Secret Nights - 37

232K 3.2K 497
                                    

AMBER'S POV

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang malaman kong buhay si Zeke. Pero siyempre, mas nangibabaw ang tuwa sa puso ko ngayong nalaman kong buhay siya. Pero at the same time ay bigla na namang nagulo ang sistema ko. Bakit ba lagi na lang ay nasusuong ako sa ganitong sitwasyon. 'Yong tipong kailangan kong mamili sa kanilang dalawa—kay Zeke at Zach.




 Pero kung titimbangin ko ang nilalaman ng puso ko, alam ko kung sino sa kanilang dalawa ang pipiliin ko. Pero hindi iyon ganoon kadali lalo na ngayong alam kong may isa akong masasaktan oras na namili ako sa kanilang dalawa.




 At tila nananadya naman ang tadhana dahil nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang tumugtog ang isang pamilyar na awitin sa radyong iniwin ni Zeke na nakabukas. Hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang kantang 'yon ni KZ Tandingan lalo na sa mga taong katulad ko ay naguguluhan.



Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siya bang kumakatok sa puso ko

Oh anong paiiralin ko

Isip ba o ang puso ko

Nalilito litong litong lito

Sinong pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako?

 



Napailing na lang ako at napangiti ng pilit dahil kahit yata kanta ay nagpapahiwatig na kailangan ko ngang mamili sa kanilang dalawa.




Tumayo na ako mula sa malambot na kama at isinuot ang nakahandang tsinelas na nasa gilid ng kamang ginamit ko. Paglabas ko ng kwarto ay agad akong sinalubong ng mabangong amoy sinangag na kanin. Bigla akong nakaramdam ng gutom.




 Pagpunta ko sa maliit na kusina ay naabutan ko nga si Zeke na nagsasangag ng kanin. Parang may humaplos sa puso ko nang makita kong malapad siyang ngumiti pagkakita niya sa akin. Mabilis niyang iniwan ang niluluto at saka lumapit sa akin para hagkan ako sa pisngi.




"Good morning. Upo ka na at malapit na ring matapos 'tong niluluto ko," nakangiting sabi niya sa akin. Sumunod ako sa sinabi niya at wala akong ibang ginawa kundi ang pagmasdan siyang kumportableng kumikilos sa loob ng kusina.




 Zeke looked lively today. Hindi kagaya nang una ko siyang makita kahapon sa dalampasigan kung saan mababakas ang kahungkagan at lungkot sa mga mata niya.




 After few more minutes ay natapos rin siya sa pagluluto at naghain na ng pagkain. Aside sa fried rice ay mayroon ding bacon, egg at fresh orange juice. Nang masigurong kompleto na ang lahat ay saka lang siya umupo sa silyang kaharap ng inuupuan ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon