Part 2

12.2K 266 4
                                    

"MA, KAILAN DARATING ang suki ninyong jeweler? wika ni Zach na pumasok sa master bedroom ng mansyong nakatirik sa isa sa pinakamarangyang subdivision sa Maynila.

Tinaasan siya ng kilay ng isang babaeng halatang puro kaginhawahan ang tinamasa sa buhay. "Bakit, Zachary? Mahilig ka na rin ba sa alahas ngayon?" bagaman may pagtataray sa tinig nito ay makikita naman ang playful smile sa mga labi nito, dahilan upang mabawasan ng sampung taon ang anyo nito kaysa sa tunay na edad.

"Alam ninyo namang sa tatlong relo ko, kuntento na ako. Bibilhan ko si Vivienne."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Doña Patricia. "Oh, hindi pa ba nagsasawa sa kakapabili sa iyo ang babaeng iyon? Baka bukas-makalawa maubos na niya ang pera mo?"

"Ma," lambing niya sa ina. "Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi ganyan si Vivienne. You should know. Diyan lang sa kabilang block ang bahay nila at alam nating lahat na kung pera ang pag-uusapan, hindi kami nagkakalayo."

"Oo nga naman," the regal woman snorted. "Tuso nga lang sila. Hijo, kagabi lang ay laman ng news ang ama ng Vivienne na iyan. Santambak ang kasong isasampa sa Ombudsman dahil sa mga anomalyang kinasasangkutan ng George Alonzo na iyan."

"Paratang lang ang mga iyon. Paano kung hindi pala totoo? Nakakaawa na nga si Vivienne. Kagabi pa depressed na depressed. Nabibiktima na sila ng trial by media."

"Hijo, nasa brokerage business tayo so we really know the real score. Kahit maliliit na tao sa Bureau of Customs, hindi masikmura ang anomalyang ginagawa ng taong iyon. Mabuti nga at mayroon nang mga nagsasalita laban sa kanya. Aba, matagal na panahon na ring puro pagsasamantala ang ginagawa niya sa gobyerno at sa mga tao."

Napailing na lang siya at nagpasyang huwag nang patulan ang tinurang iyon ng ina. Ilan taon nang siya ang namamahala sa brokerage business nila. Ilang panahon na rin niyan naririnig ang tungkol sa mga kalokohan ng ama ni Vivienne na nakapuwesto sa isa sa pinakamataas na posisyon sa Bureau of Customs. At noong isang beses nga ay mismong broker pa niya ang kinikilan nito.

Nagkagulatan pa sila ni George Alonzo nang malamang tao niya ang ginigipit nito. Girlfriend na niya noon si Vivienne. Bagaman galit siya sa ginawang iyon ng lalaki, ang mas pinairal niya ay ang respeto dito bilang ama ni Vivienne.

Naging pabor din naman sa kanya ang nangyari. Naging madali na para sa kanya ang maglabas-pasok ng kargamento sa Customs. And very legal, of course. Kahit na talamak ang corruption sa sangay na iyon ng gobyerno, inilalagay pa rin niya sa legal sa paraan ang kanyang negosyo. He always wanted an honest business at iyon ang mismong ina-apply niya sa kumpanyang ipinasa na ngayon sa kanya ng kanyang ama nang mag-retiro ito tatlong taon na ang nakakaraan.

Mahal niya si Vivienne. Well, iyon ang paniniwala niya. For three years now, dito siya nag-stick. Hindi siya nag-interes ng ibang babae kahit na nga ba marami ang talagang nagpapakita ng motibo sa kanya. He was thirty-two years old. At sinabi niya sa sariling tapos na siya sa pakikipaglaro sa mga babae. In fact, naiisip na nga niyang si Vivienne na ang pakakasalan niya. Ang babae rin naman ang pinakamatagal na niyang nakarelasyon at nagkakasundo naman sila.

"Ma, three years na kami ni Vivienne. Hindi mo pa rin ba siya gusto para sa akin?" banayad na tanong niya sa ina.

Napabuntunghininga ito. "You know me, hijo. I don't usually meddle in your private affairs. Kaya lang, hindi naman ako makatiis kapag ang babaeng iyan ang sangkot. I think that's the mother's instinct in me. Forgive me, Zach, pero malakas ang kutob ko na hindi ang babaeng iyan ang bagay sa iyo."

"Dahil corrupt ang father niya? Dahil naeeskandalo ang pangalan nila?"

"Oh, hindi lang iyon," tila napapaunawang katwiran nito. "Marami na akong naririnig sa Vivienne na iyan. Buhat nang pasukin niya ang fashion world, kung anu-ano na ring intriga ang napasukan niya. Parang hindi pa siya nasiyahan sa mga eskandalong kinasangkutan ng ama niya."

Wedding Girls Series 02 - LORELLE - The Jewelerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن