Pagkikita

2.3K 74 11
                                    

Bea/Biya

Nagising ako dahil sa tubig na pumapatak sa mukha ko. Dun ko na realize naulan pala at basang basa ako.

Napahawak ako sa akin sintido dahil sumakit ang ulo ko.

"Pero wait nasaan ako?"

"I'm sorry." parang ako nanigas sa kinatatayuhan ko.

"I'm sorry Bea hindi na matutuloy ang kasal natin." Parang bomba na sumabog sa harapan ko ang mga katatagan iyon.

"Ba..bakit?"

"Hindi na kita mahal Bea."

Bigla ako nakaramdam ng inis ng maalala ko ang aking panget na ex. Siya ang dahilan kung Bakit ako nandito, pero winaksi ko na lamang ang pag aalala sa panget kong ex. Hindi ngayon ang oras para isipin siya.

Tumingin ako sa paligid wala ako nakikitang tao kaya medyo kinabahan ako.

Kinapa ko ang aking short kung may dala akong cellphone pero wala akong makapa dahil wala naman ako bulsa ibig sabihin wala ako kahit ano dala kahit nga sapin sa paa wala din nakayapak lang ako.

Gosh paano na ko?! Sa isip ko minumura ko na din ang ex ko! Medyo natatakot ako pero kailangan ko makaalis dito.

Hinakbang ko ang aking mga paa hindi ko alam kung nasaan lugar ako napadpad pero alam ko isla ito.

"Tao po? Tao po? May tao po ba dyan?!" Sigaw ko habang nahakbang pero wala nasagot sa akin tanong kaya naman
Pinagpatuloy ko na lamang ang pag lalakad ko kahit naulan, pero ilan minuto na ako naglalakad at nilalamig na ko dahil sa ulan, pero wala pa rin ako nakikitanh tao na pwede kong hingnan ng tulong hanggan sa napadpad ako sa madaming dahon ihinawi ko ang mga ito.

Sa paghawi ko sa mga dahon napahangan ako sa akin nakita ang ganda ng paligid ang dami mga bulaklak ngayon lang ako nakakita ng ganito buong buhay ko.

Lumapit ako at hinawakan ang mga bulaklak, inamoy ko na din ang mga ito.

Ang bango ng mga bulaklak ngayon lang ako nakaamoy ng ganito at ngayon lang din ako nakakita ng mga ganitong bulaklak.

Napaangat at napanganga ako ng makita ko ang isang napakagandang Castle. Kulay puti ito at napakagandang.

Ganito ganito ang pangarap ko na mala-palasyo bahay na may malaking lupain na pagtatayuan ng magagandang gusali at syempre kasama si Harold.

Sa inis ko na maalala ko na naman aking ex, hindi ko sinasadya na mabunot ang mga bulaklak at ihagis sa lupa at apak-apakan ang mga ito, dahil sa akin ginawa may nagalit.

"Roar!!" Natatakot ako humarap sa kung ano man na nasa likod ko.

"Oh may gosh!" Tili ko ng makita ko ang malaking lion! na ang sama ng tingin sa akin at mukhang gusto ako kainin.

"No! Over my sexy body! Hindi ako magpapakain sayo!" Sigaw ko sa lion na ito pero mukhang lalo siya na galit.

"Kung ang panget ko nga Ex, hindi ako na kain ikaw pa kaya!" Dagdag ko pa dito pero nang susugudin niya ako mabilis pa sa kabayo tumakbo na ko.

Takbo lang ako ng takbo kahit na ang lakas na ng ulan, pero wala akong pakialam kailangan ko makaalis dito, hindi ako pwede makain ng lion na ito sa ganda kong ito. Madami pa ako pangarap gusto ko pa maging mas mas sikat na Engineer hindi lang sa Pilipinas pati na din sa buong mundo. At syempre hindi pa ako nakakaganti sa ex ko na pinagsisihan ko kung bakit hindi ko na sipa ang kanyang private part! Kung na sipa ko lang sana iyon at baka hindi ko na isipan tumalon sa barko.

Dahil sa katanghan ko at hindi ko napansin na may bato ayun na tumba ako.

"Ouch!" Sigaw ko ang sakit ng tuhod ko. Tatayo sana ako ng marinig ko na nandyan na siya.

"Roar!" Gosh ayan na ang lion mukhang, hindi lang mukhang takam na takam na talaga sa sexy body ko.

Hindi ako na ko makatayo at  nanigas na ang  katawan ko kaya pinikit ko na lamang aking mga mata at hintayin na kainin ng lion na ito ang aking sexy body.

Pero ilang minuto na nakalipas pero hindi ko naramdaman ang sakit. Wait? Hindi ba masakit mangagat ang lion. Ganun na ba ako ka manhid dahil sinaktan ako ng ex ko?!

Kinakabahan na minulat ko ang aking mga mata. Pero imbes na lion ang aking makita ko isang matangkad at napakagandang nilalang. Ang ganda ng mga mata niya, ang matangos nitong ilong, ang manipis na labi, ang makinis niya mukha at ang mahaba niya buhok.

Napalunok ako ng makita ko ang pag taas ng kilay niya gosh.

"Sino ka?!" Sigaw na tanong ng magandang nilalang na ito sa akin.

La Isla De Ulan (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon