Pangatlo

186K 6.5K 874

PANGATLO

Nakakunot ang noo ko habang tinititigan lang 'tong guwapo at sexy na genie na 'to na nakahiga sa kama ko. Nakataas pa ang paa niya sa isang unan na akala mo’y pag-aari niya ang sarili kong kama. Hindi ako makapaniwalang may nag-eexist pang genie ngayong 21st century. Joke! Naniwala naman agad ako, ano. Ikaw ba naman makasaksi ng genie na lumabas sa isang luma at kaderder na arinola with usok effect pa, ewan ko kung hindi ka agad maniwala.

Mabuti nalang at hindi siya amoy arinola. Noong lumapit kasi ako sa kanya, naamoy kong ang bango niya. Nangangamoy honey and dew 'yung buong katawan niya. Too sweet. Bigla tuloy akong natawa.

"What's funny?" Bigla niya akong binato ng unan. Buti nalang at mabilis akong nakailag kasi nakaupo ako sa may paanan niya. Napatingin ako sa kanya. Nakakunot na naman ang noo niya.

Grabe. Ang pagkakaalam ko sa isang genie, dapat mabait ito lalo na sa boss niya. Pero bakit ang isang 'to, ang sungit-sungit na akala mo magkakameron na o kaya mame-menopause na?

Napataas ang kilay ko. Pero siyempre, mas mataas pa rin ang kilay ng pinsan kong bangkay. Talent niya kaya 'yun. Imba, ‘di ba? Bangis.

"Aba, teka... Magkaliwanagan nga tayo," sabi ko sa kanya habang nakataas pa rin ang kilay ko. "Bakit ka ganyan umasta sa akin, huh? Dapat ay mabait at magalang ka, ‘di ba? Bakit ang gaspang ng pakikitungo mo sa akin? Ako ang nagpalaya sa ‘yo mula riyan sa luma at kaderder na arinola na 'yan. Tawagin mo kong ‘master’!" Napangisi ako. "Come on, call me ‘master’. Hilutin mo’ng likuran ko at nangalay ako kanina sa carinderia."

Inirapan niya lang ako habang pinaglalaruan niya 'yung unan ko. Pinapaikot niya ito sa kamay niya.

"Master your face," sagot niya. Tinignan niya ako, pero muli na namang nang-irap. Bading ‘ata 'to. Lol. Huhuwag naman sana. Ang guwapo-guwapo, e. "Just because you had set me free doesn't mean I owe you some respect. I'm paying you with three wishes, aren't those wishes enough?"

Bigla naman dumugo ang ilong ko sa sagot niya. Mauubos ang alam kong english sa genie na 'to, kainis.

"Huhuwag ka nga mag-english."

"Stupid girl,” masungit na sagot niya.

Ugh! I'm starting to lose my patience to this genie. Teka, napapa-english na rin ako. Hindi ko kinakaya. Baka biglang dumugo ang ilong ko. Tumingala tuloy ako nang wala sa oras. Pero, teka ulit, paano ba tumingala nang tama sa oras? Ay, whatever.

"Fine. Hindi ko na ipipilit na tawagin mo akong master o maging mabait ka sa akin," wika ko. "Pero sagutin mo nalang ang mga tanong ko."

Napatigil siya sa paglalaro ng unan tapos napatingin sa akin. Umayos siya ng pagkakaupo niya. Napatitig ako sa abs niya dahil lalo itong tumigas nang umupo siya. Kainis na abs 'yan. Nakaka-distract.

"I'll answer your question but first…"

"But first?" pag-ulit ko.

"Get me some food,” sabi niya. "I'm hungry." Pagkasabi niyang nagugutom siya, biglang tumunog nang malakas 'yung tiyan niya.

"Oh my gosh. Hahahahaha." Tawang-tawa ako dahil sa lakas ng tunog ng tiyan niya. Mukhang nagugutom na nga talaga siya dahil sa lakas ng tunog. Napatingin ako sa kanya habang tumatawa ako at nakita kong namula ang mukha niya. Bigla niya tuloy akong sinipa kaya nalaglag ako sa kama.

"Don't laugh when someone's hungry. It's a rude habit, you know," inis na naman niyang wika sa akin. "But whatever. Ano nga namang alam ng stupid girl na katulad mo."

Tumayo ako at muling upo sa gilid ng kama. Pinigilan ko na ang pagtawa dahil mukhang buwisit na buwisit na si genie. 

"Grabe ka!" sabi ko sa kanya saka tinapik ang paa niya "Bakit kailangang manipa, aber?"

"You're so annoying, that's why," kaswal na sagot niya. Hindi man lang tumitingin.

"Kung nagugutom ka, bakit hindi ka na lang mag-magic para makakain ka? ‘Di ba, may powers ka?" tanong ko. "Saka, nagugutom din pala mga katulad mong genie?" nagtatakang tanong ko ulit.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now