Kabanata 1

445K 7.4K 490
                                    

Kabanata 1

[YUKA]

Kabado kong tiningala ang nakasabit na orasan sa aking pader. 10 minutes na lang, mahuhuli na 'ko sa klase! Kung bakit ba kasi hindi tumunog 'yung alarm ko?!

Hinatak ko ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko at hinagis na lang ito kung saan! Bahala na kung saang sulok ito dumapo, basta ang kailangan ko ngayon ay maging female version ni the flash!

Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto. Feeling ko ay mababali na rin ang likod ko sa dami ng laman ng bag ko! Exams week kasi namin ngayon at pakiramdam ko ay wala akong dapat sayangin na oras sa pag-re-review.

"Tigil!!" impit na sigaw ng isang boses na nakasanayan ko ng marinig sa araw araw na ginawa ng Diyos. Jusko naman, pwede po bang awat muna kahit today lang?

Sa bilis ng pagtakbo ko pababa ng hagdan ay nabigla yata ang istupida kong katawan.

"Aray! Aray!" magkakasunod na daing ko habang bumabagsak sa bawat baitang ng hagdan.

RIP to my mini buns.

"Saan ka pupunta, babae?" nagmamataas ang kilay na tanong niya sa 'kin habang nakapamaywang. Grabe talaga ang mga kilay nito, akala mo'y laging nakikipag-kumpitensya sa taas ng Mt. Everest!

"Papasok po?" medyo obvious kong sagot. Bukod sa nakikita naman niya sigurong naka-uniform ako, e oras na talaga ito ng aking pag-pasok sa eskwela.

"Pinipilosopo mo ba 'ko?!" tila nainsultong tanong nito sa kin, dahilan para mapa-atras ako kahit masakit pa ang pwetan ko.

"H-hindi po," may takot na sagot ko at yumuko na lang. Parang hindi na naman maganda ang gising niya. At sa tuwing ganito siya ay matinding kaba lagi ang gumagapang sa dibdib ko.

Napalunok ako nang lumakad na siya palapit sa 'kin. Please, 'wag ngayon.

"Hindi ka pa nakapaglinis ng bahay, lalayas ka na?! Gusto mong ikaw ang ilampaso ko sa naglulupang sahig na 'yan?!" galit na pagturan nito sa obligasyon ko habang tinuturo ang sahig na sa tingin ko ay wala namang dumi, Kakalampaso ko lang naman kasi nito kagabi bago ako natulog.

Mahigpit akong napakapit sa magkabilang gilid ng uniform ko. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot dahil baka dumapo na naman sa 'kin ang mga kamay niya. Alam ko namang hindi niya 'ko gusto at dapat nga ay sanay na rin ako sa mga ginagawa niya sa 'kin, pero ewan ko ba. Hindi ko magawang makasanayan ang pagiging bayolente niya.

Ayoko pa rin 'yung pakiramdam sa tuwing sinasaktan niya 'ko. Kasi masakit--literal na masakit ang bawat paghampas ng mga kamay niya sa katawan ko. Hindi ko 'yun gusto, pero wala akong magawa.

"M-may exam po kasi ako ngayon. Mahuhuli na po ako sa klase kapag hindi pa po ako umalis, Ma," halos pabulong na lamang na sagot ko. Baka sakaling palagpasin niya ako sa pagkakataong ito.

Pakiusap pumayag ka na po. Taimtim na bulong ko sa aking isipan.

"Wala akong pake sa klase mo kaya't hindi ka aalis. At ilang beses ko bang kailangan paulit-ulit na ipasok d'yan sa kokote mo na 'wag na 'wag mo 'kong tatawaging mama?" matigas na saad niya. "Malinaw naman siguro d'yan sa utak mong walang laman na hindi ako ang ina mo, hindi ba? Hindi kita anak."

"S-sorry po...."

"Tapusin mo ang dapat mong tapusin bago ka umalis, kundi malilintikan ka sa 'kin!"

"O-opo...."

Tinalikuran niya na niya 'ko habang ako, heto at umiiyak na naman. Tumingala ako para pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko at pinunasan ang mga pisngi ko. Haaay. Lagi namang ganito, bakit ba hindi na ako nasanay? Simple lang naman ang dahilan kung bakit niya nasabi 'yon. Kasi nga hindi niya ako anak.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon