Kabanata 2

394K 6.7K 800
                                    

Kabanata 2

[YUKA]

"Bakit ka nga late?" Napalunok ako at parang naramdaman kong dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Then suddenly my eyes started to make the first move for me. 

Nagmamaganda silang kumurap-kurap. 

"Do you really not believe I woke up late?"

"I don't 'coz I'm not stupid." He looked at me in disbelief. "And don't use me that secret weapon of yours, woman. Tell me what really happened."

Napaka super fail ko talaga! Kahit simpleng pagpapalusot 'di ko magawa! 

Kabado kong tinignan iyong mga kilay niyang nagiging pretzel knots na. Iyong mga mata niya'y nagiging literal na umaapoy na tsokolate na unti unting natutunaw at umaagos na mula sa kanyang noon pababa sa mga pisngi. 

Okay. 

Tama na ang kabaliwan, Yuka. May chocolate bang umaapoy at mula sa mata ay tumutulo mula sa noo? Gutom na talaga ako.

"Ganito kasi 'yan, Hubby," sabi ko at huminga ng malalim. "Dapat kasi talaga kanina pa 'ko. Kaso lang pinaglinis pa 'ko ni Auntie kaya hindi ako nakapasok sa dalawa kong subject. Nagsabi naman ako na may exam ako kaya kung pwede mamaya na lang. Eh kaso hindi siya....oh my gosh!!" 

Napatakip ako ng mabilis sa bibig ko at tumingin sa sahig. Nanlaki ang mga mata kong nag-angat ng  tingin sa kanya. Did I just tell him...everything?!

Istupida kang tunay, Yuka! Ang shunga-shunga mo talaga! Sa tinagal-tagal mong tinago sa kanya 'yon, inamin mo lang sa kanya lahat in just a split second?! Napayuko na lang ako habang kinakatok ang ulo ko. 

Pag-angat ko ulit ng tingin, huli na ang lahat para tumakas pa sa kapalpakan ko. Nilalamon na 'ko ng kulay chestnut niyang mga mata. Pero teka nga... Kakasabi ko lang kanina na tsokolate, ngayon chestnut naman? Nagha-hang na yata ang utak ko, pero kung sabagay magkakulay lang naman sila. Parehong brown!

"Auntie? May Auntie ka? And why the fuck did she do that? You're not a damn maid!" sigaw niya. Kabado akong napatingin sa paligid at bahagyang hinatak ang laylayan ng uniform niya. 

"Hinaan mo nga 'yang boses mo. Mamaya may makarinig sa 'yo dito, e." 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko. Hindi naman kasi talaga ako maid. Pinalayas ni Auntie lahat ng kasama namin sa bahay nang bumalik si Daddy sa Japan. Pero may magagawa ba ako? May karapatan ba akong magreklamo at kontrahin siya? Wala.

Walang alam si Daryl. Hindi niya alam ang totoong nangyayari sa 'kin dahil natatakot akong ipaalam sa kanya. Nahihiya akong malaman niya na sa mismong pamamahay ko mismo ay inaalipusta ako ng babaeng bigla na lang dumating sa buhay namin ni Daddy. Pero dahil sa kinadaldalan ng bibig ko, lumabas ang mga salitang hindi ko inasahang masasabi ko sa kanya ng gano'n lang kadali. 

"Si mama 'yon. Sabi nya kasi niya... 'wag ko raw siyang tatawaging mama dahil... hindi naman niya 'ko anak," tumawa ako ng mapakla. "Kung sabagay totoo naman 'di ba? Hindi naman talaga niya 'ko anak because she's just my stepmom." Pinilit ko pa ring ngumiti. "But you don't have to worry. Hindi naman ako masyadong napagod sa ginawa 'ko. Hindi ko naman ikamamatay ang paglilinis ng bahay."

Diniinan ko ang pagkagat sa loob ng pisngi ko at muling yumuko. Ayokong makita niya na naiiyak ako. Napaka iyakin ko kasi talaga kaya nakakainis! May gamot kaya para sa gan'to? Pero 'di bale na lang. Baka 'di ko rin afford. Nagtitipid pa naman ako.

Habang nakayuko ay naramdaman ko ang mainit niyang palad na humaplos sa likod ko. Kinabig niya 'ko palapit sa kanya hanggang sa nakasandal na ang pisngi ko sa dibdib niya. Kapag ginagawa nya 'to pakiramdam ko ay palagi akong ligtas. Wala akong nararamdaman kahit anong takot at lungkot. Nawawala lahat ng sama ng loob ko. 

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon