Kabanata 3

306K 5.6K 259
                                    

CHAPTER 3

[Yuka]

"Guys! Bugbog sarado si Vince kahapon!" Humahangos na sigaw ng isang kaklase ko malayo pa lang. "Hinamon daw si King kaya ayun, 50-50 sa ospital!"

Hindi ito magkandaugaga sa pagkukwento pagkarating sa seat niya. Nagsitayuan pa ang lahat para salubungin siya.

"Totoo ba 'yan?! As in si King Daryl Smith talaga 'yang tinutukoy mo?!"

"Oo siya nga!" nanlalaking mga mata na pagkumpirma niya pa. 

Nagsalita ang isa sa mga kaklase kong nakahalukipkip sa may pader. "Napaka-yabang naman kasi ng Vince na 'yon kaya buti lang sa kanya ang nangyari."

Nagpapa-padyak naman ang isa pa sa mga kasamahan nilang nagchichismisan. 

"Haaay. Lalo tuloy akong nalulunod sa pagmamahal kay King! Gwapo, mayaman, malakas, sikat at sobrang hot!!" Para itong bulateng inasinan sa sobrang kilig.

Sus. May malubha na ngang nasaktan, tuwang tuwa pa rin sila. Ang labo talaga ng mga babaeng 'to. Akala mo namang nakakakilig na eksena sa pelikula ang pinag-uusapan sa sobrang tuwa nila! Samantalang ako rito hindi na mapakali sa kaba. Feeling ko nga'y naging trumpo na 'tong pwet ko na kanina pa paikot-ikot!  

Kalat na kalat na ngayon sa buong Shinhwa Academy ang sinapit ni Vince Pascual sa mga kamay ni Daryl. Sabi sa balitang kumakalat ay comatose daw ito at dinala pa sa ibang bansa para ipagamot. 

Mahabaging Bathala! Lalo tuloy akong hindi makahinga ng maayos sa kaba! Papatayin talaga ako sa nerbyos ng Daryl na 'yon! 

Isa sa lagi kong kinatatakutan 'tong tinatawag nilang underground battle. At kagabi nga ay nangyari na naman 'yon nang wala akong alam. Kundi ko pa narinig sa mga chismosa sa paligid ay hindi ako magkaka-ideya na nakipag-away na naman ang magaling kong boyfriend kagabi!

"K-kamusta naman daw si King Daryl kung malubha ang naging lagay ni Vince?" tanong ko rito sa katabi ko. Kunwari'y nakiki-chismis na lang din ako kahit ang totoo ay gusto ko lang din makibalita kung hindi ba siya nasaktan. Kaso sinulyapan lang ako ng pinagtanungan ko at binalik na ulit ang atensyon sa binabasa. 

Hayst! Kung kelan naman kailangan ko ng chismosang katabi, saka naman 'tong most behave kong kaklase ang seatmate ko. Malas!

Alam ko namang leader si Daryl ng kinatatakutang Bloodshed Gang, pero hindi pa rin ako mapakali sa tuwing napapaaway sila dahil baka mamaya may mangyaring masama sa kanya o sa kahit na sino sa kanila. Kagaya na lang kagabi. Hinamon lang pala siya ng Vince na 'yon kaya kasalanan rin no'n kung bakit siya kritikal! Kung hindi sana nito hinamon si Daryl edi sana walang nasaktan.

Tumayo ako at lumabas ng room. Wala pa naman kaming instructor pero feeling ko kahit may dumating na ay hindi ko na rin gugustuhing pasukin ang next subject ko. 

"Daryl naman...sumagot ka na please." Paroo't parito ako sa paglalakad habang nakatapat ang cellphone sa tenga ko. Umaasang bigla niyang sagutin at sabihing ayos lang siya. 

Kaso wala. Naka apat na 'kong attempt pero hindi talaga siya sumasagot. Lalong dumoble tuloy ang kaba ko. Nanlalamig ang mga daliri kong nag-type na lang ng text message. 

To: Hubby <3

- Hoy Daryl! Kapag ako may nakitang galos d'yan sa mukha mo at sa ibang parts of the body mo, malalagot ka sa 'kin!

Nakasimangot akong bumalik sa klase dahil hindi ko rin naman alam kung saan siya hahanapin. Sobrang nakakainis! Wala rin tuloy gustong pumasok sa utak ko dito sa mga ineexplain ng teacher ko. 

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon