13 RELATIONSHIP IS A MUST

252 24 27

Isang araw sa Sari-sari, Burger, and Chichiria store a.k.a. Tindahan ni Aya, ay nakatambay ang todo nakasimangot at maluha-luhang si Mitoy.

"Oi, oi, Mitoyski," sita ng ala Wonder Woman na nakapamewang na si Aya. "Ke-aga-aga nakapangalumbaba ka. Pektusan kita r'yan! Mamalasin 'tong business ko."

"Miss Aya, napaka-insensitive mo naman. Kitang brokenhearted ako ngayon, e." Sabay bunghalit ng kinikimkim na ngawa nito.

"Arrrgh! Mitoy, ano bang noise pollution 'yan?" sabad ng kararating lang na si Rainydusk.

"Basag daw ang puso niya, Lee," paliwanag ni Aya sabay bulong, "Basted na naman. Walang kadala-dala!"

"Huwat? Toymits, 'di ka pa ba na-immune--este, that's life. Ang kabiguan ay parte ng buhay."

"Hindi, Lee. I can't teyk dis enimor! I want a lab life!"

"Baka wild life," komento ni Aya. "Mukha mo, LAB life ka r'yan. Experiment ang peg? But anyways, may tama ka kasi ang pakikipagrelasyon ay parang isang eksperimento. Walang sawang trial and error para mag-work at ma-maintain. Sakit ng ulo 'yan, Mitoy. Mas masaya maging single."

"No, no, no, Miss Aya. 'Di ako susuko!"

"Well, kung talagang persistent ka, go!" sagot ni Rainydusk. "Tutal, marami pa namang iba r'yan, right? Malay natin, nasa tabi-tabi lang pala ang taong magmamahal nang buong puso sa 'yo. Just keep looking."

Sabay baling ni Mitoy kay Rainydusk. May kislap sa mga titig nito.

"Oh, please, Mitoy. 'Wag mo kong tingnan!"

***

Usapang relasyon...

Lahat ng bagay na magkakaugnay ay mayroong relasyon. Ganyan din sa writing.

Sa grammar, mayroon tayong tinatawag na Subject-Verb Agreement at Pronoun-Antecedent Agreement, at marami pang iba, pero ang pag-uusapan po natin ay ang Dialog and Dialog Tag Relationship. Ito ay isang importanteng rule sa writing na kadalasan ay hindi nabibigyang-pansin lalo pa ng mga baguhang manunulat.

DIALOGUE TAG
- o tinatawag ding speech tag ay tumutukoy sa sugnay (clause) pagkatapos o bago ang dialogue. Ang main function nito ay upang malaman kung sino ang nagsalita ng nasabing dialogue.

Example

"Ang saya talagang magsulat," sabi ni Mitoy.

Ang sugnay/clause or linyang sabi ni Mitoy ay isang dialogue tag or speech tag.

Simple lang ang palatandaan para masabing dialogue tag ang linyang kasunod o nauuna sa dialogue. Kapag may salitang: sabi niya, wika, tili, sigaw, at mga katulad nito, ibig sabihin, dialogue tag iyon.

"Ay, sus! Alam ko na 'yan, Lee," sabad ni Mitoy.

"Ah, okay. Alam mo na pala. Eh, bakit nakikisali ka pa rito?" umiirap na tanong ni Rainydusk.

"Don't small me, Lee. Bida ako rito, remember?" taas-noo pa nitong sabi sabay nag-cross arms.

"Sure. Pero alam mo ba kung paano i-format ang mga ito?"

"Format? May gano'n pa? Hindi ba p'wedeng sariling paraan at trip na lang ng writer iyon?"

"Mitoy, Mitoy, Mitoy. Let me repeat my author note: Ang mga rules o discipline sa pagsusulat ay pundasyon na dapat isaalang-alang at unawain dahil ito ang nagbibigay ng kahulugan sa sining ng pagsusulat."

DIALOGUE AND DIALOGUE TAG FORMAT

Tandaan ang mga sumusunod na paalala:

-Kapag ang dialog ay magtatapos sa period, gawin itong comma.

-Kahit pa sa full break nagtatapos ang dialog, mananatiling nasa lower case (o small letter) ang simulang letra ng tag.

-Kung nauna naman ang dialogue tag bago ang mismong dialog, ang tag ay maaaring magtapos sa colon or comma. Mananatiling naka-upper case or capitalized naman ang unang letra sa dialogue.

Example 1

"Masaya talagang mag-aral magsulat lalo na kapag maraming kasama," sabi ni Lee.

Pansinin: Sa halip na period ay comma ang ginamit pagkatapos ng salitang "kasama."

Example 2

"Super saya talaga nito!" masayang sagot ni Aya.

Pansinin: Exclamation mark is a full break, but the tag starts with a lower case "m."

Example 3

Sumabad si Mitoy, "Kaya nga, e. Nakaka-engganyo mag-aral."

Pansinin: Sa comma nagtapos ang tag pero nagsimula sa upper case o capital letter ang dialogue. Maari ring gamitin ang colon kapalit ng comma.

Paalala rin, hindi na kailangan ng ibang punctuation mark sa dulo ng dialog maliban sa iisang punctuation na ginamit ninyo. Sundin din ang rule na: punctuation remains inside the quotations."

Tara, Mag-Aral Tayong Magsulat!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!