Part 4

73 3 0
                                                  

- Alexa’s POV

 

Krrrrrnnngggg….!!!


 
Okay, class dismiss.” anang Philosophy teacher naming si Ms. Gwen.
 

Hay salamat, makakakain na rin sa wakas. Hindi kasi ako masyadong nakapag-almusal kanina sa bahay dahil sa subrang excited pumasok

Kaya magpapaka-busog ako ngayon. At babawiin ko na lamang sa pagkain ang napaka-stressful na pangyayari sa araw na ito.


Hi!
 

Napalingon ako.


Kasalukuyan na akong nagsisilid ng mga notebooks at libro sa bag.
 

Alexandra, right?” sabi pa nito.
 

Y-yeah. But, just call me Alexa for short. And you are …?” sabay lahad ng aking kamay at tinanggap din naman nya agad iyon.
 

Im Lara. Im just sitting over there.” sabay turo ng upuan na nasa bandang likuran.
 

Oh, I see. Nice meeting you, Lara.” sabay ngite.
 

Same here.” aniya.

Magla-lunch ka na rin ba?” i asked.
 

“Yup. Sabay na tayo?”

"Oh sure, sabay na tayo. Wala din naman akong kasama. Yan din sana ang itatanong ko, naunahan mo lang ako.” kako at napakamot ng ulo. Bahagya naman siyang natawa.
 

"Oh, really? Wow."

Yeah. So, tara na?” yaya ko.

"Okay, lets go."

Dali-dali naman agad niyang dinampot ang kanyang bag, saka sabay na kaming lumabas ng silid.
 
Maraming fastfood restaurant labas na malapit lamang sa Unibersidad, kaya doon na naming napag desisyunang kumain. Nadaanan kasi naming maraming tao sa cafeteria at siguradong wala na rin kmeng mapi-pwestuhan doon.

Masayang kausap si Lara. Sakatunayan nga ay madaldal ito at hindi boring kasama kaya madali ko siyang nakagaanan ng loob.
 

So hindi pala talaga kayo  taga rito?” tanong niya sa akin pagdaka.
 

Katatapos lang naming kumain ng sandaling iyon at pabalik na kami ng Campus. Sa ilang minuto pa lamang naming magkasama ay marami-rami na rin kaming napag-usapan, hanggang sa napag-kwentuhan na rin namin ang ilan sa mga personal naming buhay.
 

Yup. Taga-Iloilo talaga kami.” sagot ko.
 

Iloilo to Lobresa? Wow, ang layo ah.
 

Well, ganun talaga.” sabi ko na lang at napakibit-balikat na lang din ito.
 

Pagbungad pa lamang namin sa gate ng Iskul ay sumalubong agad sa amin ang ilang mga estudyanteng namimigay ng mga flyers.

They are promoting their Clubs, Sports and Organizations, saying that they are opening their applications nextweek.
 

Wow, opening na ng application nextweek. May napili ka na bang salihan?” tanong nya.
 

Hmmm, for now, wala pa. Pag-iisipan ko muna.” I just said.
 

Sa totoo lang ay marami akong gustong salihan, at unang-una na doon ang Spiker Aces Volleyball Team o mas kilala sa accroname na SAV Team. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit dito ko mas piniling mag-aral.

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon