"Kawawang bata naman neto..." sabi ng isa pa.. hanggang sa napuno ng usap usapan ang paligid habang ako'y nakatanaw parin sa duguang katawan ng babae at hawak hawak siya ng kanyang nobyo at ama.
Maya maya pa'y dumating ang mga medic... Hinanapan siya ng pulso but she was declared dead.. Agad siyang dinala sa hospital dahil sabi ng kanyang ama ay baka mabuhay pa ito... I followed the ambulance at agad namang dinala sa morgue ang katawan ng babae... hihintayin pa ng 24 hours bago tuluyang aayusan ang bangkay.. Nakita kong umalis ang lalaki at ang kanyang ama sa morgue kung saan muna nakaratay ang bangkay...
Tamang tama ay may sepulturerong pumasok sa loob ng morgue, so I grabbed the opportunity to watch the dead body inside...
"Kaano ano niyo po ba itong namatay sir?" tanong ng lalaki.
"Uhm.. k-kaibigan.. oo kaibigan ko siya... " sagot ko.
"Ahh.. kawawa po sir.. mukhang bata pa naman yan...condolence po..." sagot niyang muli.
I just nodded... I took the picture of the corpse and sended it saying..
"She's now dead... hit and run..."
Muli kong tinitigan ang kanyang mukha na punong puno pa ng dugo.. mga galos sa katawan niya at maging ang kanyang litrato na ngayo'y hawak hawak ko pa.. She was damn beautiful and lovely... I looked at her picture kung saan ay masaya siyang nakangiti then I turned my gaze on the corpse... Parang sinasaksak ang puso ko sa nakikita ng dalawa kong mata.
Napaka-brutal ng nangyari sa kanya... Kaawa awa ang pagkamatay niya...Why the heck did I agreed to the plan.. ?! Kahit di dapat ako maging guilty dahil hindi naman ako sangkot sa krimen na ito, pero parang sobrang naaawa ako sa naging kalagayan ng babaeng nasa harap ko... I don't know but I have this gut feeling na parang gustong gusto ko siyang yakapin, alagaan, at mahalin kahit di ko naman talaga siya kilala.
"If you could just live again, pangako kong aayusin ko ang buhay ko... Sana maranasan ko rin ang mahalin... ang mahalin mo.. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang... Ilalayo kita sa lahat ng pwedeng makapanakit sayo... Mamahalin kita ng buong buo... " I muttered...
Tumalikod na ako at akmang aalis na lamang dahil sa pait na nararamdaman ko para sa babae...
"T-t-tulong...." narinig kong usal ng isang tinig... nangatog ang aking katawan at tumingin ako sa sepulturerong kasama ko ngayon sa iisang kwartong ito habang siya'y nag-aayos ng isang patay na katawan upang dalhin sa isang punerarya.
"S-sir... m-may n-narinig p-po ba k-kayo?" kakaba kabang tanong ng lalaki... Tumango tango ako ...
"T-t-t-tu-long.... " hinang hina na tinig ng isang babae... Agad akong napabalikwas at tiningnan ang katawan ng babaeng pinuntahan ko dito ngayon lang... Nakita kong nagmulat ito ng mata at kumurap habang nakatingin sa akin...
"P-please, t-tulungan mo a-a-ako..." usal niya pa... Napatingin ako sa gawi ng sepulturero .. Agad siyang pumanhik sa kinaroroonan ng dalaga at agad itong pinulsuhan...
"S-sir... s-sir..... buhay pa po ito... " nahiwagaang saad ng lalaki...
"P-paano? P-papaano nangyari yun? I-I saw her, sabi ng m-medic kanina na patay na siya.... " nalilito kong tanong..
"S-sir baka hindi niya pa po talaga oras... isa po itong himala sir...." sabi ng lalaki... napatingin ako sa gawi ng dalaga at nakita kong pilit na iginagalaw nito ang kanyang mga daliri...
"Sir, ano po ang gagawin natin? T-tatawagan ko po ang pamilya niya..." sabi ng lalaki.. Aalis na sana ang lalaki when I stopped him..
"Ako na ang bahala sa katawan niya... Please boss, ako na ang bahalang ipagamot siya, hayaan mo lang akong mailabas siya dito ngayon agad agad ng walang nakakaalam..."
" P-pero s-sir, papaano naman po pag hinanap siya ng pamilya niya? " tanong ng lalaki...
"Siguraduhin mo lang na hindi muna makakapasok ang sinuman sa kanyang pamilya dito sa loob ng isang oras... May labi ba dito ng isang babae na walang nagke-claim? " tanong ko... Tumango tango ang lalaki at itinuro ang isang labi ng babae..
"Tulungan mo akong ilabas ang dalagang ito.." Turo ko sa nanghihinang katawan ng dalaga.
"Ako na ang bahala sa labi ng babaeng ito... " turo ko naman sa labi ng isang babae..
"Siguraduhin mong walang makakaalam nito.. Ako ng bahala sayo o sa pamilya mo.. tawagan mo lang ako pag may kailangan ka basta't dapat walang makakaalam nito... " sabay abot ko ng calling card..
Tinulungan ako ng lalaki na mailabas ang katawan ng dalaga... Agad naman akong tumawag sa isa kong tauhan na kunan ako ng flight to Europe within 24 hours... at tinawagan ko rin ang isa kong kaibigan na gumagawa ng prosthetic make up para puntahan ang ospital na pinagdalhan sa dalaga kanina..
Dinala ko sa aking bahay sa batangas ang dalaga at pinunasan ito.. Pagkatapos ko siyang punasan ay inutos ko sa kasambahay ang pagbihis at pag-gamot sa mga galos at sugat ng dalaga...
Everything went well... even the prosthetics made sa mukha ng isang labi na nasa hospital... I know that what I just made was a crime, pero di ko matiis na iwan nalang ang dalaga gayong binigyan pa siya ng isang pagkakataong mabuhay...
The next day, I went to Europe with the woman at doon ko ipinagpatuloy ang pagpapagamot sa kanya... Doon ko rin nalaman na isang buwan na palang nagdadalang-tao ang dalaga..
Nabanggit sa akin ng doctor na may amnesia ang babae so I decided to act as her husband...
kahit alam kong mali, I pretended... I pretended to be her husband dahil nangako ako sa sarili ko na aalagaan ko siya kung mabubuhay siya...
"She will be my life... They will be my life from now on... My wife, and my child... " I whispered habang nakatitig sa napakapayapa at napakaganda niyang mukha.
*end of flashback*
YOU ARE READING
Missing You Ms. Lopez
Short StoryMaibabalik pa ba ang nakaraang naudlot kung may kasalukuyan ng taong sa mundo mo'y nagpapaikot?
Part 11
Start from the beginning
