Chapter 6

536K 8.6K 1.4K

Angel POV

"Goodmorning, Angel!" Bati sa'ken ni Jacob nang makarating ako dito sa restaurant.

Ngumiti ako. "Goodmorning din."

"Ang ganda talaga ni Miss Angel." Puri pa ni Jacob.

Napansin ko nga na lagi siyang nakatingin sa'ken at lagi din akong binabati.

"Kuh, Jacob! Magtigil ka dyan. Aga-aga nambobola ka! Magtrabaho ka na!" Natatawang sabi ni Amy. Waitress din dito.

Hindi na ako sumagot. Ganyan lang talaga 'yang si Jacob. Sumenyas muna ako na pupuntang locker kaya iniwan ko muna sila.

Pumasok na ako sa locker at nagsuot na ako ng uniform na pang waitress. Start na ang oras ng trabaho.

Paglabas ko, marami na agad orders. Maaga palang pero marami ng tao ang kumakain dito. Sikat din talaga 'tong Angels Restaurant.

"Angel!" Tawag sa'ken ni Jacob.

"Uy? Bakit?" Tanong ko. Nandito kami sa may counter habang naghihintay ng sunod na ise-serve na orders.

"Camera ka ba?"

"Huh? Bakit?"

"Pag napapatingin kase ako sa'yo, napapangiti ako. Boom!"

Natawa naman ako kahit korni ang pick-up line niya. May pagka-kalog din 'tong si Jacob eh.

"Haha! Hanep talaga pumorma si pareng Jacob!"

"A-ah, goodmorning, sir!"

"Sir, goodmorning!"

Nag-angat ako ng tingin at automatic na napatigil ako sa pagtawa nang makita kong nasa harap na namin si Oliver. God! May lahi ba siyang kabute? Basta basta nalang lumilitaw.

Masama ang awra niya. Problema ng lalaking 'to? Saka bakit andito siya?

"Miss Sabina. To my office. Now." Tumalikod na siya pagkasabi niyon.

What the hell? Bakit naman niya ako pinapatawag sa office niya? May nagawa ba akong mali? Psh.

"Hala, ba't ka kaya pinapatawag sa office ni sir?" Tanong ni Carlo. Yung isang waiter na kasama namin dito sa may counter.

Nagkibit-balikat lang ako. "Punta muna ako don." Paalam ko sa kanila.

"Sige, Angel." Sagot ni Jacob.

Naglakad na ako paakyat sa taas. Sa office ni Oliver. May mahalaga ba syang sasabihin para paakyatin ako don? Sabagay, kung hindi naman siguro mahalaga 'yung sasabihin niya, pwede na niyang sabihin sa baba kanina.

"Oh, Miss Angel?" Nakasalubong ko si Mrs. Rina dito sa taas.

"Pinapatawag po ako ni Sir Oliver sa office niya." Sagot ko.

"Ganon ba? Sige."

Nilampasan ko na siya at nagpunta sa dulong bahagi kung saan naroon ang office ni Oliver.

Nang makarating ako, huminga muna ako ng malalim. Kumatok muna ako bago pumasok.

Naabutan ko siyang nakatayo sa may gilid ng glass window habang may kausap sa phone.

Nanatili akong nakatayo sa harap ng malaki niyang table habang hinihintay na matapos siya sa pakikipag-usap.

"Okay. See you later." Sabi nya sa kausap niya.

One Night Stand (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon