PAMBUNGAD

23.7K 136 4
                                        


P a m b u n g a d



     "Malamig ang tubig lalo na ngayong papalapit na ang pasko."


     Sabi niya na may ngiti.


     Pinapanood ko lang siya.


     Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanya. Suot ko pa ang aking uniporme at sapatos pang-eskwela na makintab.


     Walang pakundanagan siyang nag-alis ng baro pantaas saka ito inihagis lang kung saan. Sumunod ang kanyang pantalon na maong, nagmamadali parang bata. Nang mahubad na at brief na lamang ang suot ay bigla itong tumakbo palapit sa akin. Hindi na ako nakapaghanda sa sumunod. Mahigpit niya akong kinabig payakap.


     "Anong gagaw---"


     "Humanda ka na!!!!!!"


     Isang iglap. Mabilis.


     Basta ang naalala ko ay pabulusok akong umalalim sa malamig na tubig ng talon. Sisigaw sana ako bilang protesta pero nilunod ng ginaw ng tubig ang aking tinig. Tila ako binuhusan ng isang balde ng baong tunaw na yelo sa lamig. Basta binilisan ko ang kampay, pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin.


     Bwisit siya.


     Hindi ako marunong lumangoy e.


     T-eka... 


     Panaginip?


     Nananaginip lang ako...


     Kainis...


     Wala nang mas nakakairita pa sa pag-istorbo sa magandang panaginip dahil sa pesteng tawag sa cellphone.

     

     "Bakit?" Wala kong ganang sagot.


     Si Jane lang pala.


     At bakit ganitong alanganing oras pa tumatawag alam naman niyang may pasok bukas.


     "Buksan mo ang TV dali!!!! Bilisan mo!!!!"


     Nainis lang ako lalo sa lakas at tinis na sigaw ni Jane sa kabilang linya.


     "Ha?"


     "Bumangon ka dali, buksan mo TV mo, ilipat mo sa Channel 4!!! Bilis!!"


     "Bakit ka ba napat---"


Si Itay . . . ang Barakong Ex-ConTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon