Pang-anim

158K 5.5K 643

IKAANIM

Ilang oras din akong tumagal sa cubicle at nag-iiyak lang. Nilabas ko talaga lahat ng sama at bigat ng loob ko habang nakaupo ako sa inidoro. Nando’n lang ako sa loob at humagulgol nang humagugol. Wala akong pakialam kung may nakakarinig sa pag-iyak ko. Sila kaya ang lokohin at paniwalain sa isang matagal na relasyon na tanging ikaw lang pala ang nagmahal? Tignan natin kung hindi ka mapaiyak nang bongga. Pakiramdam ko nga, sa sobrang pag-iyak ko’y lalabas na sa mga mata ko ‘yun bituka ko, e. Mabilis ko tuloy hinawakan ang kanan kong mata and good thing wala pang bituka—atay palang. Chos!

So there, habang umiiyak ay may narinig akong babaeng nagsalita. Mukhang kanina pa siya naririndi sa pag-atungal ko. Hindi ko lang siya pinapansin dahil busy nga ako sa pag-emote ko.

“Ano ba ‘yan! Hindi na makapagmake-up nang maayos. Ang ingay!” narinig kong sigaw niya sa akin. Mukhang nakaharap siya sa salamin at pinipinturahan ang sarili niyang mukha.

“Ano ba ‘yan. Nye nye nye,” sagot ko rito. “Huhuwag mo pakielaman ang pag-iyak ko. ‘Etong broken-hearted ako, baka hindi kita matancha!” sigaw ko sa kanya. Nag-echo pa nga sa loob ng banyo ‘yung sinabi ko.

“As if natatakot ako. Duh?” Aba. Kita mo ‘tong babae na ‘to. Sumasagot pa, a. The nerve of this girl. Ayan, napapa-english na ako. Nag-eenglish lang naman ako kapag galit ako, e. Ibig-sabihin galit na ako. Grr. Yari ka talaga sa akin.

Mabilis kong pinunasan ‘yung mga luha ko at napatingin sa gilid ko. May nakita akong kulay pulang balde na walang laman at kulay puting tabo. Mukhang panghugas ito sa mga taong tatae rito. Yak. Ew. Mabuti nalang at hindi ako tumatae sa banyo na ‘to. Choosy kasi ang aking mga dumi. Ayaw lumabas kapag sa ibang inidoro ako naglalabas ng sama ng loob.

Kinuha ko ‘yung puting tabo saka hinagis papunta ro’n sa babaeng sumasagot at bumabasag sa moment ng pag-iyak ko. Hindi ko alam kung saang parte siya kaya tinancha ko nalang kung saan nanggaling ‘yung boses niya.

“What the hell! Ikaw ba’ng naghagis nitong tabo?” galit na sigaw niya sa akin. “My gosh. So childish!” mukhang nainis siya sa paghagis ko ng tabo sa kanya.

Kainis. Hindi pa tinamaan ‘tong babae na ‘to. Childish pala, ha. Makikita mo ang higanti ng childish na tulad ko. Ginambala mo pag-eemote ko? Pwes, gagambalian ko ang pagmimake-up mo.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Kinuha ko nalang ‘yung pulang balde na walang laman saka tumayo. Mabigat kasi at hindi ko kayang ihagis papunta sa kanya kaya tumayo ako. Pumikit muna ako at pinakiramdaman kung saan ba talaga siya banda nakatayo. Gano’n kasi ang napapanood ko sa mga anime. Pumupikit sila para ma-sense kung nasang banda ang kalaban. Noong medyo alam ko na, iminulat ko na ang mga mata ko at inihagis sa ere ‘yung balde. Sana lang talaga tamaan siya.

Bigla ako nakarinig ng isang kalabog. Mukhang natamaan ko nga siya, ha. Buti nga,‘Ayan kasi. Mas’yadong epal. Panira ng moment. Buwisit na ‘yan. Hinihintay ko ang sagot niya pero hindi na siya nagsalita. Mukhang natakot na kaya mas pinili niya na lang na tahimik na magmake-up. Aba, huwag na talaga siyang sumagot dahil hindi ako magdadalang-isip na itong malaking drum naman ang ihagis sa kanya.

Muli kong pinunasan ang mga mata ko at inayos ang sarili ko. Kinuha ko naman ‘yung bag ko at bago isarado ang zipper nagsalita muna.

“Wala kang kuwentang genie. Nakaka-stress ka, Laxus. Buwisit ka,” sermon ko sa luma at kaderder na arinola. Hindi sumagot si Laxus kaya dedma na lang ako at isinarado na lang ‘yung zipper saka isinuot sa balikat ko ‘yung bag.

Paglabas ko ng cubicle, bigla akong nagulat. Nakita ko kasing nakahandusay sa malamig na tiles ng banyo ‘yung babaeng sagot nang sagot sa akin kanina. Mukhang tourism student din siya kagaya ni ingrown dahil parehas sila ng suot na uniform. Nagkalat sa tiles ‘yun mga make-up niya at napansin ko din ‘yung noo niya na dumudugo. Mukhang dito siya natamaan ng baldeng ihinagis ko kanina kaya nahimatay siya.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now