Chapter 21: The Sweet Revelation

330 3 0

Chapter 21: The Sweet Revelation

Josh’s POV

Josh: So, magkakampi pala kayo?

Carl: Ganon na nga.

Josh: HAHA! Salamat ahh, ang saya ko talaga ngayon.

Kyle: Siyempre naman, basta para sayo bro.

Lumabas kami ng room tapos nakita namin yong girls, nakaupo lang sa may couch.

Carl: Tara labas tayo.

Dane: Sige ba!

Pumunta kami sa labas, malapit sa may dagat tapos gumawa ng bon fire, yong girls naman kumukuha ng snacks. Paglabas nila, may dala dala silang chips at softdrinks na nasa bote. Pumunta naman si Carl sa may tindahan malapit sa bungalow namin. Pagbalik niya may dala dala siyang isang case ng San Mig Light.

Carl: Oh, simulan na natin to.

Nagbukas kami ng 6 na bote ng beer, tig-iisa kami. Unang naubos yong kay Carl, kaya nagbukas ulit siya.

Camille: Laro nalang tayo ng Spin the Bottle.

Pumayag kami, tapos kinuha yong bote na walang laman. Pina-ikot ni Camille yong bote tapos tumapat kay Carl.

Camille: Truth or Dare?

Carl: Truth

Josh: Ako, ako, ako magtatanong.

Carl: Ano yon?

Josh: Ano ba talaga si Camille para sayo?

Nagsigawan yong iba, “Ayieeee!”. Tapos sinagot ni Carl yong tanong ko.

Carl: Importante si Camille saken, m-m-mahal ko si Camille.

Nagsigawan naman yong girls, samantalang kinakantsawan naman namin si Carl.

Carl: Oy tama na nga! Iikot ko na yong bote.

Pagka-ikot ni Carl nong bote, kay Kyle tumapat.

Carl: Truth or Dare?

Kyle: Dare nalang.

Halatang umiiwas.

Carl: Bigyan mo ng bulaklak yong babaeng mahal mo, tapos halikan mo sa cheeks, yong nandito lang ahh! Oh eto. *habang inaabot yong bulaklak kay Kyle*

Kyle: Pwede bang… truth nalang?

Carl: Bawal, napili mo na eh!

Tumayo si Kyle, tapos inikutan kami, kanino kaya ibibigay nitong lokong to yong bulaklak? Unti unting lumapit si Kyle kay Jasmine, tapos iniabot yong bulaklak, tapos hinalikan nito sa cheeks.

Kyle: Kahit nasaktan ako, ikaw pa ren yong mahal ko.

Nagtilian na naman yong mga babae.

Josh: Yes! That’s my boy!

Tumabi na si Kyle kay Jasmine, halatang kinikilig. Inikot niya yong bote, tapos natapat kay Camille.

Kyle: Truth or Dare?

Camille: Truth nalang mamaya pag-tripan niyo pa ko eh.

Kyle: May pag-asa ba si Carl sayo?

Natahimik lahat, hinihintay namin yong sagot ni Camille.

Camille: Meron.

Nagsigawan na naman lahat, tapos napatalon pa si Carl sa tuwa. Tapos tumabi naman kay Camille. Kami na tuloy ni Dane yong nagkatabi. Inikot naman ni Camille yong bote, tapos natapat naman kay…JOSH. Oo, kay Jo-…Saken!?

Camille: Truth or Dare?

Josh: Dare.

Camille: Sabihin mo kay Dane, face to face ha, kung ano talaga yong nararamdaman mo para sa kanya, be honest ha!. Tapos i-kiss mo siya sa cheeks.

Nagulat ako sa dare, pero kailangan ko magpakatotoo. Magiging honest na talaga ako sa nararamdaman ko para kay Dane. Tumingin ako sa mga mata ni Dane.

Dane’s POV

Nagulat ako sa dare ni Camille kay Josh. Hinde ko ine-expect yon, tumingin saken si Josh tapos hinawakan yong face ko para tingnan ko din siya. Naiilang ako, hinde ko makatingin ng diretso. Ang gwapo niya, at ngayon ko lang napansin na pareho pala kami ng color ng eyes.

Camille: Dane, tumingin ka naman!

Josh’s POV

Habang nakatingin ako kay Dane, hinawakan ko yong mukha niya para tumingin din siya saken. Hawak hawak ko lang yong mukha niya para hinde siya pumaling sa ibang direksyon. Hinde siya makatingin ng diretso saken, halatang naiilang. Ang nasa isip ko lang non, ‘Lord HELP!’. Pareho pala kami ng kulay ng mga mata. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, tapos sabay sabi.

Josh: Dane, I love you, so much. Ikaw lang ang mahal ko. Feeling ko sasabog ang puso ko, kapag di ko nasabi sayo to ngayon. Totoo ang nararamdaman ko para sayo, pero hinde kita minamadali, we have a whole lifetime to share with each other. Honestly, I can’t imagine myself with any other girl, but you. Gwa Ai Di!

Nagtilian sila sa sinabe ko, pati sina Kyle, kinikilig din. Nilapit ko yong mukha ko sa mukha niya. “Kiss Kiss!” paulit-ulit nilang sinabe. Naalala ko yong sinabe ng Daddy ni Dane saken, ‘I trust you, Josh.’, dahil don, nilayo ko ng konti yong mukha ko sa mukha niya, tapos hinalikan siya sa pisngi. Tapos umupo na kami ng maayos ni Dane.

“Ay sayang! Kala ko hahalikan mo na sa lips eh” narinig kong sinabe ni Carl.

Josh: Sa pisngi lang naman yong sabe sa dare eh.

Carl: Ewan ko sayo!

Camille: You missed the chance!

Natawa naman ako sa reaction nila.

Pina-ikot ko na yong bote, tapos tumingin kay Dane. Natapat pala kay Jasmine yong bote.

Josh: Truth or Dare?

Jasmine: Dare.

Josh: Oh ha! Dare daw!

Carl: Ako mag-bibigay.

Josh: Oh sige.

Carl: Ganito, kung walang pag-asa si Kyle sayo, kainin mo yong chip na nasa ilong niya. Kung meron naman, kainin mo yon chip na malapit sa lips niya.

Josh: Pwede pwede!

Lumuhod si Jasmine na nakaharap kay Kyle, wala naman siyang choice eh. Akala namin kakainin niya yong chip na nasa ilong ni Kyle, kasi malapit na siya don eh. Nagulat kami ng bigla niyang kainin yong chip na malapit sa lips ni Kyle. Tapos ang mas nakakagulat pa don, bigla namang hinalikan ni Kyle si Jasmine sa lips, pero smack lang. Kilig na kilig naman kami, si Camille, nangingisay pa! HAHA! Adik ng mga to! Nagulat si Jasmine, gulat na gulat pero hinde nalang niya pinansin. Inikot niya yong bote tapos natapat kay Dane.

Jasmine: Truth or Dare?

Dane: Truth.

Jasmine: Ay KJ! HAHA!

Dane: Nakakatakot kayo eh.

Jasmine: Anong masasabi mo sa sinabi ni Josh?

“Ayieee” nang-asar na naman sila.

Dane’s POV

Nakakagulat yong mga sinabe ni Josh, pero aaminin ko, kinilig ako, sobra.

Jasmine: Anong masasabi mo sa sinabi ni Josh? Face to face, sabihin mo kay Josh.

Nakatingin na siya saken non, humarap ako para tingnan ko siya. Hinawakan ko din yong mukha niya, tapos napangiti siya.

Dane: Josh, importante ka din saken, pero ayokong madaliin, gusto ko, pag sinabi ko sayong mahal na din kita, sigurado na talaga ako, yong totoo na talaga, wala nang second thoughts.

Josh: Pero, may pag-asa ba ako sayo?

Dane: Oo. Ikaw lang ang nandito sa puso ko. You are someone very special in my life. Sabi ko nga noon, maybe not know, but certainly, sooner or later, I believe in destiny, if it’s really us, then we will be together in the end.

Back To Where It Started, Back To YouBasahin ang storyang ito ng LIBRE!