dedication porr -- @Uhmphotek ;))

- - - -

x58: Guilt

[RACHELLYN's PoV]

"Oh here, I recommend you these." nakangiting inabot sakin ni Miss Kath ang catalog nya ng mga wedding dress.

Miss Kath, fashion designer sya na family friend nina CJ. And we're here now in her shop, choosing for the wedding dress I'm going to use sa..sa kasal namin.

Tinanggap ko yung catalog. Pagkabuklat ko nun, tumabi ng upo sakin si CJ dito sa sofa. Umakbay sya sakin and rested his chin on my shoulder.

"Wow.." namangha naman agad si CJ sa unang dress na nakita namin. "You'll look very beautiful on that one, Mhie."

Natatawa kong tumingin kay CJ. Yung tono nya kasi, mapangbola ang dating.

"Not just on that one." singit ni Miss Kath na umupo na sa single couch sa tapat namin. "Future Mrs. Villarama will definitely look very beautiful on any wedding dress we got here."

Future Mrs. Villarama..

"She sure will." may pagka-mayabang na pagsang-ayon ni CJ.

"Aba.." natawa si Miss Kath. "Ikaw Chris John, proud na proud ka sa fiancé mo ah."

"Of course." tumingin ulit sakin si CJ at ngumiti. "Bakit naman hindi eh napakaraming bagay na dapat akong ika-proud sakanya."

"Oh.." lumapad ang ngiti ni Miss Kath. "Ikaw na Chris John.. Ikaw na talaga."

I just smiled at CJ. Wala akong masabi. Di ko alam. I found his words very sweet yet I.. I couldn't take it at heart..

"Pili ka na, Mhie." pabulong nyang sabi sakin.

Tumango ako at ini-scan na itong catalog.

Ang gaganda nitong mga dress. They all look very much elegant kahit ang simple lang ng mga detalye at design nila.

Hmm.. Ano bang babagay sakin dito..

While I'm scanning this catalog, nakikinig din ako sa kwentuhan nina CJ at Miss Kath. Pinagkukwentuhan nila ang mga napagplanuhan na namin ni CJ sa kasal namin.

CJ and I, we're already planning kahit ba busy pa rin kami sa school. Sabi rin kasi ng parents namin, dapat magsimula na kaming magplano. Why shouldn't we? Eh ang napili naming wedding date is September 12 of this year-- same day as my baby's birthday as well as our anniversary.

September 12.. Wala nang 6 months from now, ikakasal na ko kay CJ..

Tsk. Itong puso ko naman, nagprotesta bigla.

Napapikit tuloy ako at pasimpleng huminga nang malalim.

Ikaw puso ko, magsasawa ka ring magprotesta kasi matutunan mo ring mahalin si CJ ulit. Matatagalan nga lang yun pero ayos lang. That process really takes so much time, just like the first time I moved on from my past with Adrian and the first time I fell in love with CJ.

Right.. My heart will be able do it..

Tinuon ko na ulit ang konsentrasyon ko sa pagpili ng wedding dress dito sa catalog, until one dress caught my attention.

It has simple sequins details but it really looks elegant for me. All-white sya syempre, strapless, wavy, at parang bagay sya sa tulad kong young mommy.

Tinitigan kong maiigi itong dress pero bigla kong napansin yung kasama ng babaeng model nito. Lalaki yun na naka-tuxedo at sya yung groom kunwari nung babae.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!