Panglabing-dalawa

137K 4.9K 1.4K

PANGLABING-DALAWA

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang puting kisame. Chos! Hindi ko dahan-dahang imulat ang mga mata ko, ano. Biglaang pagbukas ang ginawa ko nang bumalik ang katawang lupa ko sa wisyo nito. Pero hindi chos ang nakita kong puting kisame sa pagbukas ko ng sarili kong mga mata. Kahit hindi ko ilibot ang paningin ko sa paligid, alam kong nasa school’s clinic ako.

Naging shunga ako noong kami pa ni Rolando Berto Judas pero hindi ibig-sabihin shunga pa rin ako hanggang ngayon. Unless, minahal ko pagiging shunga at niyakap ko pa.

Habang nakatitig sa kawalan, sinusubukan kong alalahanin kung bakit ako napunta rito sa clinic ng school. Ang natatandaan ko ay nasa cooking room kami kanina at gumagawa ako ng activity namin. Tapos ‘yun kalan na pinaglulutuan ko ay nagkaroon ng glitters effects ek ek at lumaki bigla ang apoy. May nakita akong isang pangyayari pero hindi ko na maalala nang maayos. May mga parte pa rin sa memorya ko, pero hindi na malinaw. Parang biglang nawala. O, crap. Bakit ang labo na agad. Makabili nga ng antenna mamaya.

Punyeta kasing Rolando Berto Judas ‘yan, e. Alam ko namang siya—Joke! 'Yan na naman kayo, e. Sasabihin niyo na naman na sa kanya ko na naman isinisisi ang nangyari sa akin kanina. Oo, hindi na. Alam ko namang wala siyang kasalanan. Baka banatan niyo pa ako ng “Si Judas! Si Judas! Lagi na lang si Judas. Si Judas na walang malay. Si Judas na ang tanging kasalanan ay maging anak sa labas.”

Mga mukha niyo rin, e.

Pero huwag niyo akong babanatan ng ganyang punchline. Alam ko namang may malay si Judas. Lakas nga ng apog mangloko ng pucha na ‘yun na as if araw-araw naliligo. 'Yun ba ‘yung walang malay? Saka, hindi rin naman anak si Judas sa labas. Kung makita niyo lang tatay niyon. Kamukhang-kamukha ni kuko. Kung si Rolando kuko sa talampakan. ‘Yun tatay niya kuko sa kabilang talampakan ng kanilang kapaitbahay. Gano’n kalakas ang genes ng pudrakels niyon.

Chos lang, mga mare. Ang dami ko na naman naisip. More monologue, more fun ang ginagawa ko, e.

Itinagilid ko sa kanan ang ulo ko at nakita ko ang nurse na bantay rito sa clinic. Hindi puwedeng sa kaliwa ko itagilid ang ulo ko dahil dingding na ang makikita ko. E ‘di hindi ko siya nakita, ‘di ba? Agad naman siyang napatigil sa pagsusulat at tumingin sa akin saka ngumiti ng matipid.

“Gising ka na pala.”

Tulog pa ako, ‘te. Kaya ko lang matulog nang nakabukas ang dalawang mata ko. Gusto ko sana siya barahin kaso huwag na. Baka bigla siyang mabuwisit sa akin at kumuha ng mga injections saka itusok sa buong katawan ko, e ‘di, back to sleep agad ang peg ko.

“Opo,” matipid ko na lang sagot sa kanya saka umupo na lang sa kama na pinaghihigaan ko.

“Ayos lang ba ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa ‘yo?”

Umiling ako. “Ayos lang po ako. Wala naman pong masakit.” Ituro ko sana ang puso ko dahil recently ito lang ang sumasakit sa akin.

“Nakakagulat, ha. Sabi ng mga kaklase mo, ang laki raw ng apoy na nasa kalan mo kanina. Pero kahit anong paso sa katawan mo, wala akong nakita,” hindi makapaniwalang sabi niya. “Ano ba’ng nangyari at bigla kang nawalan ng malay? Nakatitig ka lang daw sa malaking apoy, e. Hindi ka raw gumagalaw. No’ng nawala ang apoy, bigla ka raw nawalan ng malay.”

“Bigla po kasi akong may nakitang isang pangyayari habang nakatitig sa apoy. Parang isa pong pangitain. Hindi ko po sure kung nangyari na ‘yun nakita ko o mangyayari palang sa hinaharap, e,” pagku-kuwento ko sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin at tahimik na nakikinig. “Tapos ‘ayun po, noong nawala na ‘yung nakikita kong pangitain, bigla po akong nawalan ng malay.”

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now