sya^ si Aloe Honey~ si Aloe Honey na namimiss na si baby Andy~ ayiee. hehe ako rin namimiss ko na sya! XD thanks Honey porr reading PB.. ;))

- - - -

x57: Goodbye? 




[ADRIAN's PoV] 


Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto kung nasaan si Chelle, napatakip ako ng mukha gamit ang isang kamay ko. 


Gusto kong tumawa. Gusto kong itawa na lang 'tong sakit na nararamdaman ko. 


Pero di lang tawa ang nagawa ko.. Naiyak na din ako.. 


ARGHH.. ANO BA ADRIAN?! 


Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago pa tumulo ang mga ito. Napahigpit din ang hawak ng isa ko pang kamay dito sa may doorknob. 


Gusto kong bumalik sa loob at muling pakiusapan si Chelle. Yun ang gustung-gustung-gusto kong gawin pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. 


Hindi na yun pwede eh. Sinabi ko na kay Chelle na di ko na sya kukulitin diba? Nangako rin ako kina Mama at Ate Hazel kanina, na ito na ang huling beses na kakausapin ko si Chelle tungkol sa bagay na yun, na tatanggapin ko na kahit ano pang sagot ang ibigay nya sakin. 


Kaya kahit ayoko pa ring maniwala sa sagot nya na hindi nya ko mahal, kailangan ko na yung tanggapin. Kailangan ko nang sumuko. 


Sumuko.. 


Napangiti ako bigla. 


Oo. Para di na ko mas masaktan pa, at para tuluyan nang sumaya si Chelle, SUMUSUKO NA KO. 


Bumitaw na ko sa doorknob at naglakad palayo. 


Sa sala ko nag-stay. Doon nagbukas ako ng beer-in-can at uminom. 


Inom, tulala, inom, tulala-- yan lang pinaggagawa ko hanggang sa mapansin ko ang mga papel na nasa ibabaw nitong center table. 


Ito pala yung mga plano na ginuhit ko para sa pag-renovate nitong bahay. 


Napangiti na naman ako. Ngumiti ako sa kabila ng pagkirot ng puso ko. 


Ang ganda sana nitong plano ko pero aanhin ko pa toh? Di ko na toh magagamit. Wala na eh. Wala na kong paglalaanan nitong pangarap ko. 


Sa sama ng loob ko, nilamukos ko 'tong mga papel at binato yun kung saan. Tapos uminom ako. 


Ugh.. Ang sakit.. Ang bigat sa dibdib.. Di maiwasang maluha ng mga mata ko sa nararamdaman ko.. 


Malamang, ganito rin ang sakit na naramdaman ni Chelle nung iwan ko sya, nung sabihan ko sya na di ko na sya mahal.. 


Muli akong ngumiti at uminom. 


Itong pinagdaraanan ko ngayon, tama lang toh. Tama lang na mangyari toh sakin, diba? 


Tama lang na pagbayaran ko ang mga kasalanan ko noon kay Chelle. Kahit ba ang kabayaran na yun ay ito, ang mawalan ng pagkakataong magkaroon ng buong pamilya, KAHIT KAILAN. 


Pumikit ako at sumandal dito sa sofa. Inisip ko na lang ang mga susunod kong gagawin sa buhay ko pagkatapos nito. 


Sumasang-ayon ako sa sinabi sakin ni Mama na kung di ko man makuha si Chelle, nandyan naman si Andy. Anak ko pa rin sya at tatay nya pa rin ako kahit anong mangyari. Dapat maging isang magulang na lang ako sakanya at dapat magmove-on na rin ako. 


Pero magagawa ko bang magmove-on kung kasabay ng gagawin kong pagpapaka-ama kay Andy eh makikita ko si Chelle na masaya kasama si CJ? 


Hindi naman sa ayaw ko syang makitang masaya pero..masakit yun sakin eh.. Masakit na makita syang masaya kasama ang ibang lalaki.. 


Uhh.. Bwiset.. Ano na bang gagawin ko? 


Antok na antok na ko pero nagawa kong dumilat bigla nang may maalala ako. 


Naalala ko, meron akong pwede gawin para masimulan ko ang pagmu-move-on.. 


Ilang minuto akong natulala at pinag-isipan ang bagay na yun. Tapos pumikit na ko ulit. 


Nakapagdesisyon na ko.. 


YUN na lang ang gagawin ko.. 




[RACHELLYN's PoV]


I was very deep in sleep when I felt someone's hand touch my cheek. 


This familiar touch, I love it. And I smiled, knowing whose hand it was. 


Well I know, it was Adrian's. 


Dahil dun, mas napasarap ang tulog ko. Lalo pa nang maramdaman ko ang paghalik nya sa ilong ko. 


"I love you, Chelle.." rinig kong bulong nya sakin. 


Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag sinasabi nya ang mga salitang yun sakin. 


"Goodbye.." yan ang sunod nyang sinabi kasabay ng pag-alis nya sa hawak nya sakin. 


Yung mabilis na pagtibok ng puso ko kanina, biglang nawala. Para syang huminto na sa pagtibok at dinamdam ang sakit na dala ng sinabi ni Adrian. 


GOODBYE? What was with his goodbye? Why did he have to say that? And hearing it, was it supposed to hurt this much for me? 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!