Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

14

622K 10.6K 1K
                                    


Chapter 14


HINDI AGAD nag-sink-in sa utak ni Cynthia ang sinabi ni Leo. Tumagal pa ng ilang minuto bago nya naunawaan ang lahat. Ang problema pa'y hindi agad sya nakapagsalita. Halos hindi kasi sya makapaniwala.

Bumuga ng hangin ang binata. "Cynthia, you have to move out. Now..." ang mga mata nito'y nakabaling sa iba at hindi sa kanya.

Napalunok sya at napapikit nang bahagya. Gusto nya itong murahin, gusto nya itong saktan. Matapos syang gamitin nito sa kama tuwing kailangan, ganon-ganon na lang sya nito paalisin? Pero hindi yun ang masakit, eh. Ewan nya pero may mas masakit. Siguro yung namumuo nyang katangahang damdamin sa herodes na ito.

"Odessa and I – we're living in together. At ayaw ka nyang narito. I'm sorry..." nakayuko lang ito. Pero yung pagsasalita nito'y parang normal lang at tila hindi nakokonsensya.

Lalapitan nya ito. Sasampalin nya ito nang malakas. Pagkatapos sasabihin nya rito lahat ng hinanakit nya. Isusumbat nya rito lahat ng paghihirap nya mapaligaya lang ito. Kaso hindi ganon ang nangyari. Animo syang robot na kusang humakbang at dinampot ang kanyang mga bagahe. Wala ni isang salita syang binitawan.

Nang mailabas na nya ang mga gamit nya, walang-tinging isinara na ni Leo ang pintuan. Samantalang sya, tigagal pa rin.

Paano ito nagawa ni Leo sa kanya? Ano ba ang problema nito? O baka talagang ganito ang ugali nito sa mga nagiging girlfriends nito? Kung alam nya lang, hindi sana sya nagtiwala sa lalaking ito. Kainis! Daig pa pala nito yung pinsan niyang si Melanie kung palayasin sya!

Maya-maya'y tumulo na ang luha na kanina nya pa pinipigil. Ang sakit. Iba yung sakit! Although sanay na syang pinapalayas ng ibang tao pero iba ang isang 'to. Ibang usapan ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

Nasa elevator na sya nang mapahagulhol sya. Ang tanga nya! Ang tanga-tanga nya! Nakuha na ang bataan nya, binaboy pa sya! Hindi pa nakuntento, itinapon sya at ipinagpalit sa iba! Hanep! Grabeng parusa ito sa kanya.

Saan na sya ngayon tutuloy? Saan sya pupunta? Saan sya titira?

At heto nga't natagpuan na lang nya ang kanyang sarili sa opisina. Dun sya dumeretso, dala itong mga bagahe nya. Mabuti na lang at marami-rami na syang tabing pera.

"Cynthia, mukhang dinala mo aparador mo rito sa opisina, ah..." sita sa kanya ni Gladis.

Napatingin din si Merdie sa mga gamit nya. "Dito mo na ba balak tumira?"

Nababanas sya sa pagmumukha ng dalawang ito. Pero hindi na sya nagpatumpik-tumpik pa. Kailangan nyang sumubok na magsabi sa mga ito.

"Kailangan ko nga ng pansamantalang matutuluyan ngayon eh. Pwede ba ako sa inyo Merdie?"

"Naku, day hindi pwede eh. Strict ang parents ko. Bawal ang barkada sa bahay." sambakol ang nguso nito.

"Putragis! Ang tanda mo na may parents ka pa?" napatanga sya rito. Matured na kasi hitsura nitong si Merdie at mukhang tumanda ng dalaga.

"Nakakasakit ka na, ah... mukha lang akong matured pero bata pa ako!"

Bumaling sya kay Gladis. Ito medyo bata-bata pa. Kaya nga lang bulwat ang mata. "Sa inyo Gladis, pwede ba ako?"

"Pwede naman. Kaso... nakakahiya sa'yo. Iyong mister ko kasi malib0g, eh. Baka marinig mo ang churbahan namin."

"Susmaryosep! May asawa ka? May pumatol sa'yo?"

"Hoy, grabe ka naman! Kung makapagsalita ka eh parang sa'yo lang may pumapatol na fafa. Syempre may naliligaw din naman ng landas, nuh?"

Humugot muna sya nang malalim na paghinga.

It Started in the Elevator✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon