You Were Just Waiting for Someone to Comeback

7 0 0
                                    

Single ako... Pero I think I'm destined to be that person. Welp may nagustuhan akong lalake. Siya ay mabait, maaalalahin, magalang at pogi. He's different from others kase kahit hindi kami masyadong close, he treated me like how he treated others. Welp I'll tell you the story.

Ako yung babaeng hindi kikiligin dahil wala namang nagpapakilig sa'kin. Eh kase naman pangit ako pero para sa iba maganda like parang bulag sila. 3rd year collage ako nung oras na yun at nagboboard ako sa isang boarding house. May neighbours ako pero hindi friendly. Oo, halos babae sila pero backstabber and sluts. Sa school busy ako at minsan magbabasa nalang ako ng Wattpad stories. Pero I'll tell you, my life changed when I met him.

A guy wearing a black polo shirt and pants. Opening his room in a shy way. Tumingin siya sa paligid at nung nagtugma yung mga mata namin ay ngumiti siya at nagwave in a shy way. All my life yun yung pinaka unang time na napakilig ako ng isang lalaki this year. I smiled and waved.

Yan yung palagi niyang ginagawa araw araw I mean when we see each other, he greets me and smiles. Even at night! I probably had no friends in our school but unexpectedly... Schoolmates pala kami. Nagtransfer siya sa school namin. That's when we communicated more. Those waves and smiles became words and laughs. Those greets became "Hey" or "Zup" and those name calling were changed into "Bro". Every lunch break sabay kaming kumain at sabay din kaming umuwi.

Ang sarap isipin na ang daming nagbago. Ang sarap dinggin ng kanyang boses. Masaya ako na naging kaibigan ko siya. Ang galing galing niyang kumanta at mag gitara. Pero parang may mali... Parang unti unting nahuhulog na ako sa kanya. Those sweet smiles are so precious to me, and the teasing, it makes my heart beat faster.

I've never been so happy before. I wanna confess what I felt. Malapit na akong mag 4th year collage and it's almost a year. My mind stops me from doing it and I completely stopped myself from commiting it.

Nung 4th year ako ay nagkikita kita parin kami. I was happy na batch mate pala kami. We had fun when we were bonding. But sometimes my heart breaks... My heart breaks into pieces everytime I hear him saying "I love you so much my friend". Parang sinasabi niya talagang hanggang doon lang kami. Parang ang ibig sabihin sa mga salitang iyon ay hindi talaga kami mag iibigan bilang magjowa, ngunit bilang magkaibigan lang talaga. Mas nasaktan ako nung dumating na ang oras.

We graduated together and after many days ay nag bobonding parin like what we usually do. Nasa boarding house ako at that time at may kumatok sa pintuan. Binuksan ko at siya pala "Hi bro! Uhm can we talk?" Tanong niya "Oo naman bro!" Sagot ko at pinapasok siya. Pumunta kami sa higaan at umupo. "First of all uhm thank you" sabi niya sabay bigay ng isang teddy bear at kwintas "Para saan ba'to?" Tanong ko na may pagkahalong tawa "Thank you gift" sabi niya "Bakit ka nagthathank you? Wala naman akong ginawang maayos a?" Tanong ko at medyo nawiwierduhan na sa best friend ko "Welp..." Sabi niya habang yumuyuko. Nilagay niya yung mga regalo niya sa kaniyang binti. Sa mga oras na yun ay parang nakaramdam ako ng takot "Bakit?" Tanong ko ng seryoso "Uhm, salamat bro sa mga taon na nakasama kita, ang saya saya nun. Hindi tayo nag away kahit isang beses at parang hindi ako nagsisi na naging kaibigan kita" sabi niya. Tumulo yung mga luha niya habang nilalahad niya parin yung mga regalo niya para sa'kin "Huy bro!" Sigaw ko at pinunasan yung mga luha niya "Mahal na kita bro!" Sabi niya sa'kin at sa oras na yun ay ang saya saya ng puso ko pero parang may takot akong naramdaman.
"B-bilang kaibigan?" Tanong ko "Hindi, sobra pa niyan" sabi niya. Niyakap ko siya at tinapik tapik yung likod niya. Ang saya saya ko. "Bro, mahal din kita" sabi ko "Pero hindi tayo pwedeng magkatuluyan" sabi niya at unti unting nababasag ang puso ko "B-bakit naman?" Tanong ko "M-may hinihintay lang kase ako, may jowa na ako bro e" sabi niya at bumitaw ako sa pagykakayakap ko. Hindi niya sinabi sa akin na may jowa siya. Bakit hindi niya napigilan ang nararamdaman niya para sa akin kung may jowa na pala siya? Pinunasan ko yung mga luha ko "Bumalik na siya galing sa Europe at binalikan niya ako para sabay na kami pumunta sa US. Nangako ako na hinding hindi ko siya papalitan at iiwan. Oo iniwan niya ako pero nangako siya na babalikan niya ako at pagkatapos non ay gagawa kami ng pamilya sa US. Nakagraduate na tayo e" sabi niya at umiyak ako "B-bro... Ang sakit" sabi ko "Pasensiya na bro... Hindi ko kayang paasahin siya sa isang pangako ko sa kanya na hihintayin ko siya na makabalik" sabi niya habang nilagay niya sa lamesa ko yung teddy bear. "Kung kaya mo maging loyal sa kanya bakit hindi mo napigilan ang nararamdaman mo para sa'kin?" Tanong ko "Hindi ko alam. Madali akong mahulog sa mga babaeng mababait pero hindi ko kayang saktan ang taong minahal ko at naging akin na. Ayokong sayangin ang biyayang naibigay na ng panginoon sa'kin at ikaw ay isang biyayang namahal ko at minahal ako pero pasensiya na kase hanggang kaibigan lang talaga tayo" sabi niya. Isinuot niya sa'kin yung kwintas at niyakap ako.

"Aalis na ako, nag impake na ako at mamaya na yung flight ko. Andun yung girlfriend ko at kung pupunta ka sa airport wag kang mag alala kase kilala ka na niya. Let's just call each other ok? And mag ingat ka rin dito" sabi niya. Wala na akong ganang magsalita at umiyak parin ako. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.

Nagmaneho ako papunta sa airport at pagdating ko dun ay nakita ko siya kasama yung girlfriend niya at pupunta sana ako sa kabilang direksyon ngunit "Bro!" Sigaw niya at lumingon ako. Tumakbo siya papunta sa direksyon ko. Ngumiti ako at nakipagbro fist siya "Masaya ako na magkasama na kayo, ingat ka bro at alis na ako" sabi ko at tumalikod. Hinila niya yung kamay ko "I'm not the guy for you, you must wait for someone who was destined for you" sabi niya at umalis na.

And He was just waiting for someone to comeback.

One shot storiesWhere stories live. Discover now