Panglabing-isa

140K 5K 2K

PANGLABING-ISA

Huminto ang tricycle na sinasakyan ko kanina pero sinasakyan na namin ngayon ni Laxus sa tapat ng school. Nauna akong bumaba tapos sumunod naman siya. Magbabayad na sana ako kay Manong Driver na ka-fandom ko kay Taylor Swift pero napansin kong hindi sa akin nakatuon ang pansin niya. Titig na titig kasi siya kay Laxus na naglalakad palayo. Mukhang nababading na siya. Chos! Parang nakakita ng multo si Manong Driver sa umagang ito. Nakakita ng multo o crush niya lang ‘yung guwapong genie? Amp.

“Saan nanggaling ‘yung lalaki na ‘yun?” tanong niya habang tinuturo pa si Laxus na nauna ng naglalakad papasok sa loob ng school. Ang walang’ya hindi man lang ako hinihintay. Sarap talaga tuktukan ng ulo para umayos. “Wala naman ‘yun kanina noong sumakay ka, ‘di ba?”

“Manong, may mga bagay sa mundong ‘to na dumadating sa atin pero hindi natin napapansin. Chos!” ismid ko kay Manong saka nilagay sa kamay niya ‘yun bayad ko. “Sa puso ko siya galing. Amazing, ‘no? Magic!” Saka ako kumindat sa kanya at tumakbo na papasok ng school para maabutan ko ‘yung buwisit na genie.

Mabilis na akong tumakbo pero ang walang’ya ang layo na agad sa akin. Malapit na siya sa Department building namin. Buwisit na talaga ‘yan. Nakapag-jogging ako ng wala sa oras, ha. Wait, kalian nga ba ang tamang oras ng pagja-jogging? Whatever. Basta ang alam ko lang ngayon tagaktak na ang pawis ko at hinihingal na ako sa kakatakbo pero hindi ko pa rin naaabutan ‘yung buwisit. Bakit kasi ang hahaba ng binti niyon? Ang laki tuloy niyang humakbang.

‘Yun ano rin kaya niya mahaba at malaki? Mahaba rin ba ‘yung pasensiya niya? Halata namang hindi, e. E, ‘yung puso niya, malaki kaya? Parang hindi rin naman. Tignan mo nga hindi man lang ako hinintay para sabay kaming dumating sa classroom. Nakakakulo talaga ng dugo ‘tong lalaki na ‘to. Pakiramdam ko duduguin ako ngayon, e. Hay, Laxus. Wala kang puso. Puro ka abs at V-line!

Napansin kong bigla siyang huminto noong nasa hagdan na siya paakayat ng classroom kaya binilisan ko na din ang lakad ko. Huminto muna ako tapos kinuha ang folder sa bag ko para ipangpaypay sa sarili ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako dahil ang init ng pakiramdam ko.

“Hoy, Laxus. Sana naman—“

Napahinto ako sa pagbubunganga nang makita ko siyang nakahinto at pinulot ‘yung mga libro na nasa paanan niya. Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap niya at nakita ko si Trisha na ang daming bitbit na libro. Mukhang nahulog na ‘yung iba kaya tinulungan siya ni Laxus para makuha ito at ibigay sa kanya. Dahang-dahan ako lumapit sa gawi nila.

“Salamat, Laxus,” nahihiyang tugon ni Trisha kay Laxus dahil sa pagtulong nito sa kanya. Kitang-kita ko na naman na nag-blush ang buong mukha niya. Napansin ko lang din na kapag siya nag blush lalo siyang gumaganda. Ako kaya kapag nag-blush gumaganda rin kaya ako o nakakairita lang ako tignan?

Napairap na lang ako sa ere dahil sa nangyari. Salamat, Laxus. Nye nye nye. Bakit kasi kailangan magbitbit ng maraming libro pero hindi naman pala niya kaya? ‘Ayan, nakakaabala pa sa mga dumadaan. ‘Eto namang si Laxus hindi na lang pinabayaan. Buwisit na ‘to. Wala sa lugar ang pagiging gentleman niya. Bigla na naman akong nakaramdam ng pagkairita. Gusto ko manampal. Haha. Charot! Pero seryoso, naiirita ako. Tss.

“No problem,” maikling sagot ni Laxus habang nakangiti pa. Labas na labas ang perfect set of white teeth ng gago. Dalawang beses na niyang nginitian ng ganyan si Trisha, ha. Mag-ingat siya. Binibilangan ko siya. Kapag nakaabot sa lima ang pagngiti niya, ayoko na. Break na kami. As if may relasyon, ‘no?

“Wala kasing gustong tumulong sa akin, e. 'Yun boys sa classroom ang titigas ng ulo,” pagku-kuwento ni Trisha habang ipinapatong ‘yung ilang librong nalaglag sa dala niya. Mamatay na po nagtanong. Hindi namin tinatanong.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!