Chapter 5

27 2 0
                                                  

Ccto📸

unedited

ISAY POV's

maagang akong nagising ngayong araw dahil na rin sa pagiging excited ko,
ni hindi nga ako nakatulog ng maayos gabi dahil sa kinakabahan ako para magiging interview ko.

dali dali akong nagbihis at naghanda ng almusal habang naliligo pa si Clarisse,
isasabay niya kasi ako sa opisina nila sa VLM.

matapos namin kumain ay agad na kaming umalis.

kinakabahan man ay nagawa ko pa ring ngumiti at batiin ang security guard ng kompanya.

pinaglog in muna ako nito para sa visitor pass bago tuluyan akong pumasok, nauuna na si Clarisse sakin pero hinintay niya naman ako sa may elevator at sabay na kaming umakyat tungo sa opisina ni Sir Vincent.

kumatok si Clarisse sa pintuan sabay pihit nito.

"Sir, nandito na po si Isay, yung sinasabi ko pong mag apply as a PA ni miss Andria" sabi niya sa boss nito.

"Oh is that her? take a seat Miss?"

sabi nito sa akin na parang tinatanong kung ano ang pangalan ko.

"Ay Sir,ako po si Maria Teresa Capukpok, Isay na lang ho para cute hihi"

naka peace sign kong sabi sa kanya.

Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Okay Miss Isay, Let's get straight to the point, my cousin Andria needs a PA, wala kang ibang gagawin kundi sumunod sa kanya saan man siya magpunta and of course ikaw din ang magiging alalay niya, your starting salary is 20,000, are you ok with that?" mahabang sabi nito sa akin.

"Opo Sir go na go na po ako, kelan po ako magsisimula? ngayon na po ba?"

"you're so excited about your new job, i guess miss Isay, but you're going to start your job nextweek, you still have a time to resign from your work."

nakangiti nitong sabi sa akin.

matapos kong maibigay ang biodatang finill-upan ko ay nagpasalamat na ako at umalis na.

dumiritso na ko sa pinagtratrabahuan kong Coffee shop at nagpasa na rin ng resignation letter at nagpaalam sa mga naging katrabaho ko,
nalulungkot man ay tinanggap naman agad nila na magreresign ako.

matapos nun ay dumiritso na ako sa carinderia,

may dalawang araw pa ako para mag delivery sa SDM,
pagkatpos nun ay magiging PA na ko ni Miss Andria.
Habang inihahanda ni Aling Caring ang ededeliver kong mga ulam,
pumasok muna ako sa banyo para mag ayos, nagpolbo at nagsuklay ako, kinuha ko rin ang nabili kong liptint na tigtetrenta pesos sa may labasan. pinahid ko ito sa labi ko, tapos lumabas na ako para maedeliver na ang mga ulam.

"Aba ne, ang ganda natin ngayon ah? may lipstik ka pa, aba'y nobyo ka na ba Hija?" naguusisa nitong sabi sa akin ni aling Caring.

"Wala po Aling Caring, Crush po meron hihi," natatawang kong sabi dito, kinikilig na naman ako pag naaalala ko si Skyler Drew Montero, ayt pangalan pa lang yummilicious na hihi. ang mata nitong kulay light brown at ang labi nitong kay pula. mga besh sarap siguro nun halikan hihi.

napahagikhik naman ako sa naiisip ko.

"Oh siya Hija, lumakad ka na  at ng makita mo yang crush mo, sayang naman ang yong labi kay pula kung di ka niya makita" natatawa nitong sabi sa akin.

sumakay na ako ng Jeep papuntang SDM habang bitbit ko ang basket na may mga ulam.

Pagdating ko ng Opisina ay agad na nagkagulo ang mga empleyado sa mga dala kong ulam.
habang abala sila sa pagpili ng pagkain,
iginala ko ang aking mata,

baka sakaling makita ko siya.

"Uy girl, sinong hinahanap mo? kanina ka pa palinga linga dyan" kalabit ni Rica sa akin.

"ay ikaw pala friend, andyan ba si bebe ko? kumain na ba  siya?" tanong ko sa kanya

" Ay iba na talaga yan friend, tinamaan ka na tlaga kay Boss hahahac" tawa nitong sabi sa akin. animoy kinikilig din

"Ou friend, may bago na kasi akong trabaho, baka hindi ko na siya makita" malungkot kong sabi rito.

--------------------------------------

bukas na sila magkikita wag ngayon, busy pa daw si Sky hahaha

thankies ❤️

Chasing Skyler Drew MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon