CHAPTER 18

996 84 29
                                                  

CHAPTER 18

"That's not how you do it..." sita ni Xanthe sa akin at inayos ang kamay ko sa hawak kong gitara. It's another boring day. Busy ang mga kaibigan ko sa mga bagay-bagay at narito na naman ako sa garden para sana magpahangin at nasaktuhang narito pala si Xanthe.

"It's my first time!" reklamo ko kasabay ng pagnguso ng aking labi.

Napailing na lamang siya at pumosisyon sa likuran ko upang mas maayos niyang mailagay ang daliri ko sa tamang lugar.

"Then strum it," utos niya na ginawa ko naman. "Okay now here..." nakatutok lang ang mga mata ko sa daliri ko at malaking kamay nito na nag-guide sa mga daliri ko.

We got bored so here's Xanthe trying to make me learn how to play guitar.

"Are you sure you don't want to join me at student got talent?" tanong nito sa malamyos na boses.

Nadarama ko ang mainit na hininga nito sa may batok ko. Nakatali kasi ang maikli kong buhok kaya damang-dama ko ang hininga niya rito.

"I don't have the confidence, kuya Xanthe." Sagot ko.

Naramdaman ko naman ang pagpitik niya sa aking ulo kaya marahas ko siyang hinarap.

"Kuya, why!" reklamo ko.

"Stop calling me kuya, Avery. Just call me Xanthe." Fine, fine. Xanthe it it.

Ang akala ko kasi ay hindi siya magiging kumportable kung Xanthe lang ang itatawag ko sa kaniya gayong matanda siya sa akin ng apat na taon.

"And if you're talking about confidence. May confidence ka naman when joining quiz bee or anything that related with you being a nerd." Asar niya sa akin kaya inayos ko ang gitara at hinarap siya.

Napa-atras naman siya at nakakalokong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.

"That's different from this." Singhal ko.

"You're going to perform with me. You have me by your side, Avery. Trust me you can do it." Pag-aalo pa niya sa akin para lang mapilit akong samahan siya sa magiging contest.

"You have a band, bakit ako ang gusto mong kasama?" tanong ko.

Clearly, mayroon siyang banda na palaging willing siyang samahan sa pagsali sa contest kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ako itong napagtritripan niyang makasama.

"I want something new, oh, wait!" napapitik pa siya ng kaniyang daliri. "I saw your friend auditioning for the contest. Will it help if we just form a group?" tanong nito.

"They are all singers. Paano naman..."

"And I have a band? Do you want to help your friends win?"

Kumunot ang aking noo at nagtataka siyang tinignan. Hindi maintindihan kung ano bang nais niyang iparating.

"Let's say, we will play the instruments and you and your friends will sing." Sabay ngisi.

"No! Just ask them to join you. Ako? Hindi. I still have stuff to review."

Napaikot naman ito ng kaniyang mga mata at bumuntong hininga.

"Come on, Avery. Enjoy your high school life, too. Hindi pwedeng nariyan ka lang palagi sa library, sa kwarto mo at lagging libro at ballpen ang hawak mo. Life is short and you only live once. We have priorities, yes. But you deserve to enjoy too. Hindi mo naman pababayaan, e."

Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya.

To be honest hindi naman ako palaging nag-aaral lang.

I enjoy my life too by supporting K-POP and... wait!

When Eggs Meets The Army.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon