Pangsiyam

170K 5.3K 1.8K

PANGSIYAM

Kapag tinititigan ako ni Laxus nang masama gamit ang isang pares ng kulay gray niyang mga mata, lagi akong napapaisip na parang may mali. Hindi ko alam kung nasisiraan lang ba talaga ako ng bait o naloloka lang ako para maisip at maramdaman ‘yun. Para kasing kapag tumitingin siya sa akin, may kung ano sa pagkatao niya. Parang may kulang. Parang hindi kumpleto. Ang ganda ng mga kulay gray niyang mga mata pero walang buhay. Walang kinang. Puro kalungkutan lang ang makikita mo. His pair of eyes are beautiful yet incomplete. It’s like his sadness is hidden out there. Everytime na mapapatingin ako sa kanya, parang gusto mo siyang intindihin pero hindi ko magawa.

Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon dahil sa mga mata niya pero walang matinong kasagutan. Hindi ko alam kung totoo ba ‘tong weird na nararamdaman ko o resulta lang din ‘to ng pangloloko sa akin ng punyetang kuko na ‘yun. Nevertheless, parang bata si Laxus. Isang bata na hindi alam ang buong pagkatao niya. Kahit hindi magsabi si Laxus sa akin parang, somehow, nararamdaman kong nahihirapan siya dahil hindi niya maalala ang kanyang buong memorya.

Na-curious tuloy ako tungkol sa past niya at kung bakit siya pinarusahan. Alam kong hindi lang ‘yun dahil sa katigasan at kagaspangan ng ugali niya. Ang OA naman ng Goddess Erza nila kung gano’n lang ang dahilan. Sigurado akong may mas matindi at malalim pang reason. Ayoko naman tanungin si Laxus tungkol do’n dahil sinabi na niya nga sa akin na hindi niya nga maalala. Baka mabuwisit na ang moody na genie na ‘to at bigla akong sapakin sa mukha, pero gusto ko siyang tulungan. Hindi ko lang alam kung papaano.

Katatapos lang ng klase namin ngayong hapon at uwian na namin. Pagkalabas ng prof namin ay sabay-sabay napatingin ang mga kaklase kong babae kay Laxus tapos sabay-sabay rin silang namula. Ay, gano’n? Kailangan talagang sabay-sabay. Napataas na lang ako ng kilay dahil kakaiba ang mga titig nila. Para nilang hinahalay sa mga malalandi nilang utak ang moody na genie. Kawawa naman ang katawan ni Laxus, nahahalay ng walang kamalay-malay. Uy, rhym.

Bigla kong napansin na nauna nang tumayo si Laxus at naglakad palabas ng classroom. Tamo ‘tong genie na ‘to talaga. Hindi man lang ako sinabihan na uuwi na. Puwede naman niya akong batukan tapos sabihan ng ‘Hoy, stupid girl. Let’s go home.’ o kaya naman ‘Hoy, bobo! Tara na!’ Pero wala, e. Dinaanan lang ako ng walang’ya. Akala ko ba, girlfriend niya ako? Pero bakit ganito trato niya sa akin? Ang sakit, ha. Chos lang!

Mabilis ko na lang kinuha ang bag ko saka tumakbo palabas para maabutan siya. Mabuti naman at hindi siya mabilis maglakad. Nakita ko agad siya na palabas na ng department building namin. Napairap na lang ako dahil lahat ng estudyante ay nakahinto tapos nakatingin kay Laxus habang naglalakad. Si Laxus kasi pa-cool effect pang nalalaman. Nakalagay sa magkabilang bulsa niya ‘yun kamay niya habang naglalakad. Akala mo, rumarampa sa isang fashion show.

“Ang guwapo naman niyon. ‘Yun ba ‘yung bagong transferee?” narinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya. Dededmahin ko lang sana pero napahinto ako dahil sa sunod niyang sinabi. “Gusto ko siya maging boyfriend,” kilig na kilig na sabi niya.

Bumalik ako sa kinatatayuan nila at tumayo sa harapan nila. Dali-dali kong kinuha ang salamin at Nescafe 3 in 1 sa bag ko. Hinawakan ko ang kamay niya saka ibinigay ‘yung salamin na maliit at ‘yung coffee na nasa sachet.

“Te, kailangan mo ‘yan,” sabi ko sa kanya.

Napataas naman siya ng kilay habang ‘yung kasama niya nakatingin lang sa akin.

“At anong gagawin ko rito?” buong pagtataka niyang tanong.

“Salamin para makita mo ang sarili mong itsura,” sabi ko. “Tapos kape, itimpla mo sa mainit at nagbabagang tubig sabay ibuhos mo sa mukha mo nang magising ka sa kahibangan mo. You’re welcome.” Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti saka tumalikod na.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now