Chapter 3

1.6K 140 11

"Mabuti naman at pumayag ang asawa mo." Komento ni Lola Esme habang tinutulungan niya akong mag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa Japan.

"Alam naman po ninyo, Lola. Pagdating sa mga magulang ni Navid, hindi siya makaka-hindi." Sagot ko kay Lola habang naglalagay ng mga sweaters sa aking bagahe.

Panandaliang tumigil si Lola sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin. "Ikaw nga ay maging totoo sa akin, Elle. Maayos ba ang trato sa iyo ni Navid?" Seryoso ang boses na tanong ni Lola.

Without stopping what I am doing, ngumiti ako at sinagot si Lola. "Maayos po ang trato sa akin ni Navid, Lola. Hindi nga lang po kagaya ng ibang mga mag-asawa ang pagsasama namin, ngunit ni minsan ay hindi pa po niya ako nasaktan o napagbuhatan ng kamay."

Not unless we're in bed. Gusto ko sanang idugtong.

Huminga ng malalim si Lola saka umiling. "Mahal mo talaga ang batang iyon, ano?"

Doon na ako napatigil sa aking ginagawa. I looked at Lola. I gave her a sincere smile and nodded my head. "He is a good man, Lola. Nakita ko po iyon noon kung paano po niya ako at kayo na rin, tratuhin. It's just that,things happened and those things lead us to this situation." Yumuko ako at ang sincere na ngiti sa aking mga labi ay napalitan ng mapait na ngiti. "Kasalanan ko rin naman po kasi. Lasing po siya, nasa tamang pag-iisip naman ako. Dapat ako 'yung umiwas. Dapat ako 'yung nagpigil. Pero hindi ko nagawa, so here we are, stuck in this loveless marriage. He is stuck with me, sa akin na hindi naman niya mahal."

Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo si Lola at lumapit sa akin.

Niyakap ako ni Lola at marahan niyang hinaplos ang aking mahabang buhok habang nakabaon ang aking mukha sa kanyang tiyan. "Apo, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan na nahulog ang loob mo sa kanya. Hindi mo kasalanan na minahal mo siya." Humiwalay sa akin si Lola. Marahan niyang kinulong ang aking mukha gamit ang kanyang mga palad at nginitian ako. "Kahit kailan, hindi naging kasalanan ang magmahal. Aba'y kung tutuusin, napakaswerte nga sa'yo ni Navid. Iyon nga lang ay masyado siyang nabubulagan ng galit kung kaya't hindi niya nakikita ang mga magagandang katangian na taglay mo."

Napangiti ako sa sinabi ni Lola.

She really know how to make me calm, how to make me feel at ease and how to make me smile.

Limang-taong gulang lamang ako noong pumanaw ang nanay ko sa sakit na diabetes. Ang tatay ko naman ay iniwan ako at sumama sa ibang babae. Kaya't magmula noon ay si Lola na ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Kung ano ako ngayon ay dahil iyon sa kanya.

Magkokolehiyo na ako noon nang dalhin niya ako sa mansiyon ng mga Axton.

Tandang-tanda ko pa kung paano niya pinakiusapan si Mama Amanda at Papa Samuel na patirahin muna ako sa mansiyon habang nag-aaral ako ng kolehiyo.

At tandang-tanda ko rin kung paano siya umiyak nang pumayag ang mag-asawa sa pakiusap niya. They even offered Lola na sila ang magpapa-aral sa akin nang malaman nila na valedictorian ako noong grumaduate ako ng high school.

Binitiwan na ako ni Lola at bumalik na siya sa pag-aayos ng mga damit sa isa pang bagahe na dadalhin ko.

"O siya, ayoko ng drama. Tapusin na lamang natin 'to para mamaya eh magpapahinga ka na lamang." Saad ni Lola.

Ngumiti na lamang ako bilang tugon saka ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Mabilis kaming natapos ni Lola kaya't nagdesisyon kaming dalawa na magluto para sa hapunan na matagal na naming hindi nagagawa.

Cooking has always been our bonding dahil pareho naming hilig ang pagluluto. Ngunit nang ikasal na kaming dalawa ni Navid ay paminsan-minsan na lamang namin ni Lola iyon na nagagawa.

The Unloved WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon