Georgina's POV
Hahahahahaha, sobrang natutuwa na ako sa paligid ngayon, kahit papaano nababawasan na lahat ng kalungkutan ko simula nang naglayas ako.
Naku! Sobrang drama ko na naman, di talaga ako sanay.
And speaking of sanay, ang saya saya ko araw-araw dahil nasanay na talaga akong asarin at pahirapan si Mr. Crawford.
May aaminin pala ako sa inyo. Basta nakakatuwa eh.
Remember ang mga conditions na pinabunot ko kay Idiot?
Actually isa lang po ang number na nilagay ko sa drawlats box.
Condition NUMBER 5.
Stands for.:
"No choice, you will follow, conditions 1,2,3, and 4"
Hahahaha! Sarap pagtripan talaga! Di kasi muna nagtanong bago bumunot, Idiot nga talaga!
Pero back to kasayihan, read this.
(flashback)
Yehey, may pasok na ulit, ewan ko ba kung bakit lagi na akong naeexcite pumasok dahil siguro sa mga kasiyahang dala ng SSS Girls.
(Author's Notes, Status and Comments: Sigurado ka, Georgina, yun lang ba?)
Oo nga, kulit naman eh, ano pa kaya ang laging reason ng pagkaexcite ko lagi?
(Author's Notes, Status and Comments: Hindi ano? Sino?!)
Oo na Ms. Author, gets ko na yan, si Allen Dayle Crawford lang naman yan.
Lunch Break na rin namin, natapos din ang duguan at paulit-ulit na lecture ni Ma'am NSTP!
Kaya dito na kaming buong barkada sa green house, dito po kasi kami mahilig maglunch, ang ibang kasamahan kasi namin bumibili ng kanin at ulam..
Pero kaming mga practical sa buhay, nagbabaon kami araw-araw kahit paulit-ulit ang aming ulam, ang mga pambansang ulam ng Pilipinas, ITLOG at HOTDOG! Haha
Burppp! Busog much!
NP sa Cp ko.
Tinitinitintininging or simply Nokia tune!
Cecille: Georgina, may nagtext sayo oh! (sabay abot ng cp kong Nokia na hiniram niya para makapaglaro ng Snake.)
YOU ARE READING
1 Heart To Remember
RomancePagmamahal pa rin ba ang magtuturo sa pusong sinawi ng kahapon?
