SSTGB 16 : Real Love

Magsimula sa umpisa
                                    

“So, hindi mo siya anak?” talagang kyuryos kong tanong.

“Oo and she doesn't know that. For now, hindi niya pa kasi maiintidihan. Masyado pa siyang bata para malaman na hindi ako ang tunay niyang pudra,” oh, God, mas lalo akong na-curious! Mukhang maganda ang kwento niya. “Anak siya ng ex ko—”

“Babae?” sumingit ako, Day! Nakakagulat naman kasi, malay ko ba baka babae iyong ex niya, hindi ba?

“Lalaki,” at mas nagulat ako sa sagot niya. Alam kong bakla siya, Diyos ko, hindi pa ba halata? Pero kasi, I'd never heard na nagkaboyfriend siya even sa kapatid niya, pero. . .hindi nga pala kami nagtanong. Bobita! “I'm 16 at that time and my ex, Lyndon, her real Dad, was 23 years old nang maging kami. Alam mo 'yon, bet kasi talaga kapag mas matanda sa'yo parang ang mature lang. Pero, he died two years ago. Sino ba naman kasing mag-aakala na may iniinda pala siyang sakit kasi naman ang aggressive niya—rawr!” at talagang may pa-ganiyan ang Juding. Baliw! “At, nalaman ko na lang na may anak pala siya, tapos 'yong walang-hiyang Nanay niyang amerikana ay nowhere to be found at si Lyndon lang ang nag-aalaga sa kaniya sa states. Nang matsugi, ayon, kinuha ko na lang 'yong bata. Kawawa naman, maganda pa naman, sobra. Minsan nga naiisip ko baka junakis ko talaga siya kasi magkasing-ganda kami,” ang galing talaga mag-joke nitong Juding na ito. Tss! “Kontrang-kontra naman 'yang itsura mo!” bahagya pa niyang sinapol ang noo ko! Mapanakit talaga.

“Pero, Juding, bakit siya nandito? I mean ang laki naman ng bahay ng mga Fuentes, pero rito siya nakatira,” maganda naman iyong bahay na ito, ang sarap tumira rito, kaya lang ay nakakapagtaka lang talaga.

“My parents don't know about this,” nagulat na naman ako! Diyos ko, ang dami kong nalaman ngayon. Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ito. “Only Chandra does at ikaw. I've been keeping it for 2 years already,” dagdag pa niya. Tsk, ang dami ko pa talagang tanong. Ganito ako katsismo—este, kakyuryos pala.

“Paano mo siya binubuhay?” kunot-noong tanong ko.

“May business ako sa Canada. Alam mo na, beki, maraming raket. Ayon, nagtayo ako ng comedy bar doon tapos nag boom naman. Kailangan ko lang iwan dahil. . .” tumigil siya at para bang ang hirap para sa kaniyang sabihin ang kasunod na linya, “. . .gusto na nila Mommy na rito ako mag-aral,” hala, bakit feel ko hindi talaga iyan ang rason? Or, feeler lang talaga ako? O baka naman I'm not feeling well? Ewan, basta! May mali talaga. “Good thing, I have so many friends there at sila na muna 'yong nag-manage,” muling usal niya.

“Kailan mo planong sabihin?”

“I don't know yet. Pero, wala namang sekretong 'di nabubunyag. I-re-ready ko na lang 'yong sarili ko sa posibilidad na malalaman din nila ito anumang oras.”

Isumbong ko kaya? Joke! Hindi naman ako ganiyan kasama, ano. Pero, kasi kawawa naman iyong bata, eh. Parang tinatago siya ni Charmagne. Mabuti na lang wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo.

***

“Big Sis, I really enjoyed playing with you! Please be here always!” ayoko na! Joke lang, pero kasi pinagod niya talaga ako! Naghabulan kami sa loob ng bahay nila, nag tagu-taguan, tinuruan niya ako ng ballet dancing! Diyos ko, pagod na pagod ako!

“Nag-enjoy rin ako, Ynna. I'll go back here if I have free time, ha. Big Sis is also busy in her studies,” charot, akala mo naman super seryoso sa pag-aaral ang Ara.

She Stole The Gay's Brief (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon