052

246 16 3

narration
Dongpyo








"hoy pyo tinatamad na ako." sabi niya ng makalabas kami ng mcdo.




"eh ang dami mong kinain don tas may dala dala ka pa ngayon." kinuha ko yung iba niyang dala at binuhat.




"malapit lang naman eh."




"pag ako hinika Pyo sinasabi ko sayo." ay oo nga pala. "joke lang lika na."




"hindi, baka ano pa mangyari sayo eh." sabi ko at tumingin lang sakanya.




"lakarin na natin pabalik sa hotel dali." ngumiti siya at naglakad na sinundan ko siya.




Naramdaman ko bigla na parang sumakit yung puso ko.




I feel so bad for leaving her.





"Pyo, sa tingin mo-- shucks." napatingin ako sa langit ng biglang umulan. Lumapit siya sakin at bigla akong niyakap.




"okay ka lang?" tanong ko, malamang sa malamang hindi. Binitawan ko yung hawak ko at niyakap siya pabalik.




"thank you." napahigpit yung yakap niya ng kumulog at kumidat bigla, kahit ako natakot pero di ko yon pinakita.




"bakit kasi di muna tayo sumilong." sabi ko at hihilahin na sana siya pabalik sa mcdo.





"eh kung hindi matapos yung ulan, kelan pa tayo makakauwi niyan?" sabi niya, nakayakap pa rin sakin. "tsaka kasi... natatakot ako."





"eh anong gusto mo, lakarin na natin yung hotel mula dito?" tumango naman siya at napangiti ako.





Nagsimula na akong maglakad pero ramdam ko na natatakot si Areum. Medyo binagalan ko yung lakad ko para masabayan siya.





"okay lang yan ulan lang yan."






"alam mo ba Pyo, ang dami ng di nangyari na maganda pag umuulan." imik niya bigla. "kaya ang hirap tignan ng ulan ngayon eh. ikaw lagi naaalala ko." binulong niya yung ulang sentence pero rinig ko pa rin.





"sorry." di ko na napigilan, masyado na ata ako naguilty.





"so wala ka nga talagang amnesia?" napatigil siya paglakad at ganon din ako.





"sorry Areum." yun lang yung kaya kong masabi ngayon.





"sa tingin mo mababalik ng sorry mo yung mga nagawa mo non?" kita ko na umiiyak na siya ngayon.




"pero kasi, ayoko na masaktan ka. Lalo na ayaw ni dad sayo, para din naman satin yung ginawa ko eh." medyo nanginginig na yung boses ko dahil sa medyo naiiyak ako.




Parang biglang nawala yung takot na nararamdaman ko sa mga kulog.





"ginawa mo para sa future natin? Pero nasaktan ako Pyo! Ano ineexpect mo? Matutulog ako bawat gabi iniisip na babalik ka at ineexplain sakin lahat? Hindi! Iiyak ako bawat gabi iniisip na baka kasi di mo na ako mahal! Until yon..." pinunasan niya yung mga luha niya at halos mapaupo na siha kakaiyak.





"...until bumalik ka. Nung nakita ulit kita, nasaktan ulit ako. Mas nasaktan ako nung sabi mong di mo ako maalala." tuluyan na siyang napaupo at umiyak.





"Reumie, sorry." sabi ko habang umupo na rin at pinakalma siya.





"simula ngayon wag mo na akong tawagin na Reumie." tumayo na siya at tuluyan ng umalis.




Naiwan ako sa ulan, napaisip ako na grabe pala yung sakit na pinaramdam ko sakanya.




I need to fix this. I want to call her Reumie again, I want to make her mine, again.






sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now