." the man said..

Biglang kumalabog ng pagkabilis bilis ang puso ko when I heard what the man had just said...
'Sino ba talaga sila? What are they doing here?'
Hindi nila alam ang pinagdaanan ni Eeian sa kamay ng kanyang mga magulang.. Even I myself had witnessed kung paano nila ipakababa si Eeian despite of his success.. People who do not really know him might think that he's more than lucky having this kind of life, pero hindi... Of all the things that he's praying for, tanging ang ipagmalaki at tanggapin siya ng kanyang mga magulang ang kanyang inaasam-asam...

"Please sir.. please don't tell them about this.. please sir .. please I'm sorry... " Eeian pleaded.. naiiyak ako.. naiiyak ako na nakikitang nagkakaganyan ang asawa ko.. He might have kept me away from my family but he doesn't deserve to plead like that..

"I'll sue you instead Mr. Villaluz ..!!" galit na galit parin na tugon ng lalaki.. Akmang susuntukin niya si Eeian ng makita kong agad naman siyang pigilan ni Jeff na kanina ay hindi ko napansin dahil tanging sa lalaki at kay Eeian lang nakatuon ang aking atensyon..

"Honey, wag na... Please don't do that... Kahit naman na itinago sa atin ang ating anak pero inalagaan at minahal niya naman si Schiara.. We should still be thankful kasi sa lahat ng pwedeng makasagip sa ating anak, siya pa na nag-aruga at nagmahal sa ating anak at apo."  Pagpasok ng isang babae sa usapan.. I don't know them pero unti unting nagiging pamilyar sa akin ang kanilang mga mukha.

Missing You Ms. LopezWhere stories live. Discover now