Yuan's Pov
Sapilitang kong sinama si Vianne sa malapit na restaurant. Kaunti lang ang kinain niya kaninang umaga kaya kahit hindi siya magsabi ay alam kong gutom na ito.
"Hindi nga ako nagugutom at kahit gutom ako hindi pa rin ako gaganahan kumain lalo na at ikaw ang kasama ko." Angil nito na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
Hawak ko ang kanan kamay niya habang naglalakad kami sa malapit na resto na malapit lamang sa opisina.
"Ano ba?!" Angil pa rin niya.
"Anong ano ba?" Inosente kunyaring tanong ko.
"Bitiwan mo ang kamay ko!"
Umiling ako, "No, may kasalanan ka pa sa akin."
Huminto ito sa paglalakad at saka lumingon sa kaliwa't kanan niya, "Hindi mo talaga bibitiwan?"
"No." Pagmamatigas ko.
"Kung gano'n, ready ka na bang masira ang reputasyon mo?" Naghahamon sabi niya at napangisi ako.
"Sisigaw ka ng rape, kidnap o snatcher? Alin sa mga iyan? Sa tingin mo ba may maniniwala sa'yo? Tsk, lumang style na yan Vianne." Sa dami nang alam na kalokohan ng babaeng ito, malamang may pinaplano na naman 'tong hindi maganda.
Hindi nakawala sa paningin ko ang pamumula ng mukha niya sa pagkainis.
"None of the above sweety," nakangising aniya at saka lumapit sa akin at bumulong sa tainga ko. "Mas gusto kong gawin 'to."
"Ah!" Daing ko dahil tinuhod niya ang juny ko.
Nabitiwan ko ang kamay niya dahil napahawak ako sa parteng tinuhod niya.
Fuck!
"Masakit?" Nang-aasar pang tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Kung tuhod ko kaya ang ipasok ko riyan sa'yo? Sa tingin mo ba masarap 'yon?!" Medyo bastos na ang dating ng pagkakasabi ko pero gusto kong makaganti sa ginawa niya sa akin.
Ang sakit ng pagkakatuhod niya sa juny ko kung alam niyo lang readers.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at dinuro pa ako, "M-maniac!" Malakas na sigaw nito bago ako tinalikuran.
May mangilan-ngilan napatingin sa gawi ko at peke ko silang nginitian. Hinabol ko ang papalayong si Vianne at nung naabutan ko ito'y hinawakan ko ang siko niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang paningin sa siko niyang hawak ko. "I didn't meant to say that, so I'm sorry." Sinserong sabi ko dahil hindi ko naman talaga sinasadya na masabi sa kanya iyon.
"Ayos lang, nasabi muna eh. Wala nang magagawa ang sorry mo." Seryosong sabi niya at nakaramdam naman ako ng guilt. "Gusto ko nang umuwi," dagdag pa niya.
"Ihahatid na kita," presinta ko.
Wala akong sagot na natanggap mula sa kanya. Tinalikuran niya ako at nauna itong naglakad pabalik sa kotse.
Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay sinampal ko ng malakas ang pisngi ko. Makabawi man lang sa maling nasabi ko sa kanya.
Outch!

BINABASA MO ANG
Perfect Romance [COMPLETED]
RomanceYou are the best meaning of perfect romance my love.