"P-pangalan?" tanong ng babae habang nakakunot noo lang na nakatingin si Alister sa kanila.

"Yes, pangalan. Name," paliwanag nito. Nagkatinginan ang makapatid ng umiling lang ito.

"Saang planeta ka ba galing, miss? Alien ka-" Naputol ni Alister ang sasabihin ng sawayin siya ni Alissa. "Ali, watch you words. What kind of question is that?" Sinamaan niya ito ng tingin. "Psh! Hindi niya alam iyong sarili niyang pangalan baka kako alien siya?" Binato na siya ni Alissa ng unan kaya tumahimik ito saglit.

"Wala kang pangalan? Bakit? San ka ba nakatira? Alam mo ba ang number sa inyo para matawagan natin ang mga magulang mo? Ilang taon ka na ba?"

Sa lahat ng tanong ni Alissa ay walang nasagot ang babae, nakatingin lang ito kay Alister. "Hala, natrauma yata or nagka-amnesia, Ali. Anong gagawin natin? ... wala ka talagang pangalan?" Alissa keep asking her.

"Sa binti ko siya nabangga ate, paanong magkaka-amnesia yan?" pilosopong tanong ni Ali. Sinipa siya ni Alissa. "'Wag mo 'kong matanga-tanga riyan,  baka palayasin kita!" Itinuon muli nito ang tingin sa babaeng kaharap. "Ako na lang kaya mag pangalan sa 'yo?" She look at her brother na natatawa. "What do you think Ali?" tanong nito sa kapatid.

Tumayo ito at umakyat sa unang palapag ng hagdan. "Nababaliw ka na ate. Ano namang tingin mo riyan asong kalye na napulot ko at basta mo na lang bibigyan ng pangalan? She's a beggar."

"Iyang bibig mo talaga! She's a beggar, but she looks like an angel. Look at her, kapag inayusan ko' to ang ganda nito." Napapatangong sabi ng ate niya habang sinisipat ng tingin ang babae.

"Ipamental kaya kita kasama 'yang babaeng 'yan," tuloy parin ang pang-aasar ni Alister.

"You son of a jerk!" Napipikon nang sagot ni Alissa habang nakangisi namang umalis si Alister at nagtungo sa kwarto niya.

"Hintayin mo 'ko rito kukuha lang ako ng pagkain." Hindi na niya ito hinintay magsalita dahil alam niyang imposibleng sumagot ito. Pagbalik niya ay inilapag niya ang sandwich at Juice sa mesa. "Kumain ka muna, mamaya papahiramin kita ng damit para makapaglinis ka. And kapag may naghanap sa 'yo saka kita ibibigay, I already reported it to the police we'll just have to wait them."

Pinagmamasdan niya ang dalagang kaharap habang kumakain ito at minsan ay napapakunot ito kapag nakakakita ito ng weird things na ginagawa nito. The girl was about to pour a glass of juice on her hair, muntik na siyang matawa. Mabuti at napigilan niya pa rin ito. "N-No! It's not for that... you'll drink it." Kinuha niya ang isa pang baso ng juice at ipinakita sa dalaga kung paano siya nagsalin roon at kung paano iyon inumin.

"Like that... Ikaw nga." Ibinaba niya ang baso nang makainom.

Nakatingin siya sa dalaga kanina habang iniinom nito ang orange juice na inihanda niya at nang maubos nito iyon ay dumighay ito ng malakas kaya marahang natawa si Alissa. "Halika, doon tayo sa kwarto ko." Inaya niya ito papasok sa loob at iniwan muna itong nakaupo sa kama niya hindi ito lumilikot at paikot-ikot lang ang tingin sa buong kwarto. "Wala ka talagang pangalan? Bakit hindi mo kilala ang sarili mo?" tanong muli ni Alissa saka inilapag ang nakuhang damit at umupo sa katabi ng dalaga.

"W-Wala akong pangalan..." tipid na sagot lamang ng dalaga.

"Wala? As in... wala talaga? Or hindi mo lang maalala?"

Umiling ang dalaga kaya sandaling natahimik si Alissa. "Gano'n ba? What if pangalanan kita? Is it okay with you? Hindi ko kasi alam ang itatawag ko sa 'yo. Can I call you Angel na lang for the meantime? 'Cause you looks like an angel kasi na parang bumaba ka dito sa lupa... okay ba?" Tumango si Carrie kahit hindi gaanong naunawaan ang sinabi ni Alissa.

It's her first mission. Hindi niya inakalang ganoon pala kahirap mabuhay sa mundo ng mga tao. Bago ang lahat ng ginagalawan mo.

"Okay clean up yourself. Maligo ka na sa loob." Iginiya siya ni Alissa papasok sa loob ng bathroom nito saka binuksan ang shower. "A-Ayokoooo!" Tumakbo ito palabas ng mabasa ng tubig. "Bakit, bakit? Takot ka sa tubig?" nag-aalalang tanong ni Alissa.

"Ayoko... ayoko n'yan! Ayoko maligo!"

Para itong bata na nagtago at sumiksik sa isang sulok. Natatawang pinuntahan ito ni Alissa. "Ano ka ba, 'wag kang matakot. Tubig lamang 'yon. Lahat ng tao kailangang maligo para maging maayos tingnan." Nakatitig ito sa kaniya at saka dahan-dahan itong tumayo, dire-diretso itong pumasok sa loob ng bathroom at umilalim sa shower. "Ang tawag dito shampoo. Put it on your hair," inisa-isa ni Alissa ang bawat kagamitan para kay Angel at hinayaan na itong maligo pagkatapos noon. Nang makatapos na itong maligo ay tinuruan rin niya itong isuot ang bathrobe saka naglagay ng Towel sa ulo.

Itinuro niya ang pares ng damit na nakalatag sa kama. "Ito ang isusuot mo." Halos mapaluha siya sa kakatawa nang makita niyang isinuot ni Angel ang under wear sa ulo. "No, Angel it's not for that... sinusuot 'to sa baba, and this..." Tinuro niya rin ang isa pang gamit na pambabae. Nang tuluyan na itong makabihis ay tinulungan ni Alissa itong i-blower ang buhok.

"Bakit parang hindi ka pamilyar sa mga bagay dito? Kasi kung may amnesia ka dapat alam mo kahit kung paano manlang gamitin ang mga bagay bagay pero kasi iba ka... know what? No offense ha... p-para kasing bagong tao ka lang?" Hindi pa rin ito nagsasalita at tahimik lang. "Sige ayos na 'yan matulog ka na. Bukas kapag wala pa rin naghahanap sayo I'll help you to familliarize things here and uh... tuturuan na rin kita kung paano mag-ayos ng sarili mo and so on ako na bahala ro'n."

"P-pano si Ali?" Nagulat si Alissa ng itanong iyon ng dalaga. "Ahh... ahh si Ali? Kilala mo siya?" takang tanong ni Alissa. "N-narinig ko, iyon ang tawag mo sa kaniya." Napatango na lang si Alissa. "'Wag mo intindihin 'yon papasok naman 'yon bukas walang makikialam sa 'tin. Alam mo, I want to be close to you, wala kasi akong sister e."

"Sister?"

"Oo sister, kapatid na babae," paliwanag nito na tinugon lamang ng tango ni Angel.

"Sa ngayon tabi muna tayo matulog 'di ko pa kasi nalilinis 'yong kwarto sa kabila. You accidentally came so I didn't expect na may iuuwing katulad mo ang kapatid ko. Alam mo, nagtataka nga ako kasi snobber talaga 'yang si Ali kaya hindi ko maisip kung bakit ka niya inuwi. Sa pagkakakilala ko sa kapatid ko kahit pa mabangga ka niya wala 'yong pakialam kahit pa mapatay ka niya, wala kasi 'yong pakialam sa nararamdaman ng iba." She look at Angel na namumungay na ang mata, inaantok na. "Alam ko naman na nagkakaganyan lang siya kasi lumaki kami pareho na kaming dalawa lang at walang gumagabay na magulang. Napaka workaholic kasi ni Mom and Dad, kaya wala na silang time para sa 'min, ikaw may naa-" Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa kahihiyan. Kanina pa siya talak ng talak at napakahaba ng sinabi ngunit itong si Angel na akala niya'y nakikinig sa kaniya ay tulog na pala.

"Haist. Akala ko pa naman may makakausap na 'ko. Okay, then. Goodnight Angel." Pinatay nito ang ilaw sa lampshade at nahiga na rin sa tabi ni Angel.

Angel in Disguise Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum