Una

285K 8.6K 2.4K



UNA



Ang kapal, kapal, kapal, kapal, kapal at kapal talaga ng pagmumukha ni Rolando Berto Judas. ‘Yung lalaking nakatira sa #363 Ramos St. Akala mo naman kung sinong guwapo para i-break ako at banatan ng “I need space. Let's take a break”. Para siyang apelido niya. Isa talaga siyang Judas. Buwisit siya. Hindi siya guwapo. Mukha siyang kuko. Para siyang kuko na hindi nalinisan ng isang taon. Mabuti nga’t sinagot ko pa siya, ano. Pero leche lang dahil kagabi na eksaktong two-year-anniversary namin nang nakipag-break siya sa akin.

Ang gago lang niya. Hindi man lang pinostponed ang pakikipaghiwalay sa akin at ipinagpabukas man lang. Talagang sinira niya ang gabi ko, e. Ang saya-saya ko at sobrang excited no’ng matapos ang klase ko kagabi para puntahan siya sa room niya. Napapasayaw pa ako habang naglalakad at kumakanta ng Shake it Off ni Taylor Swift. Pero naabutan ko lang na nakikipaghalikan siya roon sa anak ng coach niya sa basketball.

Gusto niya raw ng space? Punyeta siya. ‘Yun ba ang gusto ng space? Space niya ang mukha niyang mukhang kuko. Sana nga ay mapunta siya kasama ang babaeng katukaan niya sa outer space para hindi na silang dalawa makahinga. Mga salot sa lipunan. Mga panget. Isang manlolokong mukhang patay na kuko at isang babaeng mukhang ingrown. Bagay sila. Mabuti nga’t wala akong nahablot na keyboard na may malaking space kung ‘di ay naihambalos ko na talaga sa pagmumukha niya.

Dalawang taon kaming magkarelasyon na inaakala kong mahal na mahal niya ako tapos ibi-break niya lang ako ng gano’n-gano’n lang? Nasa’n ang hustisya? Ang sarap niyang sipain sa precious jewel niya right there and then. Ano ba’ng nakita niya ro’n at pinagpalit niya ako? Dahil ba halos kita na ang kaluluwa ng babaeng 'yun kaya natakam agad siya? Dahil ba mukhang porn star 'yun kaysa estudyante? Nakayugyugan niya ba agad 'yun? Dahil ba hindi siya maka-score sa akin? Pakyu pala siya, e.

Okay lang sana sa akin kung space lang talaga ang kailangan niya. Pero hindi, e. Pinagpalit niya ako sa eksaktong anniversary pa namin. 'Yun ang hindi ko matanggap.

Ang mundo talaga ay napakaraming surpresa. Masusurpresanalang tayo na ang mahal natin ay may mahal ng iba. Whatever!

Siya pa naman 'yung first everything ko. First textmate simula nang dumating ako rito sa lugar ng tiyahin ko para mag-aral ng kolehiyo at gawin niyang katulong. Siya ang first suitor ko, first kalandian, first kaholding-hands at first ka-endearment na hubbymuchnkinkyootiepotato. Akala ko, mahal na mahal niya talaga ako. Kapal talaga ng mukha niya, my gosh. Ang sarap niyang singilin sa mga pagkaing pinapakain ko sa kanya sa karinderia ng tiyahin ko.

Hindi ko talaga matanggap ang ginawa niya sa akin. Minahal ko siya, pero niloko niya lang ako. Binigay ko ang lahat-lahat. Joke! Hindi ko pala binigay ang bataan sa kanya. Mabuti nalang talaga. Pero ang sakit, grabe talaga, mga mare. Mas masakit pa 'to kaysa sa pag akit ng puson ko kapag magkakameron na ako.

Bigla akong napatingin sa alarm clock kong nag-alarm. Hinablot ko 'to at in-off.

"Isa ka pa. Wala kang pakinabang." Dinuro-duro ko pa siya. "Akala ko, maaasahan kita para maaga ako magising, pero mas nauna pa ako sa ‘yo gumising. Alarm clock ang tawag sa ‘yo, pero wala kang kuwenta. Manloloko ka rin." Padabog ko 'tong inilapag.

Hindi naman sa ang aga ko talagang nagising ngayon. Hindi lang ako natulog dahil nga isang buong gabi ako nag-iiyak sa pagkamatay ng puso kong sawi. Sabi pa ni Rolando Berto Judas noon na kapag daw naghiwalay kami ay ikamamatay niya. Ngayon, hiwalay na kami. Tuparin niya 'yung sinabi niya. Mamatay na sana siya ngayon din. Magdo-donate pa ako ng tinapay at kape matuloy lang ang burol niya.
Napatingin ako sa sarili kong damit at hindi pa pala ako nakakapagpalit. Pagkauwi ko kasi kagabi ay dumiretso agad ako rito sa kuwarto ko para umiyak lang nang umiyak. Ilang beses akong tinahuwag kagabi ng tiyahin ko para tulungan siya sa carinderia, pero hindi ako sumagot. Broken-hearted kaya ako. Baka maitaob ko lang 'yung mga lamesang may mga ulam sa sobrang pagka-badtrip ko.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon