TMAFK#60

11.8K 318 33
                                    

Adriana's pov.

"Flowers for you." May pinatong na artificial pink roses si Ava sa aking table habang kinikilig ito.

"Kanino galing?"

"Kay Dominic mo." Masaya nilang sambit at sinusundot ang aking bewang.

"Akala ko kay unknown number." Hanggang ngayon nagte-text pa rin ang lalaking never ipakilala ang kanyang sarili. Nagpapadala din ito ng totoong pink roses hindi gaya ni Mr. Sy Yabang na artificial lang.

"Kayo na ba ni unknown number?"

"Hindi ah! We're just text mate." Sagot ko sa tanong ni Ava ngunit tila ayaw nila maniwala sa akin.

"My text mate ba na nag-aalabyuhan?"

"Hoy! Binasa mo?" Inis kong tanong kay Maxine nang asarin ako.

"A little!"

"May gusto ka na yata kay unknown number."

"No way! Hindi na ako nagpapabola sa mga lalaki ngayon. Mga manloloko lang!" I'm just bored kaya ini-entertain ko si unknown number pero wala akong balak seryosohin.

"Not all!" Singit ni Maxwel na kararating lang sa room. "Hindi lahat ng lalaki manloloko. Loyal nga ako sa'yo." Nakangiti nitong sambit. I'm so thankful to Maxwel dahil tanggap na niya na hanggang magkaibigan lang kami.

"Except sa'yo Maxwel."

"Kaninong flowers 'yan?" Tanong niya at kinuha ang bulaklak.

"Pang peace offering ni Dominic."

"May ginawa na naman bang kasalanan sa'yo?" Tanong nito para ako'y umiling.

"May note oh!" Pinakita ni Maxwel sa akin ang note dahilan para ako'y ma alarma.

"Akin na 'yan." Pilit kong kunin sa kaibigan ko ngunit ayaw niyang ibigay.

"Good luck sa laro Adriana. From your handsome enemy." Basa nito sa maliit na papel dahilan para asarin ako ng mga kaibigan ko.

Madalas kaming magkita ngunit bihira naman mag-usap dahil pareho kaming busy sa gaganaping program dito sa SEU.

"Anong oras ang laro mo?"

First day of SEU Intramurals ngayon. Ang bawat section ay may panlaban sa bawat patimpalak. At ako'y kasali sa larong badminton at volleyball.

"Ngayon na." At pinakita ko kay Maxwel ang suot kong jersey na ipinahiram niya.

"Samahan na kita."

Papunta na kami sa covered court nang makasalubong namin si Dominic kasama ang kanyang fiance.

"Hanggang ngayon tanga pa rin 'yang ex mo." Bulong ni Maxwel habang masama ang tingin kay Dominic.

"Hanggang ngayon malandi pa rin si Belle." Panlalait ko nang mapansin kong nakapulupot ang kamay nito sa braso ng ex ko.

"Totoo nga pa lang ang balita na magboyfriend and girlfriend kayo ni Maxwel." Wika ni Belle nang tumigil ito sa tapat namin.

"Kumalat na pala ang tsismis."

"S'yempre kilalang kila ka dito Adriana. Ang dating kriminal ng SEU." Mataray niyang sambit dahilan para pigilan ito ni Dominic.

"Ana, stop it."

"Don't be jealous, Belle. Ikaw na ang susunod na kriminal ngayon." Napangiti ako nang mapansin itong nainis sa sinabi ko.

"You're so lucky with Maxwel. Binigyan ka pa ng flowers kahit hindi mo deserve. Remind ko lang sa'yo na bantayan mo iyang girlfriend mo baka kasi niloloko ka lang." Payo ni Belle sa kaibigan ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon