Part 1

87 3 0
                                                  

- Alexandra's POV



Araw ng Lunes, buwan ng Hulyo.
Unang araw ko ngayon bilang Freshmen Student sa Lobresa University.

At dahil umpisa pa lamang ng pasukan at wala pang kakilala, ay solo akong naglakad papasok sa loob ng naturang eskwelahan.

Masyadong malawak ang kabuo-an ng Unibersidad. Kaya naisipan kong mamaya na lamang maglilibot at uunahin ko munang hanapin kung saang lupalop ng eskwelahang ito ang unang silid ko.

Alas otso y medya pa naman ang first class ko, subalit mas mainam na yung mas maaga kesa naman sa malate ako.

Pa-akyat na sana ako sa ikalawang palapag ng BS-ed building para hanapin ang room 101 ng may biglang bumungo sa akin.

Not only once Besh, but twice. 😏

Magkasunod kasi silang dumaan at pareho pa talaga silang sumalakay sa akin. And for me, hindi lamang iyon aksidente lang. Hmmf!

"Ouch!" napangiwi ako habang sapo-sapo ang aking kaliwang braso.

Woah! ang sakit, promise.

Yung una ay nakahawak pa ako sa rail ng hagdanaan, pero yung ikalawa na, ay tuluyan na talaga akong natumba.

Mabuti na nga lang at sa unang baytang pa lamang ako't hindi pa tuluyang nakaka-akyat, di-sin sana'y nahulog nga ako.

"My gad! tumabi ka kasi at wag tatanga-tanga! You're blocking the way, Idiot!" anang isa sa dalawang babae.

Haler! Nasa gilid na kaya ako. Sila pala 'tong idiot eh! [beast mode]

"Next time kasi 'wag kang pa kalat-kalat kapag dumadaan kami!Baka sa susunod hndi lg 'yan ang aabutin mo." Nakapa-meywang pang sabad ng isa.

Hindi ako nakapag-salita at napa-tanga na lamang. Are they threatening me???

Hmmp, teka, teka, teka...!

Tumayo ako't hinarap sila. Hindi ko na ininda ang mga matang nakatingin sa amin.

"Ano?! E kayo pala 'tong tanga at idiot eh. Alam nyo ba kung saan ang tamang lugar ng gilid at gitna? Bulag yata kayo para sabihing pakalat-kalat ako't 'im blocking your way?? Mga BOBO!" gigil na si ako.

Konting timpi pa, Alexa. Kere mo 'yan, go!

"What did you say?!" anas uli ng unang babae. Isang matalim na tingin ang pinukol nya sa akin at ganun din ng isa nyang kasama.

"Hindi ka naman siguro bingi, diba?kailangan ko pa bang ulitin? Haler!" Matapang ko namang sagot.

Magpapatalo ba naman ako? DaaAH! 😏

But infairnes hah, ang gaganda't ang si-sexy nila. Lalo na yung naka pink na parang artistahin at modelo ang dating. My gosh, wala man lang akong panama kahit man lang sa mga porma nila.

Uh, then so what?! I don't care! Kahit gaano pa sila kaga-ganda't si-sexy kung ang sasama din lang naman ng mga pag-uugali, well, di-bale na lang. Hmmf!

Napapalibutan na kme ng ilang mga studyante. Mag-eksena ka ba naman sa ganitong klaseng lugar, natural lang na agaw atensyon talaga 'yon sa madlang people.

Gosh, nakakahiya. 😒

Kunsabagay, hindi naman ako ang nag-umpisa. Im just defending myself.

"C'mon, girl. We're just wasting our time here." sabi nung naka-pink.

Inirapan pa talaga niya ako saka nag-about face. Ganun din ang ginawi ng sidekick nya, este nong kasama nya, hanggang sa tuluyan na nga silang umalis.

Aba't ang ba-bastos din pala ng mga bruhang 'to e. Anu, ganun-ganun na lang 'yun? hndi man lang nag sorry.

Teka, teka, teka! Hindi yata tama 'yun. Grrr!

"Hoy, sumusubra na kayo hah!"

Susugurin ko pa sana sila ng may mga kamay na pumigil sa akin at hinapit ako.

Sino naman kaya ang Epal na 'to?

"Enough!" boses lalaki.

Gosh, ang bango niya. At ang sarap sa ilong ang samyo ng pabangong ginamit niya, lalo pa't humalo ito sa amoy ng balat nya ---parang natural scent lang kumbaga.

Well, it does'nt matter, anyway.

Back to reality.

At yun na nga, pinilit ko paring kumalas sa pagkakahawak niya, subalit di ko yun magawa dahil masyado syang malakas.

"Ano ba? bitiwan mo nga ako! sumusubra na ang mga bruhang 'yun e, kainis!" nang gagalaiti kong sabi.

Para naman itong walang narinig at mas lalo pa ngang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa akin.

"I said, enough! Stop it!" ulit nito na nasa high tune na.

Natigilan ako.

Ay wow, galit ka ba bro? Hanep! 🤨

Sino ba ang sira-ulong lalaking ito na bigla na lamang um-eksena? Yun tuloy, tuluyan nang umalis ang mga bruha. Haizt!

"Bingi ka ba?! sabi nang BITIWAN MO...A-KO!!"

Buong lakas akong pumiglas para makawala sa kanya. And thanks God, dahil nagawa ko naman iyon.

Pero ano itong nangyayari... matutumba yata ako.... 😟😥😰


"Aaaaaaaaah......!"



Napa-pikit na lamang ako.


Ilang sakit ng katawan pa ba ang aabutin ko sa araw na ito? Hindi pa nangangalahati ang araw, e bugbug sarado na itong katawan ko.

Pero hindi iyon ang mas na ina-alala ko, kundi ang mga matang kanina pa nakatingin sa akin.


Grabe, subrang nakakahiya na talaga 'to. 😫


Juice colored, sana'y panaginip lang ang lahat ng ito.

😔😔😔








- to be continued...

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon