051

203 11 6

narration
Areum






"tangina mo Jisung." sabi ko sakanya at hinablot yung winter jacket niya kasi nahihiya ako sa suot ko ngayon.





"ang bagal mo naman kasi kumilos." sabi niya habang nag-aayos ng buhok niya habang nakatingin sa may mirror ng elevator.





Napatingin ako sa sarili ko at napapikit na lang dahil sa hiya.





"bakit mo kasi ako biglang hinila sa kotse ni Pyo eh alam mo namang naka pajama pa ako." naiirita kong sabi habang ngayon ang sarap guluhin ng buhok niya.





"nakakahiya naman kasi sakanya, hayaan mo na ganda mo pa rin naman." tumaas yung kilay ko at tinulak na lang siya. "tas ang cute ng pajama mo, mickey mouse." tumawa naman siya.






Tinignan ko siya ng masama. Buti na lang nakaligo na ako bago pumunta dito sa hotel.






"atleast pajama ko cute, di tulad mo." sinuot ko ng maayos yung jacket at tuluyan ng lumabas ng elevator ng nasa tamang floor na kami.





"namo ka talaga Jisung bwiset." ngumiti na lang siya at tinali ko na lang yung buhok ko.






"asan na si Dongpyo?" tanong ko bigla habang naglalakad papunta sa venue.





"kasunod natin kanina ah." tumigil ako sa paglalakad ng makarating na kami sa pintong venue.





"oh? Ano meron?" lumingon sakin si Jisung habang inaayos yung tie niya.





"ang panget ng suot ko, tangina mo kasi Jisung." napahawi na lang ako sa buhok ko at napahinga ng malalim.






"Reumie." narinig ko na may tumawag sakin. Lumingon ako at nakita si Pyo na nakangiti.





Tangina ang gwapo niya sa pastel blue niya na suit ngayon. I shook my head para umalis yung naisip ko kanina.






"masyado bang malamig?" tanong niya habang palapit sakin. Kasi naman yung jacket na lang pwede kong masuot ngayon.






"b-bwiset kasi yung kasama ko." sabay turo kay Jisung na pumasok na ata sa venue.
















Nakatingin lang sakin si Dongpyo ng makwento ko sakanya yung nangyari at bakit nakajacket pa rin ako.







"sabihin mo sakin pag di ka comfortable, pwede namang umalis na tayo dito." sabi niya then parang may chineck siya sa phone niya. "labas muna tayo?" nagulat ako ng itanong niya yon.





"s-sige." nilahad niya yung kamay niya at inabot ko yon. Naglakad kami palabas ng venue at nalito ako bakit sa mga rooms kami papunta.





"Reumie, pwede mag-intay ka muna? Mag bibihis lang ako." tumaas kung kilay ko pero um-oo na lang ako at nag-intay sa labas ng hotel room niya.





Habang nag-iintay nainitan ako sa jacket na suot ko at naisip na tanggalin na lang yon.




Hinubad ko yung jacket habang nag-iintay sakanya. Sumandal ako sa pader, pero laking gulat ko ng biglang nagbukas yung pinto. Akala ko si Pyo, pero sa kabilang kwarto pala.





"sino po yon?--" nanlaki mga mata ko ng makita yung ate ako. "bakit ka andito?"






"di ko alam, eh ikaw bakit ka naka bath robe dyan?" gulat ko na tanong. "magiging tita na ba ako?"





"siguro, kaya alis na! Shu." napatalon ako sa gulat ng may humawak ng balikat ko.





"halika na." nakita ko si Pyo na nakapajama, pero minnie mouse yung design. Hala ano, trip neto?





Binalik ko yung tingin ko sa kwarto ni ate at nakita na nakasara na yung pinto.





Tinignan ko ulit si Dongpyo na nakaspecs ngayon habang nakapajama.





"dadamayan na kita, kawawa ka naman ikaw lang nakapajama don." at napangiti siya.





"eh bakit Minnie Mouse?"





"para matching, hiniram ko lang 'to kay ate Minju." napatawa ako, kaya pala kulay pink suot neto.





"titigil ka sa pagtawa o hahalikan kita?" napalunok ako don.





"ang landi mo, bawas bawasan mo nga." medyo napangiti ako don, kasi dati yon lagi line ko sakanya.






"try ko."










sweater | son dongpyo | jacket book 2Where stories live. Discover now