Pangwalo

151K 5.4K 1.6K

PANGWALO

Totoo ba ‘yung nakita ko kanina? Si Laxus ba talaga ‘yung bago naming kaklase at hindi lang ‘yun, pinagmalaki pa niya na ako raw ang girlfriend niya? Plus, hindi raw siya magda-dalawang isip na pumatay kapag may nakita siyang tao na lumalandi sa akin? Putek na ‘yan. Hanggang ngayon ay naloloka pa rin ako sa pinagsasabi ng genie na ‘yun. Pulang-pula pa rin ang buong mukha ko dahil sa pasabog ng walang’ya sa classroom. Hindi ako nakapaghanda. Sana naman sinabihan muna niya ako, ‘di ba?

Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako narito sa banyo para ikalma ang sarili ko. Pero sa tuwing naiisip at naaalala ko ‘yung mga pinagsasabi niya, para na namang sasabog ang malandi kong organ na nasa loob ko. Sinampal ko ulit ang pisngi ko para makasiguradong hindi ako nananaginip. Aray. Hindi nga talaga ako nananaginip. Totoo nga ‘yung nangyari kanina. Totoo ngang sumulpot ang walang’ya.

Muli akong naghilamos ng mukha at napatingala sa salamin. Kahit na may tubig na tumutulo sa mukha ko, kitang-kita pa rin ang kagandahan—charot—pamumula nito. Ano ba? Bakit ba ako namumula at parang…kinikilig? Alam kong joke lang mga pinagsasabi ni Laxus pero bakit natutuwa ako? E, kasi, finally, pumayag na siyang sundin ang second wish mo and nothing more. Mag-iilusyon ka na naman. Pero bakit may gano’ng ka-eklabuhan siyang ginawa? Trip niya lang. Para mas mukhang makatotohanan. Pake mo ba?

Nakikipagsagutan na ako sa kosensiya ko. Kailan ba ako nagsimulang makipag-usap sa buwisit kong konsensya? Hindi ko maalala, ha. Buwisit na Rolando Berto Judas kasi ‘yan. Kitamo nang naging effect ng pangloloko sa akin ng walang’ya. Pati konsensiya ko ngayon ay sumasagot na sa akin. Hindi kaya na-trauma ako? Chos. Sabagay, katrauma-trauma naman nangyari sa akin. Ikaw ba naman na magkaroon ng ex-boyfriend na kuko, e.

Nakatitig pa rin ako sa sarili kong reflection sa salamin nang may makita ako. Si Angel Locsin ba ‘to? Hindi, gaga. May isang imahe ng lalaki akong nakikita. Hindi masiyadong kita ang mukha niya dahil medyo malabo ito. Ang tangi lang malinaw sa kanya ay ‘yung kulay dilaw niyang buhok. Kumikinang ito na parang diyamante. Bigla akong napaatras nang magsalita ito.

“Hindi kita papabayaan.”

Biglang tumaas ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya at ‘yung sinabi niya. Agad kong kinuskos ang mata ko at muling tinignan ‘yung salamin. Wala na ang imahe ng isang lalaki na may dilaw na buhok. Ang tangi ko na lang nakikita ay si Angel Locsin...ay na pala iyan. Pero, siyet lang. Ano ‘yung nakita ko? Agad akong napatingin sa paligid ng banyo dahil baka minumulto na ako.

Tamo. Dahil sa ginawa ni Rolando Berto Judas na nakita sa #363 Ramos St, sa may kulay dilaw na bahay, sirang gate, at may pipi na aso, kung ano-ano na rin ang nakikita ko.

Naghilamos na lang ulit ako nang mabilisan saka kumuha ng tissue at pinamunas sa mukha ko. Nang matuyo ko na ang sarili kong mukha ay agad na akong lumabas ng banyo dahil baka bigla na naman akong multuhin. Ano ba ‘tong mga nangyayari sa akin lately? Saka ko naalala ‘yung panaginip ko kaninang umaga. ‘Yun lalaki ro’n sa panaginip ko at ‘yung lalaki na nakita ko sa salamin kanina ay parang iisa lang. Parehas kasi silang may dilaw at parang kumikinang na buhok.

Kinakabahan ako. Bakit may mga ganito akong pangitain? Matatapos na ba buhay ko? Chos. OA ka naman sa pag-iisip, Jenny. Baka mas’yado ka lang talagang nao-over sa mga pinag-iisip mo kaya may mga gano’n kang napapaginipan at nakikita. Peste kasi ‘yang si Rolando Berto Judas. Siya lang may kasalanan nang lahat talaga. Wala akong ibang sisisihin sa mga nararanasan ko ngayon.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now